Section Fire Phoenix
Oceane
Nakanganga kami ng bestfriend ko sa mataas na gate, as in super taas na gate, literal. Kulay dark brown ito at kakaiba ang desenyo nito. Mag ilang minuto na kaming nakatayo ni Jacob sa lugar na iyon, marami na rin estduyante ang naghihintay na magbukas ang tarangkahan. Ilang sandali pa ay dahan dahang bumukas ang mataas na tarangkahan, bumungad sa amin ang napakalawak na hardin, mabangong simoy ng hangin at ang apat na malalaki at matataas na gusali. Sabay sabay na pumasok ang mga estudyante.
Mapapansin ang mga bago at dati ng mga estudyante. Sobrang ganda ng school, masmalawak pa ito sa sikat na university sa mundo namin. Matibay ang pundasyon na ginamit sa mga building, na karaniwang makikita ang mga disenyong ito sa mga lumang gusali na sa pagkakaalam ko ay mga lumang kastilyo na sa mga kwentong pambata ko lang naririnig at nababasa.
"Oceane, grabe ang astig talaga ng school na ito. Kakaiba." sabi ng bestfriend ko
Hindi ako nagsalita, kahit pa narinig ko ang sinabi niya. Hindi ko kasi maalis ang aking paningin sa napakagandang paraiso na nasa harapan ko. Para itong isang panaginip, kaya ayokong kumurap baka mawala bigla.
Sa sobrang lawak ng lugar na iyon, parang maliligaw ako. Tumingin tingin ako sa ibang estudyante na naroon, lahat ay masaya at diretsong naglalakad sa iba't ibang direksyon. Kami ni Jacob ay nakatayo lang isang haligi. Hindi namin alam kung saan pupunta at kung anong gagawin.
Krriiing...
Isang malakas na tunog ng bell ang umalingawngaw sa paligid, sumunod ay ang announcement.Naririnig namin 'yon kahit sobrang lawak ng school. Sinubukan ko hanapin ang mga speakers na nakadikit sa mga pader, ngunit wala akong makita.
"Welcome back students! Welcome new comers! Please went to the grand hall for our welcoming ceremony before the class starts. "
Matapos marinig ang announcement, lahat ay pumunta sa grandhall. Kami naman ni Jacob ay sumunod sa mga estudyante. Habang naglalakad, palingon lingon ako sa magagadang mga larawan na nakadikit sa wall ng hallway. Ilang sandali pa ay nasa harapan na kami ng sinasabing grand hall. Pumasok kami ni Jacob at lahat ng naroon ay nakatayo. Marami pa lang estudyante ang nag aaral dito. Nasa harapan ang mga faculty member yata ng school na ito.
"Good morning everyone! Welcome back students and new comers, welcome to Academy of Witchcraft and Wizardry!"
Isang lalaki ang nakatayo sa harapan. Hindi ko rin ito masyadong makita dahil sa malayo kami ni Jacob, nasa likuran kaming pwesto.
"Bago magsimula ang klase, may mga paalala langmang kaming gustong ipaalam sa inyo, lalo na sa inyo mga new students!"
Boses babae naman ang nagsalita. "Ang paglabas sa Academy ay ipinagbabawal kanino man, sa lahat ng Section at lahat ng level. Kung walang mahalagang gagawin, manatili sa loob ng Academy para s ainyong seguridad. At kung may kinakailangang gawin sa labas ng Academy, maaring ipaalam o humingi ng consent letter mula inyong Headmistress at Headmasters. "
"Ipinagbabawal din ang paggamit ng anumang bagay mula sa kabilang mundo upang maiwasan ang anumang pandaraya o pagkaaksidente ng sinumang witch at wizard. Ipinagbabawal din ang paglabas ng Building Section kung walang mahalagang gagawin o oras ng klase. Panatilihin din malinis ang buong paligid, iwasan ang pag iingay at pagtakbo sa hallway."
"Naririnig mo ba Jacob?" tanong ko
"Oo, bakit hindi mo ba naririnig? Mga do's and don't ng Academy ang sinabi nila." Sabi ni Jacob
Maingay kasi ang katabi kong lalaki, hindi ko maintindihan kung bakit maingay ito, magkaharap lang naman sila ng kanyang kausap.
"Ang lahat ng gamit ninyo ay makikita sa loob ng inyong kuarto sa inyong dorm."

BINABASA MO ANG
Academy of Witchcraft and Wizardry Book One: The Academy (School of Wizardry)
FantasyAvailable On DREAME App Academy of Witchcraft and Wizardry Book One The Academy (School of Wizardry) Naniniwala ka ba na maari kang maging isang natatanging estudyante sa isang natatanging paralan sa isang natatanging mundo at maging isang natatangi...