Napalingon ako at nakita si Lea, ka-floor mate ko. Right, volunteer nga rin pala siya. I watched as she pulled a chair beside me at naupo. Binuksan niya ang hawak na energy drink at uminom. Nangalahati ito bago niya ipinatong sa mesa.
"Mainit nga," I smiled at her. "Pero bakit nag-volunteer ka? Sa pagkaka-alam ko wala naman 'tong dagdag sa grades natin, di ba?"
"Wala nga," tumawa siya. "pero gusto ko lang kasi na makakilala ng maraming estudyante," she nudged my side, smiling playfully. "Tsaka maraming mga good looking guys ang nakaka-usap ko, o di ba, alis rin ang pagod. Baka nga mahanap ko na ang forever ko, eh."
Napataas nalang ako ng kilay. Mukhang kinikilig pa siya, ano naman ang nakakakilig do'n? Oh! Oo nga pala, may gusto akong itanong sa kaniya.
"Lea, can I ask you something?"
Her lips pursed. "Sure. Basta ikaw."
"Anong nangyari kay Abby, 'yong president ng sports club? Di ba kasali ka do'n at close kayo?"
Bigla nalang siyang naging seryoso. "Hindi pa siya makakapasok. Ang balita namin, comatose pa rin siya." she gripped the bottle. "Nawalan kasi ng break ang kotse niya, sabi ng mga police may nag-cut daw ng wire na connected sa break, and you can guess what happened next. Sana lang mahuli nila ang gumawa no'n." napabuntong hininga siya at niluwagan ang hawak sa bottle. "Kaso lang mag kakalahating buwan na, wala pa ring nangyayari."
Napakunot ang noo ko sa narinig. Medyo nagulat rin ako sa sinabi niya. Abby may not be in my 'persons I like' list, pero sino naman ang gagawa ng ganon sa kaniya? Akala ko sa libro at movie lang may nangyayaring ganito. And what? Wala pa ring nangyayari sa investigation?
"Wala man lang ba silang lead?"
Napakamot siya. "Hindi ko alam, eh. Hindi daw kasi pwedeng sabihin."
Napatango ako. "That's fine."
"Anyways, change topic tayo," inayos niya ang ponytail niya. "Sa inyo ba, papalitan niyo pa ba ang mga assigned officer niyo last year?"
Oh, right. Siya nga pala ang president ng section B last year.
"Siguro hindi na. Mula pa kasi grade seven sila na ang mga officer na naka-assigned sa amin." Kahit napaka-useful and responsible ng president namin, at ng iba pang officers, hindi na namin sila papalitan dahil sa kanila na kami nasanay.
"Kami kaya, do you think dapat pa kaming magpalit?" problemadong bulong niya at mas dumikit pa sa akin. Her eyes roamed the room warily.
Inubos ko muna ang tubig ko bago siya sinagot, enjoying the coldness that flowed down my throat.
"I don't know." I answered honestly. "You're a good president, but I don't know about you're other officers. Ikaw, sa tingin mo ba okay sila?" I shifted on my seat. "Mas mabuti siguro kong kunin mo ang opinyon ng mga classmate mo, bago ka gumawa ng desisyon. 'Wag mo kaming gayahin, hindi seryoso ang mga officer sa amin." I finished. Kaya ayon, mga walang magawa.
Sandali siyang natahimik bago nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Thanks." Tumayo na siya. "Ang simple ng sinabi mo, ah." She giggled. "Pero parang ang seryoso at lalim ng meaning kung iisipin."
I raised a brow. "Really?"
"Really. Hindi ka pa ba sasabay sa akin, babalik na ako sa room." she said.
I glanced down on my wristwatch. Eight fourty-six a.m..
"Sige. Sasabay na rin ako." Ilang minutong lakadan din naman bago namin marating ang building namin.
On the way, tahimik lang kaming naglakad. Pagka-akyat sa third floor ay nagpaalam na siya sa akin. Ako naman ay tumuloy muna sa c.r. at naghilamos. Papalabas na sana ako ng pinto ng may marinig akong parang pigil na iyak. I stopped to listen pero wala nang sumunod. I shrugged and walked out the door.
Magdidire-diretso na sana ako papasok sa room nang mapansin ko na nasa loob na sila Ja, Eya, Shan, and Che. Kaya mabilis kong sinuklay ang buhok ko using my fingers bago pumasok.
Pagpasok ko palang, napansin ko na na may weird. Nagbubulungan kasi ang mga babae, at ang ilan sa mga lalaki naman ay biglang nagmukhang maangas. Ano na naman ba ang trip nila?
Napailing nalang ako at umupo sa tabi ni Che. "Nakainom ka ba ng gamot mo?" I asked flatly. Paano ba naman, pagka-upong pagka-upo ko, pinagpapalo na ang braso ko.
"Boy!" she squeaked. "Tingin ka sa likudan natin!"
Furrowing my brows, I looked behind us, only to see JL, whose leaning back on his chair, arms crossed over his chest, and raising a brow at me. Chester, who was one of JL's seatmate, winked at me. I pretended not to see him.
"Oh. Ano na?" Nagtatakang baling ko kay Che.
Napa "Ouch!" nalang ako nang paluin na naman niya ako. Mas malakas this time.
"Hindi kasi sa mismong likudan natin, boy! Sa pinakalikod!"
Rolling my eyes this time, tumingin ako sa pinakalikudan ng room. At first hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong tingan, but my eyes widen for a second before becoming blank when I saw the two guys I saw at the cafeteria. They were talking silently to each other.
"'Yon na 'yon?"
"Anong 'yon na 'yon?" hindi makapaniwalang bulong niya bago ako muling hampasin.
"OUCH!" she exclaimed loudly nang paluin ko siya pabalik. Lahat tuloy ng mga classmate namin ay napatingin. She rubbed her arm, glaring at me. "Ang sakit kaya boy!"
"Ang hina lang kaya." bulong ko.
Hindi na siya nakasagot pa nang dumating si miss Ayi, ang adviser namin this year.
"Good morning class." masiglang bati ng kaka-graduate palang naming teacher.
"Good morning miss Ayi."
Tumayo siya sa gitna ng room at may tiningnan sa hawak niyang papel.
"Okay, guys. Base dito sa list ng section niyo last year, thirty-eight kayong lahat. Twenty girls and eighteen boys. May nawala lang na isang babae sa inyo. So thirty-seven nalang." She looked up and roamed her eyes around the room bago tumingin ulit sa hawak niya. "May tatlo kayong transferees this year. So, forty in all." she smiled suddenly, na para bang may nagbigay sa kaniya ng regalo. "Wow, sakto kayo. Twenty girls and twenty boys."
I did the math in my head. So dalawang boys at isang girl ang transferee.
"Okay... so, andito na ba sila Gabriel Alisterr, Santan Cruz, and Nathaniel Decker?"
"We're here, ma'am." a gentle and polite voice said from the back.
"Ah, the two guys." She nodded. "So si Santan nalang ang kulang niyo."
As soon as she said the word, a frantic looking male student barged into the room and yelled as if we can't hear him if he speak normally.
"Miss Ayi! One of your student w-was... w-was found dead!"
The whispers in the room stopped immediately.
**

YOU ARE READING
UNIVERSITY OF PAN: Triple Two
Mystery / ThrillerBOOK ONE. University Of Pan. The place where everything started.
CHAPTER TWO: TRANSFEREES
Start from the beginning