Reveal: The Son
Umuwi si Yvonne matapos nyang makausap ang detective.
Napansin agad ni Zeno ang kakaiba nyang kilos. Ni hindi man lang ito nagsalita, agad ay umakyat ito sa kwarto nya.
"Lyn, ikaw muna ang bahala kay Coven. Coven, you stay here okay?"
"Okay, papa." masiglang sagot naman ni Coven
Pag-akyat ni Zeno ay nakita nya na nasa balcony lang si Yvonne.
Yvonne
Hindi ko pa rin maintidihan ang mga nalaman ko kanina. Paanong buhay pa sya? Nakita ko ang nangyari.
But, I wasn't in his funeral dahil sa 1 month akong comatose.
Kasabay nyang inilibing ang taong yun, so how?
Napabuntong hininga na lang ako.
"Parang ang lalim naman ata nyan,"
I jolted when I feel his hands in my waist - he's giving me a back hug.
"I'm sorry."
"Hindi mo kailangang mag-sorry Yvonne, I wasn't asking and you did no harm."
Humarap ako sa kanya.
"I mean... Sorry. Sorry kung hindi ko pa kayang ipaliwanag lahat sa'yo. Patawad kung nagtago ako, kung sinabi ko sayo na-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay iniharap ako ni Zeno sa kanya
"Shhh... Naiintidihan ko. Mahal kita Yvonne, kaya handa akong maghintay kahit gaano katagal."
"I'm sorry, kung hindi ako enough Zeno para sa pagmamahal mo." saad ko sabay yuko
"Hey, look at me Yvonne.... I don't care whatever or whoever you are. As long as my heart beats for you, as long as the only one that I want to see os you. I don't care. Sapat ka na Yvonne. Walang babae na nagpatino sakin bukod sayo. Ngayon pa na may anak ako... Tayo... Sapat ka na Yvonne. Sapat na sapat." saad nya, then niyakap nya ako
Tama ba? Tama ba talagang sinabi ko sa kanya? Na anak namin si Coven? Bakit ang sakit kahit inamin ko na?
"Wag kang magsorry kasi wala ka namang kasalanan..."
"Z-Zeno..." saad ko
"Hmm?"
"Salamat." saad ko
"Yvonne..." tawag nya sakin
"Ano yun?" tanong ko
"Gawa tayo ng kapatid ni Coven," sabi nya
"A-ano? Hoy, Mr Park, tandaan mo, nanliligaw ka pa lang. Tantanan mo ko ng kaberdehan mo!" sigaw ko
"Manliligaw pa eh may anak na ko sayo, sayang lang di ko tanda paano nangyari yun, kaya gawa tayo yung maaalala ko na." sabi nya
Namumula talaga yung mukha ko sa kamanyakan nya, kahit kelan nakakahiya talaga sya, walang pakundangan ang bibig eh, "Ungas ka! Alalahanin mo! - lumabas ka na nga dito, m-magbibihis pa ko!"
"Bihis?" tanong nya
"O ngayon?... A-anong tingin yan? Hoy Zeno, tigiltigilan mo ko sa manyakan mo!" halos sigaw ko na
Lumapit pa sya lalo sakin.
Nagulat ako ng halikan nya ko sa noo.
"Magpahinga ka na, Honey. May mahaba pa tayong araw bukas" sabi nya sabay kindat'Ang galing nya talagang magpakabig ng dibdib ko, susko Lord, kaya ko pa ba? Tch. Feeling nya kinagwapo nya na yung pagkindat?'

BINABASA MO ANG
Love, Twist & Turns II On Edit II [Completed]
Short StoryNew Tittle: Love, Twist & Turns Former Tittle: The Twisted Fate of a Baron and Baroness Sabi nila kapag nagmahal ka marami kang mararanasan. Kikiligin. Magagalit. Selos. Pero paano kung may twist and turns pa? Para ka nang sumakay sa roller coaster...