¶¶ÒõÉçÇø

¡¾³Ù³ó¾±°ù³Ù²â-´Ç²Ô±ð¡¿

1.8K 85 9
                                    

SHYLIE

Nasa waiting shed ako ng isang convenience store dahil dito sana kami magkikita ni Justin ngayon. Nakaka-excite lang kase makakasama ko na naman siya.

Pero ilang oras lang ay akalain mo nga namang umulan pa oh. Nakakabadtrip bigla.

[2 HOURS PASSED]

Hinintay ko siya ng ilang oras pero wala parin siya. Hindi din siya nagrereply sa mga chats ko. Hindi ko alam kung malukungkot ako or madidismaya.

Ilang saglit lang ay may nakita naman akong nakajacket na lalaki na papapit sa direksyon ko. Familiar siya ah.

Wait!

Si Ken yun ah?

"Oh? Katherine?" Napatingin lang ako sa kanya habang nagpapagpag siya dahil nabasa din yung katawan niya ng ulan.

"Ken? Bakit ka andito?" Nakita ko naman siyang umiwas ng tingin bago magsalita.

"Uhm, wala. Napadaan lang naman ako tas may bibilhin din sana" sabi niya sabay tawa ng awkward.

"Ikaw? Bat ka andito?" Tanong niya habang pinapagpagan din yung buhok niya. Medyo magulo ito dala rin siguro ng ulan at pagtakbo niya. Pero bakit ganun? Hindi mo maiwasang hindi mapatingin habang nagpapagpag siya.

I don't know but... He looks hot.

"Baka naman matunaw ako niyan" napailing ako agad. Jusme, Shylie! Anong bang iniisip mo diyan?! Kadiri ah!

"K-kapal mo" sabi ko at umiwas ng tingin. Omg! Naging obvious ba ako masyado? Nakakahiyaaaa!

"So bat ka nga andito?" Tanong niya.

"Magkikita sana kami ni Justin ngayon kaso hindi naman siya sumipot"

"Hindi ba siya nagsabi sayo?" Tanong niya pero umiling lang ako. Nagmukha lang akong timang dito kaso ayoko namang isisi kay Jah yun.

"Alam mo? Halika na sa loob. Ililibre kita" napatingin naman ako sa kanya at nakita kong nakangiti lang siya.

Ang gwapo niya ngumiti. Arghhh!

"Pick anything you want. My treat" sabi niya. Napaiwas muli ako ng tingin nang makita ko siyang nakangiti ulit. Ang weird.

"Thank you, Ken" sabi ko at patagong ngumiti.

"Welcome, Kath"

Fudge! Bakit iba yung epekto pag siya yung bumabanggit sa second name ko? Mababaliw na ata ako kakaisip!

Magkaharap na kami ni Ken ngayon at sabay na kumakain ng cup noodles. Ang lamig kase ngayon dahil malapit na din mag-december.

"Hahaha" napatingin ako kaagad sa kanya nang marinig ko siyang tumawa. Problema niyan?

"At bakit ka tumatawa?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Para mong tutunawin sa tingin mo yung noodles. Uso kainin diba" oo nga. Nakatingin lang ako sa noodles. Jusmiyo, nakakailang kahihiyan ka na ngayon, Shylie.

"Sabi ko nga" sabi ko at agad na sinubo yung noodles pero halos maidura ko ito dahil sa sobrang init.

"Hey? Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya sakin.

"A-ahh, oo. Napaso lang" sabi ko habang pinapaypayan yung bibig ko. Ang clumsy mo ngayon! Nakakainis. Nakakahiya kay Ken!

"Be careful next time" sabi niya. Hindi ko alam pero iba sa puso ko. Iba talaga.

Feeling ko kahit kay Jah hindi ko 'to naramdaman.

Pero argh! Nabubuang lang siguro ako. Maaga nga akong matutulog mamaya.

TO BE CONTINUED..

?Bridge?©«SB19's Ken?? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon