抖阴社区

Chapter 18

391 7 3
                                    

Tulala lang ako ngayon dito sa kwarto ko at hindi magawang kumilos. Pakiramdam ko ay napakadami kong ginawa at pagod na pagod ako. Pakiramdam ko ay wala akong tulog kaya heto ako ngayon at inaantok

Masakit ang anit ko dahil sa letseng mga bruha. Matindi kung manabunot. Akala mo nag aararo lang ng palay dahil sa lakas ng pagkakahigit. Feeling naman nila ay maganit ang buhok ko at puno ng lisa kaya todo higit sila kahapon. Mga letse talaga sila. Sila ang malas na nagkatawang tao sa buhay ko

"Iha gising ka na ba?" Rinig kong tanong ni Manang

Hindi ko maiwasang hindi mapabuntong hininga sa tanong ni manang. Umiiral ang pagiging siraulo ko dahil sa bawat gulong napapasok ko

"Tulog pa po" walang ganang sigaw ko

"Nako ay bumangon ka na diyan dahil tanghali na. Mahuhuli ka na sa klase mo" narinig ko na naglakad na siya paalis kaya naman tamad na tamad kong kinuha ang phone ko

Medyo maaga pa naman. OA lang talaga si Manang kaya naman sa paningin niya ay tanghali na. Nanatili akong nakahiga at nakatitig sa kawalan

Hindi ko maiwasang hindi isipin ang eksena kahapon. Laban kung laban. Walang gustong magpatalo. Kung hindi lang umeksena yung tatay ni Vaness ay baka mas malala pa don ang inabot nung dalawa. Sayang talaga

Ang tatay niyang willing na humingi ng tawad sa kasalanan ng anak niya. Ugali ng isang amang talagang kahanga hanga pero para sa akin ay hindi. Mas lalo lang niyang kinukunsinti ang anak niya sa ganoong klase ng pag uugali. Hindi tama ang pag ako ng kasalanan ng anak. Importante ang disiplina at yun ang hindi niya naipakita sa mga oras na yon.

Inis na lang akong napakamot sa ulo ko. Pakiramdam ko ay kinukuto ako dahil sa kanilang lahat. Simula ng madikit ako sa kanila ay nagkagulo na talaga ang lahat. Gusto ko tuloy sipain si James sa parteng pinagtataguan ng sawa niya para madama niya ang inis ko pero natatakot akong baka hindi na dumami ang lahi niya. Baka hindi kami magkaanak in the future kaya naman sa paa na lang muna hehez

Hindi ko din naman maiwasang hindi maisip ang kashungahan niya. Typical rich kid. Ang fishball ay sinawsaw sa babaran ng sandok. Napakatalino ngang talaga. Abno amp!

Kahit anong inis ko ay nagagawang maalis yon tuwing si James ang maaalala ko. May kaunting inis pa din pero mas lamang yung saya. Iba talaga ang epekto niya sa sistema ko. Parang droga na kahit anong gawin ko ay hindi ko na matitigilan pa. Kapag pinigilan ko ay mas lalo kong hinahanap hanap. Yun ang epekto niya kaso ang lintek na kupido, gagawin na nga lang adik yung isa, dun pa naadik sa matagal ng nalulong sa droga

Nagulat ako ng biglang mag ring ang phone ko. Inis ko namang inabot yon dahil nananaginip pa ako ng gising. Epal ang letse. Hindi marunong humanap ng magandang timing at ngayon pa nakuhang mambwiset

"What?!" Inis na sagot ko

"Tsk" agad na nanlaki ang mata ko sa signature reaction niya

Speaking of the devil! Iba talaga ang instict ng isang to! Kung kailan ko siya naiisip ay saka tatawag. Nabuhay tuloy ang malalantod na organs ko. Dumami ang flirty cells ko at kinikilig ang bones ko. Isama mo na ang atay at balunbalunan ko.

"Oh bat napatawag ka?" Kahit na kinikilig ako ay hindi dapat pahalata. Hindi ko ugali ang pagiging kerengkeng kaya naman pasimpleng landi muna lalo na at hindi pa to nakakamove on. Mahirap maki eksena dahil baka sa huli ay sakit lang ang makuha ng bakla

"Hindi kita mahahatid" malamig na sabi niya kaya naman napairap ako

"Oh tapos?" Walang ganang tanong ko

"..." hindi siya sumagot at binabaan na lang ako ng linya. Inis ko namang tinignan ang phone ko. Jiba talaga ang topak ng isang yon. Lakas makapag sungit sa umaga akala mo meno pause na!

My Contract Boyfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon