Kleah's P.O.V.
Mukha bang mind reader si Ate or talagang nasa lahi lang, sadyang na emphasize sa aming limang magkakapatid? Pagkatapos kong kumain, umakyat agad ako sa kwarto. Nakita ko ang kahon. Binuksan ko na nga ito at tama nga sinabi ni Ate.
Dalawa nga lang nandito, yung isa ang Diary na huli kong nabasa sa school at yung libro.
Binuksan ko na ang mga pahina ng sinasabing libro ng lola namin. "A Journey for Being Superhuman" yan ang title ng libro. Nagulat ako nang isiwalat dito kung paano kami naging mind readers.
Sa pamamagitan ni Lander.
Nagulat din ako sa mga nakikita ko. Ex ni Lola si Lander, nakalagay din dito lahat ng mga pinagagagawa niya sa pamilya namin, na siyang naging dahilan kung bakit kami naging mind readers.
Apparently, dad is her only son. Naisip na niya na baka matulad ang anak niya sa kanya kaya she never planned to have more. My dad supposed to have Universal Control, aside from the Telekinesis. Kaso lang hindi alam iyon ni Lola, nawala na siya pati si Dad pero none of them knew about this— only us five. It was an accident na madukot ako ng mga lab guys, Lander actually knew my origins. In order to respect her, he kept me alive. He treated me like a daughter while his men beat me to their deaths. Lola is the Subject 000.
I'm genuinelly surprised na I'm still alive despite of that.
Nakakaramdam ako ng kakaibang galit. Hindi ito galit, poot sa mga nakikita ko ngayon sa librong ito.
"Bakit? Si Lander ang dahilan ng lahat?" sabi ko sa sarili ko. Pero hindi nakalagay dito na kasali dapat ako sa human experiment, dalawa lang yan eh.
Either aksidente lang na hindi talaga alam ng mga tao niya o sinadya niya bilang pangganti kay Lola.
Kaya sa huling sandali, namatay nalang si Lola na hindi man lang ako nakita, nasulyapan. Naiinis ako, sobra. Sa sobra kong pag-iisip, nakaramdam na naman ako ng pagkahilo. This time, napabagsak ako. "A-Ate." huling salita na nasabi ko bago dumilim ang lahat.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Grace's P.O.V.
"David akyatin ko lang si Kleah, tulog na kayong dalawa. Tama na games, anak." sabi ko sa kanila habang inaayos mga gamit sa kusina. Siyempre, kumilos na agad ang mag-ama. Alam nila na once in a blue moon lang ako magalit.
Pero bakit ako kinukutuban ng mga oras na ito? Ano naman mangyayari kay Kleah? Huwag naman sana...
Umakyat na ako agad at natagpuan ko siyang walang malay. "Kleah, gumising ka please!" sigaw ko. Hinawakan ko siya, unconscious, nagpanik nako siyempre diba! Tinawag ko yung asawa ko. "DAVID, SI KLEAH, DALHIN NATIN SA HOSPITAL!" sigaw ko sa buong bahay. "Mama, what happened to Tita Kleah?" tanong ng anak ko. I don't know kung papaano ko ito sasagutin. "Hindi ko alam honestly, sama nalang tayo sa Papa mo, okay? To check her at least." sabi ko naman.
~
Habang nasa hospital kaming tatlo, pinipigilan ko sarili ko na umiyak. Ayokong nakikita ni Wade na mahina ako. "Uhm, excuse me. Kayo po ba yung family ni Ms. Kleah Havarii?" biglang labas ng doctor sa kwarto niya. "Uhmm kami po nagdala sa kanya. Doc. Kumusta po kapatid ko?" sabi ko sa doctor. "Stable na po vitals niya. Inoobserbahan pa po namin siya for now, and she wants to talk kay Mrs. Grace Montero daw. Maiwan ko na po kayo." sabi niya at umalis.
Bakit kaya niya ako kailangang makausap?
"Mama, I want to go home." sabi ni Wade sa akin. "David, hatid mo na si Wade sa bahay. Kaya ko na dito, tawagan nalang kita pag nadischarge na si Kleah ah?" bilin ko naman. "Sige ingat kayo." sabi niya sa akin. "Ikaw din." sabi ko naman. Umalis na sila, alam ko kasing gabi na tapos nangyari pa yung ganito.
~
Nasa kwarto na ako ni Kleah ngayon. "Ano nakita mo sa libro? Yun ba ang dahilan kung bakit nawaalan ka ng malay?" tanong ko sa kanya. "Ate... Gusto ko po kayo ang magbasa, gusto ko sa inyo na po manggaling ang reaksyon niyo po." sabi niya sa akin. Kinabahan ako ng kaunti. "Relax ka lang kasi." sabi ko naman.
Binuksan ko ang libro. Kinabahan ako habang tinitignan ko ang bawat pahina.
Bakit niya ito naitago sa aming lahat?
~
"Ate...?" hindi ko namalayang pagtawag sa akin ni Kleah. Bakit nagtago si Lola ng ganitong uri ng sikreto sa amin? "Ayos lang po kayo?" tanong niya sa akin. Pinunasan ko kaagad ang luha ko. "Nakita ko na ang dapat makita. Sige na magpahinga ka na." sabi ko sa kanya. Lalong lumalim ang pag-iisip ko ukol sa libro na iyon. Gusto kong kausapin sana si Kuya kung may alam ba siya dito. Kaagad kong kinuha ang phone ko at tinawag ang number ni Kuya. Nagriring lang, walang sumasagot. Tulog siguro si Kuya.
~
Hindi ko namalayang nakatulog ako kay Kleah kagabi, umaga na nung nagising ako. "Ate, dumating na po ba yung doktor ko?" tanong niya. "Mamaya siguro darating na yun." sabi ko. Dumating na din ang doctor ni Kleah. "Ah, Ma'am, mukhang okay naman po mga lab tests, nastress lang po siguro utak mo, iha. You're very young para mastress. Pwede nyo na po siya i-discharge." sabi sa akin ng doctor.
Hay salamat naman.
~
Natawagan ko na si David na sunduin na kami dito since na-discharge naman na si Kleah. "Ate, parang nagugutom po ako ah." sabi niya. "Mamaya, baka malapit na yun." sabi ko. Natanaw ko na ang kotse ni David. Nakita ko siya pati si... Wade? Anyway, yung bata nakatulog na sa kotse. "Sakay na." sabi ni David. "Mommy! Tita Kleah? Are you okay now?" tanong sa kanya ni Wade. "Yeah, I'm fine now. No worries!" sabay ngiti ni Kleah pagkasabi nun.
Umuwi na kami at inumpisahan ang umaga. Since Sunday ngayon, nagsimba kami. I thank God kasi alam kong heto na ang totoo, na kasama ko na ang kapatid ko. Ang saya lang sa pakiramdam.
Sana hindi na magbago ang lahat.

BINABASA MO ANG
Kleah (First Movement)
General FictionThere's a girl who gained TONS of abilities. She got it all from a Laboratory that is dangerous in humanity. She was once clueless and only following directions because that's all that the staffs of the laboratory taught her, until she met a certain...