So dahil hindi nagsasalita ang KAPARTNER ko ay napagdesisyunan kong ako nalang mag adjust.
"Ahhmm Hubert, anong gusto mong topic natin?" nahihiya kong tanong sa kanya, bigla naman syang tumingin sakin at tuluyan nakong nawalan ng malay hihihi choss.
"Kilala moko?" tipid nyang tanong, ngumiti naman ako bago nagsalita.
"Oo naman, schoolmate moko nung high school, hindi mobako naaalala?" nakangiti kong tanong sa kanya.
"No, i can't remember you" sagot nya in serious voice, hanep dinaan pako sa englishan ng lalaking toh, btw napansin kolang hindi na pala uso sa college yung magpapakilala kayo isa isa hahaha skl.
So dahil bumalik na naman ang focus nya sa phone nya ay muli kong kinuha ang atensyon nya.
"Uyy baka makuha ni Maam yung phone mo, first day pa mandin" bungad ko sa kanya, muli syang tumingin sakin pero wala padin emosyon bago sumagot.
"Bakit ba andami mong napapakialaman?" seryoso nyang sagot sakin dahilan para masindak ako
"Hindi naman ako nangingialam concern lang ako sayo tsaka sa research title natin" mahina kong sagot.
"Kung ganon hindi ko kailangan ang concern mo!" sagot nya dahilan para gumuho ang mundo ko. Nanlaki ang mata ko sa inasal at sinabi nya sakin, gustong kumawala ng mga luha sa mata ko pero pilit kotong pinipigil, mas masakit pato sa masakit, grabe...
"At tungkol sa research title nayan, gumawa ka at ayos sakin kahit ano pa yan, hindi naman ako maarte at pilian!" sagot pa nya at muling nagfocus sa phone nya, this time hindi kona talaga kaya, humarap ako sa kabilang side kung saan wala nakong katabi kasi nga ako ang nasa pinakagilid at hinayaang pumatak yung luha sa mata ko dala ng sakit na dinulot sakin ni Hubert, pero agad agad ko itong pinunasan ang pinakalma ang sarili
Ano ba Leigh alam mo dapat limitations mo, wag kang paapekto, ginusto moyan panindigan mo, wag kang iiyak iyak dyan, hindi ka iyakin, gusto mo sya diba tanggapin mo lahat.
Para nakong tangang pinapalakas at kinakausap ang sarili ko sa utak ko.
Ng maramdamang ok nako ay umayos nako ng upo at nag isip ng magandang topic, kailangan makagawa ako, para kahit dito mapansin nyang may ibubuga ako at may alam ako, hindi porke napagsungitan nyako ay titigil nako, alam kong may problema lang sya kaya sya ganyan, kasi kanina pang walang emosyon ang pagmumuka nya, kung bakit ba naman kasi labas pako ng pangungulit eh alam ko na ngang galit. Lagi talaga akong palpak.
Isa patong si Maam ni wala manlang inexplain or what para madali kami makagawa ng title, tamang upo lang sya dun habang ang ngiti abot tenga at titig na titig sa phone nyang binili lang naman sa muslim, ooppss sorry.
After ng ilang minuto yung iba nagpupuntahan na sa unahan para ipacheck kay Maam yung topic nila may mga naapprovan na at may mga nareject na gagawa ng bago, samantalang kami netong kapartner ko wala manlang, ni wala manlang napasok sa isip ko, pano nalang toh, mukang pareho kaming boplaks nitong bebe ko. Kaya dahil labag sa labas at loob na buong pagkatao ko ay humingi nako ng tulong sa kanyang walang pake sa nangyayari sa paligid nya. Kakainis sya ni pagpapakilala ko hindi ko na nagawa.
"Hubert, baka naman matulungan moko, wala talaga akong maisip eh, pasensya na" sagot ko, muli syang lumingon sakin ng mabilis tapos tinago ang phone sa bulsa nya at marahas na hinigit yung papel na hawak ko, at nagsimula na syang magsulat duon. Maya maya pa ay binalik na nya sakin yung papel, agad agad ko namang binasa yung sulat dun.
Effect of lack of attention on responsible students in St.Francis Academy Sy 2019-2020.
Halos malaglag yung panga ko sa nabasa ko. Kung hindi ako nagkakamali ang ginawa nyang title ay epekto ng mga papansing tao sa mga responsableng studyante. Ano ba talaga, ito ba talaga ang gusto nyang maging topic namin or pinapatama nya to sakin?
____
So ayun 1 hr.break na, hinintay ko munang makaalis dito sa room si Hubert para sundan sya kung san ba sya pupunta, kakain, or tatambay. Inayos nyalang yung mga gamit nya tapos ay lumabas na, agaw pansin naman sya sa mata ng karamihan pero hindi konalang sila inintindi at patagong sinundan si Hubert. So after ng mahaba habang paglalakad at pagsunod sa kanya ay bigla namang umepal si Miggy sa harapan ko, mhygoodness bat ngayon pa.
"Uyy Leigh, kamusta first day?" nakangiting bungad nya sa akin.
"Ayunnn ok naman" tipid kong sagot at lumilinga linga sa likod nya kung saan dun ko huling nakita ang sinusundan kong si Hubert, tumingin din naman sya sa likod nya bago nagtanong.
"Anong tinitignan modyan?" nagtatakang tanong nya.
"Hindi ano, sino!" sagot ko naman habang naglilinga linga padin, myghad nawala na sya kainis naman oh.
"Ha? anong sino?" sunod nyapang tanong.
"Ahh wala wala, sorry medyo kakastress lang talaga agad tong first day" pagpapalusot konalang at umiling iling pa para ayusin ang sarili.
"Ganon ba? ikaw kasi eh nag business ad kapa" natatawa nyang sagot.
"Wag ka nga mas mahirap yung architecture" sagot ko naman.
Tumawa nalang sya bago sumagot.
"Tara kain tayo" sabi nya.
"Ahh ano kasi, may aayusin pako eh, sige ha, maiwan na kita dyan, byeeee ingattt" sagot ko at nagtatakbo na kung saan.
Kasalukuyan nakong naglilinga linga dito habang nakanguso at napapakamot sa ulo. Asan na yung Hubert nayun, naglakad lakad pako ng mapunta ako sa locker area, at boomm andito sya owmyghad thanks god, may inaayos sya dun sa locker nya, agad agad naman akong pumunta sa locker ko na binigay sakin at binuksan ito para hindi obvious na sinusundan ko sya or tinitignan ko sya. Habang nag kukulinting sa walang laman ko namang locker ay may nalaglag na papel mula sa locker nya kasabay nun ang pagsasara nya rito, tapos ay mabilis na umalis, sasabihin ko pa sanang may nahulog na papel sa kanya kaso baka isipin na naman nun papansin ako. So ayun ng tuluyan na syang makaalis ay dinampot ko ang nakatuping papel na nahulog at binuksan ito.
O_O
_______
Itutuloyyyyy
VOTTEEE PLSSS THNKS

BINABASA MO ANG
Oppa! Notice Me! Oppa (COMPLETED)
Teen FictionNagka crush kanaba? Nagkagusto? Humanga? Nainlove? Nafall? Na Love at first sight? O di kaya naman ay Nagmahal? kung isa ka sa mga nabanggit, ang storyang ito ay nararapat mong basahin, Naging OA kanadin ba? nabaliw dahil sa kanya? yung tipong gagaw...