抖阴社区

Chapter 47.2

20K 285 58
                                        

CHAPTER 47.2

Sarah

Letse.

            Bakit ba kasi tinanong pa sa interview ng Pepperoni Cheese ang bagay na ‘yon? Bakit ba kasi inungkat pa nung lintik na host na ‘yun na nali-link ako kay Rio? Tumingin ako sa paligid. Nakatingin ng palihim sa akin ‘yung ibang tao at parang may mahinang pinag-uusapan.

            Kumunot ang noo ko. Letse talaga!

Tanghali na ko pumasok. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko kagabi at kaninang umaga. Sumasakit ang ulo ko. At kung minamalas ka nga naman, pagpasok na pagpasok ko palang sa loob ng building ay may humarang na agad sa aking mga bruha.

            Tinaasan ko sila ng kilay. “Excuse me. You’re blocking my way.”

            Tatlo sila. Humalukipkip ‘yung nasa gitna. “Sarah Vernon.” Tumawa siya. “Hindi ko akalain na mali-link sa isang desperadang katulad mo ang isang Rio Lee.” Then she made a disgusted face. “Nakakasuka ka.”

            Inirapan ko siya. Nagsimula nang pumalibot ang ‘yung mga estudyante sa paligid namin. Mukhang nakakaamoy sila ng away. “What?” I laughed. “Tama ba ko ng dinig? Kung nakakasuka ako, ano pa kaya kayo?”

            “Loyal fans kami,” sabi nung negrang naka-miniskirt, “at hindi katulad mong isang social climber.”

            I rolled my eyes at them. “Oh, please. I’ve heard that line before like, let’s say, a million times? Mabuti pa kung ayusin niyo nalang ang buhay niyo. And you better start it by getting out of my way.” Hinawi ko sila at dumaan sa gitna nila. Pero nagulat ako nang bigla nilang hatakin ‘yung ponytail ko.

            Napasigaw ako at nahulog ‘yung mga librong hawak-hawak ko. “You don’t deserve to have one of them!” sigaw nung babaeng red ang lipstick at itinulak ako ng malakas. Lalo akong nainis dahil umiwas ‘yung mga estudyante kaya naman napaupo ako sa sahig.

            Tumayo agad ako at hinablot ‘yung parehong strap ng pang-itaas nung nasa gitna. Hinatak ko iyon ng malakas. Sumigaw siya at sinalo ‘yung top niya na montik nang mahulog. I smirked.

            Sinampal ako ng malakas nung naka-miniskirt. Sinalo ko ‘yung kanang pisngi ko. Kumunot ang noo ko at mabilis na hinablot ang buhok niya. Pero napatili ako noong may humatak din sa buhok ko mula sa likuran. Nakakainis. Nagsisigawan pa ‘yung mga estudyante sa paligid namin.

            Nabibingi ako sa kung anu-anong isinisigaw nung tatlong babae sa akin at pati na rin sa hiyawan ng mga estudyante sa paligid ko.

“Itigil niyo ‘yan!” sabi nung professor na bagong dating lang. Inawat kaming apat ng mga guard ng school.

“Get lost!” singhal nung babaeng hinatak ko ‘yung strap.

(MDB Book 2) Be Mine Again (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon