🎼 Nice to meet you, where you been?
🎼 I can show you incredible things~
"Knock knock~" Bungad ng isa sa mga malapit na kaibigan ni Theresa mula sa Gotham Elite. Ang organisasyon ng mga mayayaman sa buong Gotham na kung saan ay matagal nang miyembro si Theresa at ngayon ay kakasali lamang ni Maiya Macquoid, na isang popular na mapag-kawanggawang bilyonarya at kilala rin sa pagiging anak ng namayapang ama na si Juan Macquoid.
Naging kaibigan niya si Theresa na isang napakayamang drakula na nagpatayo ng isang panuluyan na lagpas pa sa isang daan ang mga palapag ngunit piniling tumira sa isang palapag na kung saan nakikita ang malaking bahagi ng Gotham imbes na sa mala-palasyong ipinag-kaloob na tahanan sa kanya.
Sa pagpasok niya sa tahanan ni Theresa na nasa ika-isang daan at apat na palapag ay sumalubong sa kanya ang mga muwebles na mukhang mga ataul. Marahil sa lubos na pangangailangan ng kaibigan ng tulog. Bagama't mukhang ataul ang mga muwebles ay elegante itong tignan.
"Theresa?" Habang nag hihintay sa kaibigan ay kumuha siya ng maiinom at saka umupo sa tabi ng bar counter habang nakatingin sa kwarto ni Theresa dahil na rin sa wala itong pintuan. Naisip ni Theresa na bakit pa niya lalagyan ng pintuan ang kwarto kung may takip naman ang higaan, at walang magtatangka o makakapasok sa tahanan niyang nasa tuktok ng pinakamataas na gusali sa Gotham.
Hinahangaan naman ni Maiya si Theresa dahil sa tapang ng kondesa na gawing open ang tahanan. Kaya naisipan niya na manirahan sa panuluyan ni Theresa. Pumayag naman si Theresa at hindi pinagbabayad ang kaibigan ng salapi.
Tahimik lamang na naghihintay si Maiya nang bumukas muli ang elevator at bumungad ang isa sa mga matagal nang kakilala ng mga Buena, ang pamilya ng mga Scott. Isa sa mga kilalang nagmamay-ari ng karamihan sa mga aplaya sa buong Amerika.
"Theresa!" Walang sumagot, dahilan upang tumaas ang kilay ng isa. "Nasan 'yon?"
"Nasa banyo pa." Si Maiya ay isa sa mga tagahanga ng Scott, lalo na kay Juliette Scott na nasa harapan niya ngayon. Isang sikat na hotelier na kadalasang makikita kasama ang kapatid ni Theresa, ngunit naisipan na iwanan si Andrius Johan upang tulungan si Theresa sa lalo nitong lumalagong negosyo.
Kumalat ang katahimikan sa buong palapag at tanging paggalaw ng lalagyanan ng alak at ang baso ni Maiya ang naririnig sa buong palapag. Sadyang nakabibingi ang katahimikan. Hindi alam ni Maiya ang sasabihin kay Juliette.
Ganito pala ka popular si Theresa, pati ang mga Scott ay kakilala niya.
"...Theresa! May ibibigay akong importante! Like super importante talaga!" Agad na bumukas ang pintuan mula sa banyo at nagpakita ang hinahanap nilang si Theresa, ito la'ng pala ang magpapalabas sa kanya.
Umupo si Theresa sa sopa at sinenyasan si Juliette at Maiya na samahan siyang umupo. "Hi Eli! Is it money or property?"
"Uhh... none? By—-hoy, hoy! Huwag ka naman umalis agad!" Napatayo si Juliette upang pigilan si Theresa.
Si Theresa naman ay huminto upang lumingon kay Juliette sabay ang pagtaas nito ng kamay na dahilan upang lumutang ang baso na may lamang alak papunta sa kanya. "Eli, blood and wealth, simple as that."
Inirapan siya ni Juliette kaya saglit na tumalim ang paningin ni Theresa sa kanya. "Well Ms. Buena, except na galing 'to sa royal prince ay hindi naman nga siguro ito kayamanan sayo."
Mas mabilis pa sa isang segundo ang
pagbaba ni Theresa sa hawak na baso habang nakangiti. "Royal Prince, You say?"Natawa si Juliette nang nakuha niya ang atensyon ni Theresa. "Oo, binasa ko na kanina, inaaya ka sa isang dinner kaya dapat kiligin ka."

BINABASA MO ANG
countess
Fantasyalong with the perfect view of Gotham stands the voguish Gran Noche that is well-known for having a great nightclub hotel with seventeen floors just for receptions; a self-approving owner has been managing the hotel for decades but mystery envelopes...