Kristine Joy's POV
I'm just sitting here in my bed habang iniisip yung nangyari last time. Napahawak na lang ulit ako sa labi ko. I want more of his kisses. Nakaka-stress. Hindi mawala ang ngiti ko sa labi habang iniisip siya.
Maya-maya pa ay narinig kong tumunog ang cellphone ko at nakita kong tumatawag sa skype si Gab. Nakagat ko naman ang labi ko dun. Hindi ko na inayos ang mukha ko at sinagot yun. I'm confident naman na sa paningin ni Gab, I'm beautiful... Pfft.
“Hey, babe!”
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa tinawag niya. Gosh!
“Babe your face, Gabrielle!” sagot ko sa kaniya.
Tumawa siya. Napasimangot na lang ako. Sa tuwing magvivideo call kami, laging ganun ang bungad niya sakin. 'Babe'. What's with that word?! Nag-iinit ang pisngi ko.
“Wala namang masama, ah? Tsaka yun din naman yung tinawag mo sakin after mo akong---”
“Shut up! Or off ko na ito?” pagbabanta ko sa kaniya.
“Off mo, pupuntahan naman kita diyan.” paghahamon niya.
Natahimik naman ako dahil dun. Aysh. Kaloka.
“I miss you.” sabi niya.
“Miss? Halos tayo na nga palagi ang magkasama eh..” sabi ko sa kaniya.
“Tss. Alam mo namang mawala ka lang sa paningin ko, kung ano-ano na agad ang iniisip ko. Ang hirap kaya..” nakasimangot niyang sabi.
Nakagat ko na lang ang labi ko dahil dun. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Tsk! Pero kinikilig ako, hindi ko lang pinapahalata..
“Bakit naman kasi? Wala ka bang tiwala sakin?” tanong ko.
“Meron. Sa sarili ko, wala..”
“Eh?”
“Bu the way, kumain ka na?” tanong niya pero umiling ako. “What? Anong oras na? Hindi ka pa kumakain?”
Natawa na lang ako sa pagbabago ng tono ng pananalita niya. Kung kanina ay mahinahon, ngayon ay medyo tumaas. Hmp! Masyadong ewan.
“Maaga pa naman---”
“Maaga your face, Tine. Kumain ka na! Mamaya malipasan ka pa ng gutom niyan! Tsk! Hindi ka pa pala kumakain, sana hindi muna ako tumawag! Damn it! Kumain ka na nga!” pagalit na sabi niya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Bakit ka nagagalit? Para kang tanga!” sabi ko sa kaniya.
‘Wala namang kami!’
Napasimangot na lang ako sa sariling naisip ko.
“Eat, Kristine. Or else ako ang kakain---”
“Stop!” agad na pagputol ko sa kaniya. “Hindi mo ako madadaan sa ganiyan. We're too young for that. Don't make me think dirty! Fuck!” sabi ko at napahilot sa sintido ko.
Hindi niya ako madadaan sa ganiyan. Ang dami ko ng nabasa tungkol sa mga ganun. 'Eat or else, I'll eat you'. Duh! Hinding-hindi niya talaga ako madadaan sa ganiyan. Hmp!
“Pinagsasasabi mo diyan, Tine? Kung hindi ka kakain, edi ako ang kakain kasi kanina pa ako gutom. Anong don't make me think dirty ka diyan? Ano bang iniisip mo, ha?” biglang sabi niya.

BINABASA MO ANG
Book 3: Can't Take My Eyes Off You
RomanceGabrielle Lucio Vergara | Kristine Joy Constantino Gusto ko sa babae... yung mahinhin. Pang-Maria Clara ang datingan. Hindi party-girl. Hindi nagdadamit ng halos kita na ang kaluluwa. Simple lang. Hindi yung maarte. Parang plastic na ewan. Yung hind...