抖阴社区

Are plots necessary?

8.9K 337 8
                                    

Are plots necessary?


The answer is NO. Hindi lahat ng story ay may plot. Lalo na sa slice of life na nagpapakita lang ng everyday life ng isang tao.

Sa plots kailangan mo ng goals or reason kung bakit ba siya nangyayari. May mga pasgsubok na kailangan mong lagpasan etc.

For example, gusto ng main character mo na maging best actress. So doon iikot ang story mo. Yung paano siya nag-umpisa sa mga auditions niya, sa pag-aaral ng mga roles niya, yung mga struggles sa set. Then biglang pasok si Guy, nagkarelasyon, nabuntis, nalaman ng public, scandal, paano niya malalagpasan lahat nang ito ng hindi nawawala ang career, baby pati si guy.

Mayroon kang pupuntahan at maraming elements na involved. Medyo dramatic siya kung titignan.


Sa Slice of Life naman, actress siya at ipinapakita lang niya yung mga ginagawa niya everyday. More realistic ang topic rito with not much drama needed. Pang everyday life lang talaga. Mas relaxing ang atmosphere. May mga struggles din pero hindi kasing dramatic ng sa mga may plot at kadalasan ay nasosolusyunan sa one-two episodes.

Yung mga kinukwento sa'yo ng kaklase or kaibigan mo na nakita nilang nangyari, story na 'yon.

Don't be intimidated kung tingin mo ay walang pinupuntahan ang story mo. Pwede ka paring magsulat ng kwento na nagsasabi lang kung ano ang nangyayari sa paligid ng character mo o sa buhay niya. But make it relatable and interesting parin. It's up to you kung paano mo gagawin.

 It's up to you kung paano mo gagawin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Elements of WritingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon