KABANATA 2
WATCHINGGABRIELLA'S P.O.V.
MASAYA AKONG NAGLALAKAD pauwi galing sa eskwelahan, may maganda kasi akong ibabalita kay Nanay at Tatay na tiyak na ikakatuwa nila. Pero napahinto ako sa aking paglalakad dahil pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin mula pa kanina.Nilibot ko ang tingin sa buong paligid pero wala naman akong nakita. . . . maliban lang doon sa isang mamahaling kotse na nasa gilid ng kalsada. Tinitigan ko iyon hanggang sa magulat ako nang bumaba ang isang lalaki.
Mula sa loob ng kotse, kahit na medyo madilim ay nakita ko ang mukha ng isa pang lalaking maamo ang mukha. Kulay itim na itim din ang mga mata nito at kumikibot-kibot ang labi sa pormang nakakakilabot na ngisi, pero hindi ko na lang ito pinansin pa at lumakad na ako papasok sa bahay namin.
'Baka may dinalaw lang sa kabilang bahay,' ani ng isip ko.
Pero hindi ko rin naman napigilan na lumingon muli ngunit wala na ang kotse doon. Nagkibit-balikat na lang ako at pumasok na.
NARRATOR'S P.O.V.
MAY ISANG LALAKI na hindi mapigilang mapangiti dahil malapit na ang itinakdang panahon at malapit na niyang makasama ang kanyang Gabriella.Dalagang-dalaga na ito at tila lalo siyang nanabik na makuha ito para mahawakan at higit pa sa nais niya.
"Sweetheart, malapit na kitang makuha. Malapit na malapit na . . ." ani niya sa isip na may ngiting tila baliw na baliw habang nakatanaw sa papasok na dalagang si Gabriella.
Sinenyasan niya ang driver niya na umalis na sa lugar na 'yon.
GABRIELLA'S P.O.V.
"'NAY! 'TAY! " TAWAG ko habang papasok sa aming bahay."Oh anak, napano ka?" nagtatakang tanong ni Tatay.
"Tatay, tingnan n'yo po. Ang taas ng nakuha ko sa exam namin kanina," masayang-masayang sabi ko. Hindi ito 'yong unang beses na magpakita ako ng ganito kina Tatay, gustong-gusto ko kasi na nakikita nila 'yong pinaghirapan ko.
Hindi ko nga alam, pero pakiramdam ko ay parang mawawala ako sa kanila. Pero syempre hindi mangyayari 'yon, dahil hindi ko hahayaang mawalay sa piling ng pamilya ko.
"Wow! Ang galing talaga ng anak ko, manang-mana sa akin," natutuwang sabi ni Tatay.
"Hoy, Kanor! Anong pinagsasabi mo, ha? Sa akin nagmana si Gabriella, 'no! Pareho kaming maganda at matalino, 'di ba, anak?" nakangusong sabi ni Nanay. Napahagikhik ako dahil ang cute nilang magtalo.
"Syempre po, pareho po akong nagmana sa in'yo. Maganda at gwapo," nakangiti namang sabi ko.
Masayang-masaya talaga ako at sila ang naging magulang ko. Kahit na kulang sa salapi ay may masaya naman akong pamilya.
"Oo nga po pala!" bigla kong sabi nang may maalala ako. "Nasaan nga po pala si Kuya Calvin?" tanong ko. Wala kasing sumalubong sa akin na makulit.
"Nando'n sa basket ball court at kalaro 'yong si Carl," sagot ni Nanay.
Napatango naman ako at saka nagpaalam na aakyat na."Sige, anak. Baka matuyuan ka pa ng pawis, magpalit ka na agad ng damit, ha," bilin ni Nanay na nginitian at tinanguan ko naman.
Pagkarating sa kwarto ko ay agad akong nahiga sa kama at tumitig sa kisame. Hindi ko kasi mapigilan na isipin muli 'yong lalaki sa kotse kanina. Hindi ko alam pero parang may humahatak sa akin palapit sa kanya. Parang napakalakas niya at kaya niya akong pasunurin.
"Teka nga! Bakit mo ba iniisip pa 'yon, Gabriella? Paranoid ka lang." pagalit na pangaral ko sa sarili.
Napailing na lang ako dahil para akong sira na kinakausap ang sarili. Niyakap ko ang unan ko bago pumikit para magpahinga saglit, at para hindi ko na rin isipin iyong lalaki.
Napahikab ako at umayos ng higa hanggang sa hindi ko na namalayan at nakatulog na pala ako.
"Akin ka lang, sweetheart. Malapit na kitang kuhanin sa kanila. Sa wakas, makakasama na kita habambuhay," sabi ng isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil natatakpan siya ng itim na kapa. Pilit akong lumalayo sa kanya, pero na-corner niya ako sa isang pader.
"Please, maawa po kayo! Ayaw ko rito! Pakawalan n'yo po ako! Hindi n'yo ako pagmamay-ari!" umiiyak na pakiusap ko at pilit na nilalayo ang mukha sa kanya nang tangkain niya akong halikan.
Malakas itong napatawa bago muling magsalita.
"Sweetheart, akin ka lang! Kahit ano pang gawin mo, tumakas ka man, sa akin ka pa rin mapupunta . . ." bulong niya sa tainga ko at kinilabutan ako nang dumampi ang ilong niya sa balat ko. "Hmmm. Napakabango mo . . ." tila baliw na sabi niya habang hinahalikan ako sa aking leeg.
Hindi ko namalayan na nasira na niya ang damit ko at hinahalikan na niya ang dibdib ko kasabay ng paghawak niya rito.
"'Wag! 'Wag! Please, maawa ka!" umiiyak na pakiusap ko.
"Anak! Anak! Gising! Binabangungot ka!" rinig kong sigaw ni Nanay na nagpagising sa akin. Napabalikwas ako ng bangon. Tiningnan ko agad ang sarili ko at tsaka ako napatingin kina Nanay habang yakap-yakap ang sarili.
"Nay . . ." Napahagulhol ako bago yumakap kay Nanay.
"Shhhh . . . shhh . . . panaginip lang 'yan, anak. Tahan na," pag-aalo ni Nanay at yinakap ako nang mahigpit habang hinahaplos ang likod ko.
"'Nay, natatakot po ako. Parang—parang totoo po 'yon," natatakot na sabi ko habang humihikbi.
"Ano ba ang napanaginipan mo, anak?" tanong naman ni Nanay.
"'Nay, may gusto pong kumuha sa akin. Tapos sabi po niya, sa kanya lang daw po ako. Nanay, ayoko po sa kanya," natatakot na sabi ko at yumakap pa nang mahigpit kay Nanay.
NARRATOR'S P.O.V.
NAGKATINGINAN NAMAN SI Martha at si Kanor na noon ay nakatayo sa pinto. Alam nila na magpapakita na ito sa kanilang anak at iyon ang ikinatatakot nila. Malapit nang sumapit ang kaarawan ni Gabriella at pagtungtong nito sa edad na disiotso ay kukunin na sa kanila ang anak nila. Natatakot man, pero kailangan nilang itakas si Gabriella. Ayaw nila itong mawala sa kanila.Copyrights 2015 © MinieMendz

BINABASA MO ANG
The Mafia Lord James Esteban (Self Published)
General FictionThe heartless, handsome, and the most powerful mafia boss-James Esteban. Sa edad na sampung taon ay niluklok na siya bilang pinakabatang mafia ng bansa. Nang dahil sa galing sa pakikipaglaban ay marami na agad ang natatakot na kalabanin siya. Batak...