抖阴社区

Part 09

783 50 5
                                    

Umaga palang ay pumunta na siya sa school. Tinexan din niya ang mga kasama niya na pumasok ng maaga para sa praktis. Pagdating nila doon ay kumpleto na ang lahat maliban kay Bryne.

"Nasaan si Bryne?" tanong ni Pat kila Piyo.

"Hindi ko alam. Hindi nga umuwi sa apartment niya kasi doon kami natulog." sagot ni Piyo.

"Sabi niya kagabi may pupuntahan siya pero di na bumalik." dagdag naman ni Jude.

"Akala naman namin pumunta siya sa apartment mo Pat." dagdag naman ni Ark.

"Nagtext ako sa kanya na maagang pumasok ngayon." wika ni Pat at muling nagtext kay Bryne. Ngunit wala siyang natatanggap na reply.

"Nawawala yung cellphone niya kagabi. Di ba Piyo?" tanong ni Jude kay Piyo.

"Oo. Pinadial ko pa nga yung number niya para mahanap niya kaso wala." sagot naman ni Piyo.

"Baka nakipagkita sa babaeng kasama natin kagabi." ngiting wika ni Ark.

"Ayos din yung Bryne na yun. Madiskarte." tawang sambit ni Piyo.

"Tawagin niyo muna si Cj. Mahirap na at baka hindi makadating si Bryne." sambit ni Pat.

"Kumusta Pat? Ready na ba kayo?" tanong ni Pong.

"Wala pa si Bryne Pres. Hindi naman sumasagot. Kanina ko pa tinetext." sagot ni Pat.

"Oh sige. Try namin tawagan." tugon naman ni Pong. "Wala ba siya sa apartment niya?"

"Wala Pres. Doon kami natulog." sagot naman ni Jude.

"Hindi ba niya sinabi kung San siya pumunta." dagdag na tanong ni Pong.

"Hindi Pres. Basta Nagmamadali siyang umalis at Di na bumalik. Akala namin pumunta kay Pat, hindi naman daw." wika naman ni Ark.

"Paano ngayon yan?" problemadong tanong ni Pong

"Tinawagan na namin yung substitute ni Bryne. Papunta na raw." sagot naman ni Jude.

"Ganun ba. Mabuti naman para may kapalit siya kung sakali." wika ni Pong. "Maiwan ko muna kayo diyan, aayusin ko lang tong mga sasali ng Got Talent."

"Sige Pres."

"Pat tignan mo to." sabi ni Piyo at pinakita ang kanyang cellphone kay Pat. Kinuha ni Pat ang cellphone at Binasa niya ang text na nabasa ni Bryne kagabi.

"Hindi ako nagtext sa kanya kagabi. Nasa apartment Ko." Naguguluhang wika ni Pat.

"Eh sino yan?" tanong ni Jude.

"Baka si Sano. Nakita siya ni Bryne kagabi Di ba?" sambit naman ni Ark.

"Oo nga baka siya yan." sang Ayon nan ni Piyo.

"Eh paanong nasa kanya yang cellphone ni Bryne?" tanong naman ni Jude.

"Yan ang hindi natin alam." wika naman ni Piyo

"Piyo hiramin ko nga saglit tong cellphone mo." wika ni Pat. Nakita niya si Tammy na abala sa pag aayos ng costume ng ibang sasali sa Got Talent.

"Tammy favor naman." wika ni Pat.

"Ano yun Pat? Kahit ano basta ikaw." ngiting sagot naman ni Tammy.

Player meets the Introvert Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon