Kabanata 2
Bonding with himDahil sa naging madalas ang pagkikita nila Jian at kuya Resty na laging kasama si Joey at kami naman ni Zhelle ay kasama ni Jian.
Mapaschool or after school ay magkakasama kami.
"anu Jian tambay ba tayo sainyo?" tanung ni kuya resty.
"sige ba. Pwede naman. Magfoodtrip tayo tas star gazing hehe" sagot ni Jian.
"kasama ba kami jan?" tanung ni zhelle sakanilang dalawa.
"oo naman nuh. Kasama naman kayo lagi kayo paba hehe.. Siya nga pla Resty iSama mo na rin si Joey ah." sagot ni Jian sabay tingin at ngiti skin na may pangaasar.
Nahiya naman ako pero ngumiti na rin ako sakanilang tatlo at nagantay ng oras ng pagtapos ng klase namin ngayong araw. Gusto ko ng matapos kasi makakasama namin ng matagal si joey.
Ganito pala pag meron kang crush sa isang tao gustong gusto mong nakikita at nakakasama siya kahit na hindi mo alam kung parehas ba kayong may paghanga sa isat isa.
Si Joey ay matangkad, katamtaman ang pangangatawan, tama lang kulay ng kanyang balat. Masasabi mong isa siya sa hahangaan talaga. Hilig niyang maglaro ng volleyball na lagi ko rin pinapanood pag merong oras. Napapaisip nga ako na baka bakla siya kasi hindi basketball ang hilig niya haha. Pero minsan naglalaro rin naman siya nun.
Naiisip ko palang na makakasama namin siya kinikilig na ko. Iniisip ko na agad kung anung susuotin ko mamaya paguwi hehe..
"Dexie, Zhelle mamaya ah sa bahay mga 5pm. aantayin namin kayo ni Resty at Joey." ang sabi ni Jian sa amin.
"oo pupunta kami ito pang si Dexie imposibleng hindi kami pumunta eh nandun si Joey ayieee. Hehe" sagot ni Zhelle na may ngiting pangasar.
"pupunta kami Jian, basta wg niyo lang akong aasarin ky joey ah nakakahiya. uuwi talaga ko." ang sagot ko sakanilang dalawa.
At nagkanya kanya na kaming uwi.
Ako ang pinakahuli umuwi sa aming tatlo dahil sa dulo pa ng kanto ang bahay namin nauuna si Zhelle sumunod naman si Jian.
Nasa bahay na ako at hindi ko alam kung anu nanaman ang susuotin ko. Dapat yung komportable ako at aakyat kami sa bubong para mag star gazing. Dahil iyon ang trip nilang gawin ngayong araw.
3/4 at T-shirt na plain ang napili ko dahil hindi rin naman ako pa-girly manamit. Ayoko ng short na maiksi ng sleeveless or spageti strap na damit lalo na dress hahaha.
"ma alis muna ako punta lang po kami kila Jian, kasama po namin si Zhelle at 2 naming schoolmate." paalam ko ky mama. Kilala na ni mama si zhelle at jian naikukwento ko ito sakanya.
"sige basta huwag msyadong magpagabi baka hanapin ka ng papa mo," sagot ni mama sakin.
"baka medjo gabi ma kasi mgstar gazing kami hehe, basta uuwi rin po ako agad. Malapit lang naman un bahay nila Jian sa kabilang kanto lang ma." sagot ko na my kasamang paglalambing.
"osige sasabihin ko nalang sa papa mo at pagtitirhan ka ng pagkain. Magiingat ah." sagot ni mama.
"opo ma" sagot ko kasabay ng paghalik sa pingi niya.
Habang ng lalakad na ako papunta kila Jian kinakabahan ako. Baka kasi andun na sila at ako nalang ang hinihintay.
Nasa tapat na ko ng gate ng bahay nila Jian. Naririnig ko na ang mga boses nila. Kumatok ako at sinigaw ang pangalan ni Jian. Ngunit ang lumabas ay si Joey na sobra ang ngiti sakin.

BINABASA MO ANG
Can time Stop? and Restart?
RomanceLahat ng tao may kanya kanyang "ideal man" "mr.right" "my one and only" "my love of my life" or kahit anu pa mang tawag mo sa gusto mong makarelasyon or makasama ng pang habang buhay. Hindi natin alam kung sino at kailan darating ang tamang tao p...