抖阴社区

Chapter 23

1.4K 49 4
                                        

Claurent's POV

It's been almost 5 minutes pero hindi parin nagsasalita si Claire. Patuloy parin ang paghihikbi niya.
Tinignan ko sya sabay buntong-hininga.

" Sabihin mo na. Anong nangyari?" humarap ako sa kanya at kumuha ng tissue mula sa glove compartment at pinunasan ang mga luha niya.

" It's---Dan." she could barely answer at nangunot naman ang mga nuo ko. He better not be cheating on my sister kasi baka masakal ko yung lalaking yon.

" Bakit? Anong ginawa sayo?"

" I saw him with another girl." Napa-hiss ako sa narinig ko.

" Yan na nga ba sinasabi ko." bulong ko sa sarili ko. I knew from the start na hindi magiging tapat kay Claire yung lalaking yon. Pero dahil mahal ko yung kapatid ko ay sinuportahan ko na lang sila.

" Sigurado ka ba talaga? Baka naman kaibigan niya lang yun?" I tried to comfort her. Hinahanapan ko ng paraan para hindi masyadong mag-alala yung kapatid ko kasi ayokong nakikita siyang umiiyak. Pero kung ako yung tatanungin, mas mabuting maghiwalay na sila ngayon palang...baka kasi pag nagtagal yung relasyon nila, mas lalong masasaktan si Claire.

" Ate, I...I s-saw them k-kissing." Humahagulhol siya sa pag iyak napayukom ako sa aking mga kamay dahil sa galit.

" That's it. Hiwalayan mo na yan." I sternly said.

" Pero ate---" naputol ang sinabi ni Claire nang may tumawag sa phone ko. Sinagot ko ito.

" Hello? Claurent? It's Maddie."

" Oh hey,"

" Is Claire with you? I've been looking for her everywhere. I'm getting worried." pag-aalala niya at medyo naawa naman ako sa kanya.

" Oh don't worry she's with me now." I asured her at narinig ko naman siyang huminga ng maluwag.

" Thank God..Is she okay? Where are you? Can I come over?" sunod-sunod niyang tanong and for a moment, I felt thankful. Kasi nagkaroon ng ganitong klaseng kaibigan ang kapatid ko.

" We're at the parking lot." sagot ko sa kanya.

" Okay, I'll be over there in a sec." sabi niya bago inend yung call.

Bumalik ang atensyon ko kay Claire na medyo huminahon na ang pag-iyak at napansin kong malalim ang tingin niya.

" Claire?" tawag-pansin ko sa kanya at lumingon naman siya sa akin.

" Ate, I think you're right. I think it's best if I break up with him. Mas masakit kasi pag pinatagal ko pa, diba? Hindi ako magpapaka-tanga ate. He's not worth my time." she sadly smiled at medyo na relieved naman ako dahil hindi na ako mahihurapang i-convince siyang hiwalayan ang Dan na yun.

" Come here." tugon ko sa kanya while I opened my arms wide. Lumapit naman siya at niyakap ako. " It's going to be okay, bunso." Naiyak na naman siya at hinayaan ko nalang. Alam ko naman kasi anong feeling ng masaktan kaya hinaplos-haplos ko na lang yung likod niya.

Walang anu-ano'y nakarating din si Maddie sa kinaroroonan namin. Napa-kagat siya sa labi niya nang nakita niyang umiiyak ang bestfriend niya. Dahan-dahan niyang inilagay ang kamay niya sa likod ni Claire at agad namang inilipat ni Claire ang yakap niya kay Maddie.

My heart melted sa nakita ko. Ramdam ko kung gaano kamahal ni Maddie si Claire at ganun din si Claire sa kanya. I smiled at them.

" See? I told you he's not good for you." mahinahong sabi ni Maddie. Nag-pout naman si Claire sa kanya.

" Fine..I should have believed you. You don't have to rub it on my face." naiinis na sagot ni Claire sa kanya.

Pinagmamasdan ko lang silang dalawa with a smile on my face. I observed the two of them at napangiti ako dahil parang may magnet na nagpapalapit sa kanilang dalawa. I watched as their fingers interlocked. Hinawi ni Maddie ang buhok ni Claire and tucked them behind her ear. Nang mapansin ko ang mga pasa sa kamay ni Maddie ay bumagsak ang ngiti ko at napalitan ito ng pagtataka.

Before Your Time (GxG) : A sequel to Take Your TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon