抖阴社区

CHAPTER ONE: PUNISHMENTS

Start from the beginning
                                    

Biglang tumahimik ang D.O. sa sinabi ng dean.

Shan, my picture perfect best friend, replied, "Tatanggapin po namin ang kahit anong parusa ang ibigay niyo, ma'am." She glanced at Ja and Che. "Responsibly." she emphasized the last word.

The two rolled their eyes.

"I expect you to." The dean said. "I know you know that there's a written rule for this kind of situation. A proper punishment for a certain rule breaking and how long it will be active." pinagdikit niya ang mga kamay niya at ipinatong sa desk niya. "But you four are well known in high school department, and should serve as an example for your juniors, therefore I'm going to give you punishments myself." She smiled. "A punishment that both will make you feel punished, which is the point, and something productive. Something that will set a good impression on other students like you, and help the school as well."

Isa-isa niya kaming tiningnan, making me blink in nervousness and anticipation.

"Janine and Cherry, from now on, you two will be assistant librarians, and would be a part of the club who teaches and helps the elementary kids to read and write every free time you have." she declared. I saw Ja and Che exchanged horrified looks, and I feel guilty for thinking that it's good for them.

That was until dean spoke up.

"Laine and Shanon, you two will be one of the students who greets and assists the school guests, visiting students, and transferees from now on."

Oh. My mind blanked out. Shan nodded, though I noticed her left eyebrow twitched ever so slightly.

"Iyon lang po ba, ma'am?" Shan glanced down at her elegant silver-white wristwatch. "Papatapos na po kasi ang morning ceremony."

The dean nodded. "That is all. You may leave."

A chorus of 'bye dean' echoed. Papalabas na kami ng office ng magsalita ang dean, and my good mood for the whole vanished.

"Just wanted to inform you, your punishments lasts this whole semester."

"Ahhh," Che groaned, na para bang napakaseryoso ng problema niya.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa room namin. Mula pa nang makalabas kami sa office ng dean hanggang dito sa third floor kung saan naka-room ang four section ng grade nine.

"Ayaw mo ba no'n, hindi mo man gusto ang gagawin mo, makakatulong ka naman sa iba at mag-i-improve ka rin. Just think about it that way." payo ko sa kaniya, na siyang pinapaintindi ko rin sa sarili ko.

Si Ja ay nakumbinsi ko na kanina, pero itong si Che ay ayaw talagang tumahimik. Pati tuloy ang mga kasabay namin maglakad sa hallway ay napapatingin sa amin.

"Tsaka pare-pareho lang naman tayo," Shan reasoned. "Hindi rin namin gusto ang gagawin namin, pero nagrereklamo ba kami? And Laine is right, andito na 'to, kaya gawin nalang natin ang best natin, okay? Matatapos rin 'to."

"Kalahati ng school year nga lang." singit na naman ni Ja.

"Aaaahhh! 'Yon na nga eh! Sobrang tagal. At mag-iingay ako hangga't gusto ko." She stubbornly said.

"You sounded like Eya." I commented.

"Ikaw naman ang may kasalanan, eh." pang-aasar ni Ja. "Kung hindi ka sumigaw, hindi tayo mapapansin ng mga guard."

"Oy boy! Sinong hindi sisigaw kapag  nakakita ng multo?"

"Tumahik na nga kayo." utos ni Shan at naunang pumasok sa room namin.

We all entered the chaotic room. Papers flying everywhere. Girls taking photos of themselves while posing silly poses. Boys still boasting about their vacations, even though two weeks na silang magkakasama. Ang iba ay may sariling mundo. Mga nagbabasa, nag-se-cellphone, at nagpapatugtog.

At ang ginagawa ng ever-so-responsible naming president, na siyang class president pa namin last year, at ang taon pa bago 'yon, ay nakikipag duruan sa pabibo kong kaklase. Wala man lang silang pakialam nang pumasok kami, except sa isang babaeng student na kinulang sa height. Puno ng makukulay na pamone ang pigtails niya, magka-partner na makukulay na pearls ang nakalagay sa neck, ear at wrists niya. She's holding a science book, pero ang nakaagaw sa pansin ko ay ang 'I told you so' na expression niya.

"Ayan..." she started in her chiding tone kahit hindi pa kami nakakaupo. "Sinabi na kasing 'wag niyong ituloy, eh. Nagka-record tuloy kayong apat."

"So?" sarkastikong sagot ni Che at umupo sa pwesto niya.

Umupo na rin ako sa tabi ni Che, si Ja naman ay ilang upuan sa unahan namin, si Shan sa pinakadulo, at ang pinakabata naming best friend na feeling matanda kung pagalitan kami ay nasa pinaka-unahan.

Kahit dito sa pwesto namin ni Che ay dinig pa rin ang boses ni Eya. At hindi pa siya humihiyaw niyan, ah.

"So ka diyan! Hinahanap kaya kayo ni ma'am kanina sa pila. Pati si Shan dinadamay niyo sa mga kalokohan niyo."

"Inggit ka lang, eh. 'Di ka kasi pinapayagan ng parents mo na dito mag-stay sa dorm kaya ang kill joy mo." bulong ni Che, kaya kahit hindi siya narinig ni Eya, siniko ko pa rin siya.

This is one of our problems. Napaka childish nila.

Napabuntong hininga nalang ako at nangalumbaba, my eyes gazing lazily outside the window.

***

UNIVERSITY OF PAN: Triple TwoWhere stories live. Discover now