Alyssa:
Bakit ba sa dinami-rami ng puwedeng ikahulog ng isang tao e sa maling tao pa?Sending...
Sending....
Message send failure.
"Ay shuta, kung minamalas ka nga naman, oh!" singhal ni Alyssa matapos mapagtantong naubusan siya ng load.
Balak niya pa namang i-send ito sa kaibigan niyang mala-Mister DJ ang datingan.
"Kung hindi lang dahil sa mokong na 'yon, hindi talaga ako hihingi ng advice sa bugok na ito." saad niyang muli at pagkatapos ay nag-dial ng panibagong numero sa kaniyang selpong pinaglipasan na ng panahon.
*143#
Takbuhan ng mga taong naubusan na ng load o 'di kaya'y hindi makapag-load dahil sa kapitbahay nilang punong-puno ng mga naglalaway na mga aso.
Aakalain mong nanakawan sila e tanging load at tig-pisong kendi lang ang tinda nila, iyon lamang ang paninda nila dahil na siguro sa ECQ sa buong Pilipinas at kabilang sila sa mga mataas na bilang ng positibo sa Covid.
"Sa wakas makakapag-text na rin ako." buntung-hininga ni Alyssa matapos pumasok ang inutang niyang load sa Globe.
Message Send...
Unknown Number:
Sino 2? Wala pa 'yong ayuda, ah?! Anong hulog-hulog? Walang hulugan sa ayuda?!
...
Pero tama ka. Hirap talagang mahulog sa maling tao.
Nayt.

BINABASA MO ANG
Ayuda One?
HumorPaano kung sa pagkuha mo ng ayuda para sa magulang mo ay makakilala ka ng isang taong magbabago sa pananaw mo sa buhay. Maging sa pag-ibig? Mapapasabi ka na lang ba bigla ng AYUDA ONE?