⚫Zaira's⚫
PoVNung pinagsabihan ako ni Kuya Zaker agad akong nahiga at pinag-isipan iyong mabuti, pero sa kaka-isip ko nakatulog na pala ako. Di ko din namalayang nasa tabi ko na si Kuya at naghihilik. Napagod, hindi ko alam kung san to galing.
Syempre may pasok ako, ginawa ko na lahat ng morning routine ko. Hindi ako pwedeng lumiban dahil nagtatrabaho ako para dito tapos di lang ako papasok? Edi sayang lang.
Di ko nalang pinansin si Kuya Zero, bahala siya mamaya nalang ako magtatanong kung san siya galing. Lumabas ako at nakita ko si Mama kasama na niya si papa.
Iba'ng iba na si papa. Pumayat ito, nagmano muna ako kay mama at kahit ayaw ko ay kay papa. "Morning po."
"Magandang umaga 'nak." Ani ni Mama. May hawak si mama na bimpo at pinunasan si papa, mukhang dito naka-higa si papa dahil may unan at kumot sa mahabang upuan. "Umuwi ka ng maaga ha! Wag ng lumandi."
"Lalandi 'yan Ma" may nagsalita-
"Zaker!" Si mama.
Jusme san naman kaya galing tong si Kuya Zaker, laging gala. Ano pa ba aasahan namin? Leader siya ng Gang, ganiyan ang naging buhay niya.
Natahimik ako nang dumating si Kuya Zaker, napag-isip isip ko na tama talaga siya. Pero wala eh, i like Yant.
Sad but true, nahulog ako sa bobong inutil na halang ang bitukang mayaman.
"Sino 'yan?" Ani ni papa kahit hirap ng magsalita. Pinahiga na ni mama si papa. Tanong ko, ano nangyari kay papa?
"Ma, is he my dad?" Kuya Null asked.
Tumango si mama. "Oo 'nak"
"What's happen?" Medyo alinlangang tanong ni Kuya Null. Nasa pintuan pa din ito at nakatingin lang kay papa.
"May sakit siya mga anak. May sakit ang papa nyo dahil sa p-paginom niya ng alak"
Sinasabi ko na nga ba! Walang mabuting maidudulot sa kaniya yung alak pero ano? Pinagpatuloy niya pa din. Kasalan niya yan..
Pero naaawa ako... kahit ano man yung sabihin ko tatay ko pa din siya, galing ako sa sperm cell nya.
"Ma, pa, kuya alis na po ako." Sabi ko nalang dahil di ko matitigan si papa. Nanghihina ako at parang nawawala yung galit ko sa kaniya.
baka anumang oras tumulo ang luha ko.
"Ah sandali" si Kuya null. "I'll be back ma and p-pa. Hahatid ko lang si Zaira-"
"No need Kuya Zaker, kaya ko na 'to. Tagal ko ng ginagawa ang pag-123-"
Nangunot ang noo ni Kuya. "Anong 123?"
"1 papara ka ng Jeep, 2 Uupo ka. At yung 3 bababa ka. Ayon hehe"
"What?" Di makapaniwalang sagot ni Kuya. Syempre di mo alam kasi laking yaman ka! Lagi kotse amp. "Delikado yon. Mas lalong ihahatid kita. Bye ma, p-pa ihahatid ko lang siya sa school"

BINABASA MO ANG
?Tutoring the Badboy King (COMPLETED)
Non-Fiction(UNDER EDITING) ZAIRA REYMIER she can't buy anything even her tuition fee's, hindi siya makabayad dahil sa mahirap lang sila, To solve her problem, her principal called her, pina-alala nito ang nalalapit na paghuhukom- charit! Pina-alala sa kaniya n...