Huminga muna ako nang malalim.
S**t yan, feeling ko may nagmi-mix sa loob ng tiyan ko.
"Taym pers muna, dude. Kailangan ko na talagang mag-CR," nakangiwi kong sabi habang namimilipit sa sakit ng tiyan.
Feeling ko any moment dito ko na maisasabog 'to.
Lumakad siya at nilampasan ako.
"You're gross," he said before he left.
Wala akong pake sa sinabi niya at nagmamadaling pumasok sa cubicle. Doon ko inilabas lahat.
Inaalala ko kung paano sumama ang tiyan ko. Sumasama lang naman ito kapag nakakain ako ng niyog.
Pagkatapos kong maglabas ng sama ng loob—literally—naghugas ako ng kamay at naglagay ng alcohol gel.
Medyo hygienic naman ako noh.
Dinala ko ang bag ko at board palabas ng CR. Agad kong nakita ang lalaking nakasandal sa pader habang nakapamulsa.
Grabe, pang-boyband ang peg? Pa-cool pa 'tong isang 'to kahit di naman cool.
"I want you out of this school."
Napatigil ako sa sinabi niya at bahagya siyang tinitigan, hinihintay na bawiin niya ang sinabi niya o bigla siyang tumawa at sabihing "Joke." Pero wala. 'Yung mukha niya hindi pa rin nagbabago, nakasandal pa rin sa pader na parang bida sa action movie.
"Ice 'yan," nakangiti kong sabi habang tumango-tango.
"Hindi kita naintindihan."
Umismid ako sa sinabi niya, saka ibinagsak ang longboard sa sahig at inapakan ito.
"Hindi rin kita maintindihan, dude. You want me out of this f**king school? Then beat me."
Nakangisi akong sumagot bago pinatakbo ang longboard ko. Lumiko ako sa lobby at gumamit ng slide and grind trick. Iniangat ko ang skateboard at dumaan sa railings ng hagdanan.
Pagdating sa first floor, ginawa ko ang Ollie—isang jump trick kung saan ang front wheels ang unang umaangat sa lupa.
"Kade! Finally, I saw you!"
Naiinis akong lumingon sa gilid at umirap. Sino pa ba? Edi ang self-proclaimed friend kong si Mythe.
"Kade, alam mo bang hinanap kita simula pa kanina? Where have you been ba? Tapos ka na bang mag-lunch? Sabay na tay—"
"Hep!" I stopped her.
"Mythe, don't act as if you're my friend. For the fking nth time, I'm telling you this— I. DON'T. NEED. A. FKING. FRIEND."
Matigas kong sabi sa kanya. Gumalaw ang labi niya, parang maiiyak, pero sa huli, dahan-dahan siyang yumuko, tumalikod, at umalis.
That annoying creature.
Ang pinakaayaw ko sa lahat ay 'yung dinidiktahan ako, sinasabihan ako, at 'yung pinapakialaman ako. Even my mom, hindi ako pinapakialaman. Hindi ako sanay na may taong nagmamalasakit sa akin.
I don't need care.
Lumaki akong pinabayaan ng mga magulang ko, kaya malamang, mamatay rin akong pinabayaan. Nagsisimula na nga akong maghulog-hulugan sa St. Peter Life Plan dahil baka pati libing ko, walang magmamalasakit sa akin.
I lived by myself at sanay na ako doon.
Sabi nga nila, live life to the fullest, kaya lahat ng gusto kong gawin ay ginagawa ko. I'm enjoying my life, and I love it.

BINABASA MO ANG
The Enigmatic Mafia Prince [Completed]
ActionThe less you reveal the more people can wander. Raziel Dwight Salvador story. 2014