抖阴社区

Four

1.8K 25 0
                                        

Summer, two years ago.

Ipinarada ni Kit ang kaniyang sasakyan sa tapat ng isang coffee house. He shutdown the ignition then walk down from the car. Ilang sandaling nagpalinga-linga siya saka napabuntong-hininga. It was the busiest part of the city and he was sure that his father won't sweat his ass to follow him there. After all, he's a businessman and a businessman won't waste his precious time. And that's exactly what he is to his father—a waste of time.

Pumasok siya sa loob ng coffee house at nag-order ng paborito niyang macchiato. It was way too crowded inside so he chose the table outside just next to the pavement. He killed the time by drinking his coffee while watching the people passing back and forth. Sa lugar na iyon, walang makikialam sa kaniya. Hindi niya kailangang maging si Kit Vera. Ang basagulerong anak ng multi-millionaire na si Ricky Vera at dating beauty queen na si Gloria Sembrano. Hindi niya kailangang magpanggap na perpekto ang kaniyang pamilya kahit pa ang totoo ay may kaniya-kaniyang monkey business na inaatupag ang kaniyang mga magulang.

Isang pick-up truck ang huminto sa di kalayuan, just as he was about to finish his coffee. It was actually an old, dirty pick-up truck. Nothing to capture his attention not until he saw the girl riding from the back of it. The girl is wearing bizarre clothing: Bohemian Floral Print Full Skirt, peasant blouse, dangly earrings, and boots. Mayro'n din itong makulay na headpiece sa ulo. She basically look like she was a part of a tribe or something but when you look into her entirety, she was one heck of a good looking woman. Mahaba ang alon-alon nitong buhok, slim but curvy body, morena ang balat.

Tumalon ang babae pababa sa likod ng pick-up, her long-skirt raised up as she did that, showing her long, shapely legs. Ipinagpaliban muna ni Kit ang pagsaid sa laman ng kaniyang iniinom na kape para mapagmasdan ito. With his mom being a beauty queen, kung ilan na ring magagandang babae ang kaniyang nakasalamuha, pero hindi pa siya na-dumbstruck ng ganito sa buong buhay niya. There's something about this girl that he can't describe. Something that suddenly makes him hard to breathe.

"Salamat, kuya!" narinig niyang wika ng naturang babae sa driver. Sumaludo pa ito doon. "Sa susunod uli!"

Nang dumako ang babae sa kaniyang direksyon ay ibinaling na uli niya ang atensyon sa iniinom na kape. Yes, she's attractive and everything but that doesn't mean that he's going to lose his cool. Tila pagod na pagod na naupo ang babae sa sidewalk sa tapat niya at nagsimulang magpaypay. She's sweaty and all but when her smell reached him, she doesn't smell like sweat at all. In fact, she smells like a fragrant flower he forgot the name. Pinigilan niyang i-offer dito ang bakanteng upuan sa harap niya ngunit laking-gulat niya nang kahit hindi niya inalok ay basta na lamang ito maupo doon.

"Pasensiya na, pero okay lang ba?" anang babae saka alanganing ngumiti sa kaniya. "Ang sabi kasi ng matatanda, nakakakasakit raw ng tiyan maupo sa mainit na lugar kaya kung okay lang sana, makiupo ako dito."

Hindi kaagad nagawang magsalita ni Kit. Now that she was sitting in front of him, he realized that she's even more beautiful closely. At ang ngiti nito, kahit alanganin, lalong nakadagdag sa taglay nitong kagandahan.

"Um, hello?" pinadaan nito sa kaniyang mukha ang isang palad nang hindi agad niya magawang tumugon. "Okay lang ba?" ulit nito.

Parang naengkanto si Kit ng ilang segundo at no'n lamang nagawaang matauhan. Napakurap-kurap siya. The beautiful girl did not disappear in front of him.

"Yeah, whatever," pasupladong tugon niya rito nang makabawi. Medyo nainis siya sa sarili dahil sa buong buhay niya ay no'n lamang pumalya ang diskarte niya. "Do whatever you want."

Nagkibit-balikat naman ang naturang babae. Inilabas ni Kit ang kaniyang phone at nagkunwaring nag-i-scroll doon kahit pa ang totoo ay lahat ng senses niya ay nakatuon dito. Maya-maya, from his peripheral vision, nakita niyang naglabas ng plastic ang babae.

"Gusto mo?" alok nito sa kaniya as she munch the white solid food in her mouth. "Masarap ito kaya kumuha ka na."

She extended the plastic towards him. Kunot-noong pinagmasdan niya ang laman niyon. Para iyong rice cake na may asukal, niyog, at mani.

"Er," he grimaced. "What exactly is that food?"

"Ha? Seryoso ka? Hindi mo alam kung ano ito?" hindi makapaniwalang bulalas nito. Wala itong pakialam kahit namumuwalan ang bibig nito. "Ang tawag dito ay palitaw. Gawa ito sa giniling na malagkit saka pinagulong sa asukal, niyog, at mani."

Napatango-tango siya. At least, his guesses are right. Itinulak niya uli palapit rito ang naturang plastic ng palitaw. Kahit pa sinabi na nito sa kaniya kung ano ang tawag doon ay wala siyang balak na tikman iyon.

"Ayaw mo?" nakakunot-noong tanong nito sa kaniya bago humalukipkip."Siguro pustiso ka, ano?

"What?"

"Sabi ko, pustiso ka siguro." ulit nito. "Natatakot kang sumama yung pustiso mo kapag kumain ka ng palitaw."

Kit was caught off guard by the woman's frankness. Napamaang siya. Ang naturang babae naman ay hindi naiwasang matawa sa nakitang naging reaksyon niya.

"H-hey, hindi ako pustiso!" inilantad niya rito ang ngipin rito. "My teeth are genuine and in perfect condition if you want to check."

"Hay nako, ang daming sinasabi!"wika nito saka nanghahamong tinitigan siya. "Kung talagang hindi ka pustiso, bakit hindi mo tikman?"

Challenged, kumuha si Kit ng palitaw mula sa plastic at isinubo iyon. He chewed it generously and was amazed by the sweet, munchy taste of it. Nagniningning ang mga mata na napatitig siya sa magandang dilag sa kaniyang harap pagkatapos.

"Oh, 'di ba, ang sarap?" nakangiting pinagtaas-baba nito ang kilay. Kumindat ito sa kaniya. "You're welcome, by the way."

THE GYPSY WHO STOLE MY HEART [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon