抖阴社区

37

143 16 7
                                        

Yves' PoV

Nagising ako sa liwanag. Nasa langit na na ba ako?

Napatingin ako sa katabi ko, si Rianne na tulog at nakayakap sa akin.

Nagising na din sya at nagayos ng pwesto.

"Hala ang aga na," sabi nya at chineck yung phone nya.

"Pakshet andami ng tawag ni tita. Tara na," sabi nya. Kaya umalis na kami.

Habang nagdadrive sya... tinatawanan ko lang. Nilabas ko yung cellphone ko at pinigturan sya.

"Bat mo ako pinicturan?," tanong nya

"Puno ka ng damo sa ulo.. halatang nakatulog ka sa damuhan," sabi ko.

"Hoy delete mo yan," sabi nya.

"Magdrive ka muna," sabi ko at tinago ko na ang phone ko.

Sumatin na kami sa kanila. Nagayos muna sya ng buhok.

"Wala na ba?," tanong nya.

"Wala na," sabi ko at tumawa.

Sinalubong naman kami ni manang na masama ang tingin samin. Natawa lang ako. Bigla naman kaming hinampas ni manang.

"Kayong mga bata kayo pinagaalala nyo ako, saan ba kayo nanggaling?," tanong ni Manang.

"Nag road trip lang kami manang. Wag kayong magaalala wala po akong binalak na masama sa pamangkin nyo," sabi ko.

"Sige na pumasok na kayo at magagahan," sabi ni Manang.

Pagkatapos naming kumain.. nagyaya yung mga pinsan ni Rianne pumunta sa resort na pagmamay ari ng pamilya nila. Kasama naman yung mga girlfriend at kaibigan nung mga pinsan nya kaya may makakasama ding babae si Rianne.

"Hi," bati sakin nung babae.

"Uhm hello," sabi ko.

"Ngayon lang kita nakita," sabi niya.

"Oo nga eh. First time ko dito," sabi ko.

"Anong grade mo na?,"tanong niya.

"Grade 12 sa pasukan," sabi ko.

"Uy same. So kasing edad mo lang pala si Rianne," sabi nya.

"Nope. Im older than her. 19 na ako. 18 sya," sabi ko.

"Kaibigan mo ba si Rianne?," tanong niya.

"Nope," sabi ko at nagtaka naman sya.

"More than that," sabi ko pa.

"So girlfriend mo?," tanong nya. Ngumiti lang ako.

"Omg I'm happy sa inyo. Sige pupuntahan ko na lang sina Jeric," sabi nya at umalis.

"Oh iniwan ka ni Shiela?," tanong ni Rianne.

"Oo," sabi ko.

"Sayang bagay pa naman sana kayo," sabi nya.

"Mukha ngang type nya ako eh," sabi ko.

"Wow kapal," sabi nya.

"Pero kung ganon bakit umalis?," tanong nya.

"Ewan ko din," sabi ko.

"Tara na sunod na tayo kayna Jeric," sabi ko at inakbayan sya.

Pag pasok namin sa may kitchen nakatingin samin yung mga babae.

"Bat iba kasama mo Rianne? Nasan na si Henry?," tanong nung isang babae.

"Matagal na kaming break ni Henry," sabi ni Rianne.

"Eh si Justin nasan? Namimiss na kamo  namin sya," sabi nung Shiela (?)

"Nandito na sa Pilipinas si Pangs. Di ko lang nayaya bumalik dito," sabi ni Rianne.

"Sino si Pangs?," tanong ko.

"Si Justin nga. Ang kulit naman neto," sabi nya.

"Uy may nagseselos," sabi ni Shiela. Napakunot naman ng noo si Rianne.

"Diba may something kayo?," anong ni Shiela. Napatingin naman si Rianne sakin.

"Sinabi ni Yves kanina sakin," sabi nya.

"Ayy oo. HAHAHAHAHA. Sorry tinago ko," sabi ni Rianne at tumingin sakin. Nako mukhang maguusap kami mamaya.

Our Summer | c.yj & s.rjTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon