(AFTER A YEAR)
—
S K Y E ' s
"Hoy Skye, di kaya dito si Jah sa ihahanda mo?" Natatawang tanong ni Stell sakin kaya napatawa din ako. Sure nga ako na ngi-ngiti ngiti na naman yung isang yun pag nalaman niya 'tong hinahanda ko
"Nakakaproud naman kayoo! Parang nung isang araw lang, nabalitaan lang namin na galit ka kay Justin pero tignan mo ngayon huhu. Para kayong kambal na hindi mapaghiwalay dahil sobrang clingy niyo sa isa't isa" nagdadramang sabi ni Reese habang tinutulungan si Josh na mag-dikit ng balloons.
"Hoy! Bakit niyo pinagdidikit si Josh ng balloon? Hindi niya abot oh" pang-aasar naman ni Sejun na ikinatawa naming lahat.
"Ang ba-bad niyoooo! Isa ka pa, Chocolate!" Tukoy niya kay Reese. Chocolate?! Ansabe ng callsign nila HAHAHAHA.
"Eh. Sorry na, liit" mas napatawa kami sa tawag ni Reese kay Josh. Pfft! Ang cute talaga ng dalawang 'to.
Napatingin naman ako sa phone ko nang naririnig kong tumutunog ito. Tumatawag si Justin. Hahahaha!
"Hoy yung babyboo mo tumatawag" sabi naman ni Stell kaya binato ko lang siya ng balloon at tumawa bago sagutin ang tawag ni Justin.
"Hello?" Cold kong pambungad. I'm sure magtataka 'to hahaha.
"Finally! Good morning babybear! Asan ka ba? Kanina pa ako nagcha-chat sayo?" Bakas sa boses niya ang pag-aalala kaya hindi ko maiwasang mapangiti.
"Wala. May ginagawa lang" sabi ko habang pinipigilan ang ngiti ko.
"Gusto mo puntahan kita? Asan ka ba?" Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Shet! Hindi ko talaga maiwasang mapangiti dahil sobrang concern siya.
"Di na kailangan. Sige na, aalis na ako" sabi ko lang.
"Okay, bye! I love you na lang" napatahimik muna ako at sinusubukan kong pawiin ang ngiti sa labi ko.
"Geh" sabi ko at ibinaba yung phone.
"YIEEEEEEEEE! PAKIPOOOOT!" Sigaw nila pagbaba na pagbaba ko pa lang ng phone at binato ako ng papel. Mga siraulo talaga.
"Syempre, dapat cold muna para hindi mahalata" sabi ko at bumalik ulit sa ginagawa ko.
-
"Guys, kayo na bahala kay Jah" sabi ko. Nginitian naman nila ako habang yung mga boys ay kinindatan ako.
Kinakabahan ako dahil first time ko lang mag-organize ng surprise para sa isang tao kaya sana maging successful siya.
Napag-isipan ko lang kase na sobrang dami niyang sakripisyo para magkaayos kami kaya he deserves the whole world. Saka gusto kong patunayan sa iba na dapat kahit babae ka, matuto kang maging maeffort. Hindi palaging lalaki yung gumagawa ng paraan para lang mapasaya ka. Dapat both kayong dalawa kase parang ang unfair naman nun para sa side ng mga lalaki.
Hindi ako makapaniwala na after all ng pinagdaanan naming hirap, magiging ganito pala kasarap mag-mahal. I mean you received a lot of love from your friends and family pero iba kaseng pagmamahal kapag dumating yung taong nakalaan para sayo. Hindi man namin parehas alam kung anong mangyayare sa future pero we will do our best para maging fair at maging strong sa isa't isa.
Ilang oras na nanahimik ako ay narinig ko na tumunog ang phone ko. Nang tignan ko ito ay nakita kong nag-message sakin si Desiree na malapit na daw sila kasama si Justin kaya sobrang pressured ako ngayon. Sana talaga maging successful.
Pumwesto na ako sa spot ko at huminga ng malalim.
"Kaya ko 'to! Para kay Justin" sabi ko at ngumiti.
Nang magbukas ang pinto ay mas lalo ko pang nilakihan ang ngiti ko.
"Surprise!" Sigaw ko at nakita ko namang biglang nanlaki ang mga mata niya.
"Paano ba yan? Tapos na duty namin dito. Maiwan na namin kayo love birds!" Natatawang sabi ni Brianna at isinarado ang pinto. Napatingin naman ako kay Justin na nakatulala parin.
Naaaninag ko na din na namumuo ang luha sa mga mata niya kaya napalapit ako at niyakap siya.
"Surprise 'to hoy! Bakit ka umiiyak dyan?" Natatawa kong biro para hindi naman siya masyadong ma-pressure.
"Akala ko may kausap ka ng iba kanina dyan" sabi niya at parang bata na pinunasan ang luha niya.
"Sa tingin mo ba kaya kong gawin yun sayo?" Nakangiti kong sabi kaya naman sumenyas siya na yayakap siya kaya niyakap ko siya agad.
"Thank you, Skye. Thank you, Thank you!" Napatawa naman ako. Napaka-cute talaga nito.
"Napaka-swerte ko sayo" sabi niya. Hinila ko siya paupo sa sofa habang yakap yakap niya pa din ako.
"Shh. Ako ang maswerte sayo 'no! Kaya nga prinepare ko para sayo 'to eh" napakunot ang noo ko nang bigla naman siyang bumitaw sa yakap ko.
"Sure kang para sa akin 'to?" Inosente niyang tanong kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko ang nakurot ang pisngi niya.
"Oo nga. Ayaw mo maniwala, ayaw mo ba?" Kunwaring tanong ko.
"Hindi ah! Di lang ako makapaniwala" sabi ko naman.
"Saka nga pala, may sasabihin sana ako sayo" kabado kong sabi. Napatingin naman
siya sa akin ng seryoso. Kinakabahan tuloy ako. Pero woohh! Kalma lang skye. Inhale, exhale."Ano yun?" Malambing niyang tanong.
"Yung about sa tanong mo" dahan dahan kong sabi.
"Alin dun?" Huminga ulit ako ng malalim
Nakakahiya man sabihin pero eto na talaga."Y-yung tanong mo about kung pwede mo ba akong maging sayo" sabi ko pero hindi tumitingin sa kanya.
"Anong meron dun?" Tanong niya.
"Oo"
"Oo ang alin?" Jusko Justin De Dios.
"Oo" sabi ko ulit.
"Oo ang ano?" Gwapo at mapagmahal sana, slow nga lang. Dejoke lang HAHAHAHA.
"Oo, sinasagot na kita"
"Ahh. Yun ba su- ANO?!" napatawa naman ako sa reaksyon niya. Pfft. Slow!
"Y-you mean ikaw at ako?" Tumango ulit ako.
"Tayo na?!" Tanong niya pa ulit. Pfft.
"Oo nga!" Sigaw ko. Nanlaki naman ang mata ko nang yakapin niya ako ng mahigpit.
"SHET! I LOVE YOU, I LOVE YOU, I LOVE YOU SKYE ERINNE MORALES" natawa naman ako at parang nahahawa ako sa kasiyahan niya dahil nakikita ko siyang masaya.
"I love you too, Justin De Dios" sabi ko lang. Nakangiti siyang tumitig sa akin at unti unting inilapit ang mukha niya sa akin.
Dumating man kami sa pinaka-dulo ng kwento na ito, pero sisikapin naming maging mapagmahal sa isa't isa.
Isang simpleng paghanga ni Justin De Dios, hindi ko alam na dadalhin niya ako sa daan patungo sa tunay na pagmamahal at sobrang saya kong magkasama na naming haharapin ang bawat araw sa buhay namin.
Best day!
THE END..

BINABASA MO ANG
?Noona? ┇SB19's Justin??
Fanfiction[???????????] ?Noona, ano yung porn?? ?In which Justin de Dios didn't know that the girl he met instantly and the one he was calling 'Noona' is his childhood bestfriend ? Justin De Dios x Reader ????????????? ?????? #1? [...