Maraming bagay ang tumatakbo ngayon sa isipan ko, mga bagay na maliliit ngunit pupuwedeng bumago sa ilang segundo sa buhay ko.
Sobrang mapalad ko ngang marahil dahil may pangarap ako.
Hindi katulad ng iba na walang direksyon ang buhay.
"Mabuti ka pa, alam mo ang gusto mo," saad ni Erika matapos kong ibahagi ang mga naturan kong talento.
Awkward akong ngumiti matapos magkamot sa ulo. Mabuti nga. Mahirap nga siguro ang walang talentong alam, mahirap nga sigurong maging tamad.
"Dapat kasi subukan mo lahat nang malaman mo kung saan ka magaling."
Sumimangot lang siya matapos kong sabihin iyon. "Nakakatamad."
Katamaran nga talaga siguro ang pumapatay sa mga posibilidad na inilalatag ng Diyos sa atin.
Ano nga ba naman kasi ang matatapos mo kung mas pinipili mong makipagdaldalan at makipagharutan kasya harapin ang daan na nararapat sa iyo?
Ano nga ba kasing mararating ng pag-iisip o pangangarap kung hindi mo ito lalakipan ng gawa? Ano nga ba? Hindi ba'y wala?
Paano mo mahahanap ang isang bagay na nawawala kung hindi ka gumagawa ng paraan para mahanap ito?
Kumilos ka kaibigan.
Hanapin mo ang purpose mo sa buhay.
Huwag kang makontento na lang sa walang laman na lalagyan at huwag lang basta piliin ang madaling daan, dahil sinisigurado ko sa iyo, mas worth it ang daang kayang-kaya mong liparin dahil sa pangarap na dala-dala mo.
Don't just exist
Live!
---
A.N
More like i'm saying motivational speech here than writing one shot. lol.

BINABASA MO ANG
Prompts
RandomMaiikling kuwento na bigla-bigla na lamang kumakatok sa utak ko. Mga kuwentong maaari kong ituloy at gawing nobela. Mga kuwentong bitin ngunit my thrill. Ito iyong mga kuwentong bigla-bigla na lang mangungulit sa akin tuwing nasa kalagitnaan ako ng...