"Hi Dexie. Kala ko hindi kana pupunta eh". Bati sakin ni Joey habang binubuksan ang gate.
"ako paba hindi pupunta hehe. Asan sila?," sagot ko habang naglalakad na kami papasok ng bahay.
"Nasa sala sila kumakain. Bilisan natin baka ubusan nila tayo hehe." sagot ni joey.
Nagluto sila ng Popcorn cheese flavor, kikiam, fishball, at cheese stick. All time favorite ng bayan hehe.. Balak pala nilang mag movie marathon muna bago kami mag star gazing. Dahil maaga pa naman wala pang msyadong star.
Umupo ako sa kabilang sofa katabi ko si Zhelle at meron pang space para sa isang tao hindi ko naisip na baka umupo si Joey dun. Dahil sa isang sofa mgkatabi si Kuya Resty at Jian, na sila lang talaga ang kasya at my isa pang single sofa na ang akala ko duon uupo si Joey ngunit nagkamali ako dahil hindi ko ineexpect na uupo siya sa tabi ko.
Hindi ako mapakali ganito pala kapag kasama mo sa ganitong bonding ang taong hinahangaan mo.
Namili sila ng panonoorin namin. Dahil mapang asar silang kaibigan ang napili nila ay horror na which is ang pinakaayoko. Dahil matatakutin ako at napapanaginipan ko after.
Tuwang tuwa sila dahil alam nila kung anu nanaman magiging reaction ko. Hay nako talaga.
Naiilang ako kasi nasa tabi ko siya makikita at maririnig niya ako kapag nakakatakot na part na. Nagtatakip at sumisigaw ako kapag ayokong part na. Natatawa lang sila sa reaction ko at kasama siya duon. Naiinis naman ako sa dalawang kaibigan ko. Pagkatapos tlaga ng movie na to yari tong dalawa skin.
Malapit ng matapos ang palabas at msyado ng nakakatakot yung part kaya madalas na kong nakatakip. Hindi ko inaasahan na tatanggalin niya ang kamay ko sa mukha at inasar ako. Hawak hawak niya ang aking kamay habang inaasar ako.
Hindi ko alam kung maiinis ba ko or matutuwa dahil hawak niya ang kamay ko.
"anjan na siya sa tabi mo oh." sabi ni joey at sabay patay naman ng ilaw.
Sumigaw ako at napayakap sakanya. Bukas naman ng agad ang ilaw.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Joey ng ilan segundo bago ako umalis sa pagkakayakap sakanya.
Nakatingin sila saamin na may kasamang pangaasar
"anu ba naman kayo. Alam niyo naman natatakot ako, binibiro niyo pa ko ng ganyan." sabi ko sakanilang lahat. Sa tono ng naiinis at naiiyak.
Pinagplanuhan pala nila akong pagtripan.
"Sorry na Dexie. Hindi ko alam na sobrang matatakutin ka pla." sagot ni Joey sakin.
"nako Dexie may libreng yakap ka namang nakuha ky Joey." pang-aasar ni Zhelle sakin habang tumatawa.
"si Zhelle talaga nagplano nyan saiyo Dexie" sagot ni Jian.
"ah so ganun pinagplanuhan niyo pala to. Ang sasama niyo ah uuwi na nga ko. Nakakainis kayo. Pag ako binangungot mamaya at na deads ako mumultuhin ko kayong lahat." sabi ko sakanila na napipikon na tono. Tumayo ako at maglalakad na sana palabas.
Ngunit pinigilan ako ni Joey hinawakan niya ko sa kamay.
"ito naman msyadong pikunin. Sorry na. Hoy kayo mgsorry na kayo." ang sabi ni joey.
Nakatingin ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko sabay tingin sakanya. Agad naman sumagot ang mga kaibigan ko at ngsorry. Pinaupo nila kong ulit at pingbibigyan ng pagkain para daw mawala ang badtrip ko.
Natuwa naman ako dahil sa araw na to dalawang beses ng hinawakan ni Joey ang kamay ko.hihihi.
Nagaasaran at kwentuhan kaming lahat kanya kanyang kwento tungkol sa mga nangyayare sa bawat room dahil mgkakaiba nga kami ng yr. Anung klaseng teacher si ganito si ganyan at sinu ang matalino at magulo sa klase.

BINABASA MO ANG
Can time Stop? and Restart?
RomanceLahat ng tao may kanya kanyang "ideal man" "mr.right" "my one and only" "my love of my life" or kahit anu pa mang tawag mo sa gusto mong makarelasyon or makasama ng pang habang buhay. Hindi natin alam kung sino at kailan darating ang tamang tao p...
Kabanata 2
Magsimula sa umpisa