~~~~~
"Ate nors pwedeng pasuyo pwede bang pakilagay to doon sa sasakyan ni Kiefer. Mga baon nila yan para hindi na sila magutom sa byahe papunta doon." Sabi ni Tita Mozzy. Halatang natataranta na siya. Nilapg konmuna ang bag na dala ko sa upuan at lumapit ako sa kanya at nakita naman ako ni Tita.
"Hello tita! Thank you po ha."
"Bakit?" Tanong ni tita sa akin at hinawakan ako sa braso.
"Thank you kasi napakasupportive niyo po sa amin ni Kiefer. Thank you po Tita!" Nagulat ako nang yakapin ako ni Tita Mozzy.
"Huwag mong isipin yon. Alam mo naman na parang anak na rin ang turing ko sayo sabi ko sayo kasal na lang ang kulang pero anak ka na rin namin ni Papa niyo." Biglang nagpunas ng luha si Tita. "Ano ba yan, Ly! Bakit mo ako pinapaiyak nakakainis ka." Sabi niya na natatawa pa. Natawa na rin ako at yumakap sa kanya.
"Si Tita talaga."
"Basta ha, alam mo na yon alam mo naman na botong boto ako sayo eh. Salamat Alyssa. Salamat sa lahat lahat, salamat sa pagmamahal sa buong pamilya kay Dani kapag may mga kailangan siya nandyan ka, kapag may mga secrets siya may napagsasabihan na siya. She's been longing for a sister and you came at the right time. Kay Thirdy kahit na makulit yon mabuti natitiis mo siya. Sa amin ng Tito mo." Kung hindi pa pinunasan ni Tita ang pisngi ko hindi ko pa malalaman na umiiyak na pala ako. "We prayed for someone like you, I told you Ly you came at the right time. Tama si Manong it's all about timing."
"Thank you Tita. Thank you for welcoming me to your family, to your home. Salamat po kasi kahit na malayo ako sa pamilya ko kayo ang naging pamilya ko dito. Thank you for treating me as a family. It means a lot to me Tita." Niyakap niya ako at sabay kaming nagiyakan.
"Bakit umiiyak ang mga mahal kong babae?" Si kiefer na niyakap kaming dalawa. "Anong problema?"
"Yung sibuyas kasi nakakaiyak eh." Sabi ko at tumawa kami ni Tita.
"Ito kasing girlfriend mo nagpapaiyak masyado."
"Kayo talagang dalawa!! Mabuti wala pa dito si Dani malamang isa pa yun na kasama niyong umiiyak ngayon." Sabi niya at pinunasan ang luha ko. Bumitaw ako sa yakap at ngumiti sa akin si Tita Mozzy.
"Mama...." si Kiefer kaya napatingin kami sa kanya.
"Oo na. Sorry sorry at kulang lang siguro talaga ako sa tulog kaya ganito ako ngayon. May naiwan pa ba kayo?
"Mama kumalma ka muna. Okay na okay na kami nagulat nga ako na ang dami naman nung pabaon mo. Ayaw na ayaw mo talagang nagugutom yang anak mo." Sabi niya at tinuro pa ako. Kinurot ko si Kiefer at umaray siya kaagad. "Totoo naman kasi mas anak ka na talaga ni Mama kaysa sa akin."
"Kayo talagang dalawa. Sige na at baka anong oras na kayo makarating niyan." Humalik ako kay Tita at ganon din si Kiefer.
"Aba ang aga niyo nagising ah. Oo na bibili akong pasalubong." Asar niya kay Dani at Thirdy. Yumakap sa akin si Dani at sinandal pa ang ulo sa dibdib ko. Halatang inaantok pa siya.
"Ang aga naman ng gising mo Dans. Bakit?" Umiling siya at mas humigpit ng yakap sa akin.
"I love you ate." Bulong niya sa akin.
"I love you Dans. Proud na proud ang ate sayo."
Kumaway ako sa kanila at paglabas namin ng village automatic na hinatak ako ni Kiefer palapit sa kanya.
"Long drive babe pero ito ang mga gustong gusto ko." Niyakap ko ang braso ko sa waist niya.
"I love you sunget!"
