LAINE
Second day of the week. Second day of the week palang, and I'm already hating being the 'tour guide' of the transferees. Lalo na ng mga grade seven.
Okay lang sana kung hindi maliit itong school namin, pero hindi, sa sobrang lawak nito, plus ang mainit na sinag ng araw, kaya kanina pa ako pawis na pawis at medyo napapagod na. Now I'm seriously wondering why there are so many volunteers. At bakit ba kasi second week na ng school year, ang dami pang nag-e-enroll? Hindi man lang ba sila nag-tour sa school bago mag-enroll?
I sighed. Nagpunas ako ng pawis at tumingin sa relo ko. Eight twenty-three a.m. palang. Nine a.m. pa ang first class namin. Porket kasi second week palang naman daw, at dahil hindi inaasahan na sobrang dami ang mag-e-enroll at mag-ta-transfer ngayong taon, napag meeting-an ng school faculty at student council na bigyan ng time ang iba para daw 'ma-feel at home' muna bago umpisahan ang mga klase. Kaya ito, wala pa kaming seryosong pinag-aaralan.
Mabilis ring kumalat ang news na nag-break kami ng school rule, at marami ang nagtanong ng parusa namin. My ever so lovely floor mates, of course, suggested us to everyone that needs help. But I admit, kahit medyo nainis ako sa pinaggagawa nila, thankful pa rin ako na hindi nila kami nila hinusgahan. Marami pa nga ang hindi makapaniwala na na-office kami, lalo na daw si miss picture perfect, si Shan. Ang iba ay nagbiro na may rebellious side din daw pala kami at hindi ganon ka-straight as they first thought.
Napailing nalang ako. Nakakahilo pala ang magpalakad-lakad. Para sa isang bookworm na katulad ko na laging nakakulong sa dorm tuwing walang pasok, at kung meron, laging nasa library, napaka... uh, uncomfortable nitong ginagawa ko. Bukod kasi sa nasa labas ako, napapalibutan pa ako ng maraming tao. Hindi ako palasalita, kaya medyo nahihiya ang mga ti-no-tour ko.
Well, at least hindi lang ako ang nahihirapan. Napangiti ako ng maisip ang ginagawa ngayon ng dalawa kong best friend, siguradong reklamo na ng reklamo iyon habang nag-aayos ng mga libro. Muntik pa akong mapatawa nang ma-imagine ko na lagi silang sine-sermonan ni Eya na ayusin ang ginagawa. Kung si Shan kasi ang miss picture perfect ng grupo namin, si Eya naman ang perfectionist.
And speaking of Shan, being the born to be a leader that she is, nakita ko siya kanina, serious and polite looking as ever, na may kasamang tatlong mga grade ten transferee siguro. Mula no'n ay hindi ko na siya nakita. Puro mga grade seven kasi ang pinipili kong i-tour. I know it's unfair, dahil kadalasan nasa first floor lang ang mga room nila, pero mas marami naman sila kaysa sa mga transferee sa grade eight to ten.
Naglalakad-lakad lang ako nang matanaw ko ang itsura ko sa isang glass surface. I looked like a zombie. Gulo-gulo ang itim na itim at makapal kong buhok, na mas lalo pang gumulo dahil natural na wavy ito. My pale skin is glistening with sweat, at imbis na mamula sa init ng araw, mas lalo pa itong nagmukhang maputla. And my eyes. Maaga naman akong natulog kagabi, pero parang may eye-bags ako, all thanks to my thick and long lashes' shadow. My lips looks dry and pale.
Perfect. I let out another sigh. Ang dami-daming tao dito, hindi ko napansin na nakakahiya na pala ang itsura ko. Pero okay lang, wala naman sila Eya at Che dito para pagalitan ako, and I don't care what strangers think about how I look.
So pinunasan ko nalang ng panyo ang mukha ko at nagpatuloy maglakad papunta sa cafeteria para bumili ng inumin. Papapasok na sana ako nang may biglang lumabas ng pinto. Muntikan pa akong matalisod sa biglaang pag-atras. My cheeks reddened when I saw two guys staring at me. One was with apologizing gaze while the other one was raising his left brow. Without making eye contact, iniwasan ko sila at pumasok na sa cafeteria.
Cold immediately enveloped me, and I sighed with relief.
Bumili lang ako ng tubig at naupo.
"Ang init, 'no?" a voice behind me said.

YOU ARE READING
UNIVERSITY OF PAN: Triple Two
Mystery / ThrillerBOOK ONE. University Of Pan. The place where everything started.