Justin's POV
"Get in the Zone, break! Hi we are SB19!"
Naghiwayan lahat ng tao dito sa loob ng mall, tuwang-tuwa naman kami nang masaksihan namin iyon. Ang iba ay naluluha, ang iba naman ay halos magwala. One word to describe what we feel right now? It's spectacular.
Kaniya-kaniyang picture sa amin ang mga A'TIN, kinakawayan naman namin sila. Hindi na rin namin pinatagal ang pagpapakilala, dahil ramdam namin na gusto na nila kaming makitang kumanta't sumayaw.
Pumwesto na ako sa gitna, ang una naming sasayawin ay ang GO UP. Nakatungo lang kaming lima at iniintay ang pagsisimula ng kanta. Pero hindi pa rin mawala ang sinabi ni ate So sa isip ko.
"A-ano, ate? Nakita mo rin siya?" Tumango siya sa akin. "Pero, dapat sinabi mo! Kanina pa kaya ako nagliligalig sa van kanina!"
Akala ko tuloy, ako lang ang nakakakita. Hindi naman pala ako nag-iisa.
"Kung sinangayunan kita kanina habang nandito sila sa loob, malamang malalaman ng ibang staffs. Lalo na sa van kanina, baka gawing issue bunso. Diba?" Napatango naman ako sa sinabi niya.
"Pero paano ka nakakasigurong makikita ko pa siya? Parang, ang hiwaga niya kasi."
Hindi niya ako sinagot, bagkus nagsalita lang siya ng walang boses.
'Ako ang bahala'
"Josh Cullen, Nasejun! Keuna, Stellvester, Jasutin! Alab SB19!"
"Yeah we gonna go up,"
Dumagundong ang loob ng mall kung saan kami nagp-perform, iwinawagay-way na ng mga A'TIN ang kani-kanilang mga light sticks at kani-kaniya rin ang sigaw.
"Tanging liwanag ang nakikita... Sa twing ipipikit aking mata,"
"Go 0838!!!"
Muntikan na akong matawa sa nadinig kong sigaw ng isang A'TIN pero mabuti nalang at napigilan ko dahil ako na ang susunod na kakanta.
"Bituin ko'y lalong nag-niningning, sa dilim—walang makakapigil!" Nginitian ko ang isa sa mga A'TIN na malapit sa amin dahil kanina pa siya umiiyak.
Hays, ang cute.
"Itong aking pinapangako,"
"HINDING-HINDI SUSUKO!" Sinabayan si Stell ng mga A'TIN sa pagkanta na nagpangiti sa kaniya. "KAHIT PA KO'Y MABIGO, YEAH MAKE ME!"
"You know I'm ready,"
"READY READY!"
"C-C-come on and test me," Tiningnan ni Josh si Sejun bago kumanta ng chorus.
"Yeah we gonna go up! Ibibigay ko ang aking—puso! Sa pag-abot ng pangarap, di hihinto!"
"Handa akong harapin ang lahat yeah! Kahit pa imposible!" Nag-flying kiss si Stell na sinalo naman ng mga A'TIN.
"Yeah we gonna go up!"
Naka-focus lang ang paningin ko sa mga A'TIN, at iniisa-isa kung may kakaiba ba sa kanila. Hanggang sa matanaw ko sa gilid si ate So na may itinuturo sa di kalayuan.
Y-'yung babae! Naka-tayo siya sa gilid ng standee namin sa labas habang nakatakip ng abaniko!
"Kahit ilang beses pang matumba, yeah we gonna go up!"
Mabilis akong lumundag paibaba para mapuntahan iyong babae. Halos mabingi na rin ako sa iritan ng ilang A'TIN dahil sa mismong gitna ako dumaan pero nang makarating ako sa dulo,
Wala akong naabutan.
ו×

YOU ARE READING
|SB19 SERIES| "Aking Maria Clara" #2 Justin De Dios
Historical FictionI was just talking to you. But you're gone, forever.