抖阴社区

                                    

Maaga kaming nagising para sa daily routine namin, hanggang sa matapos kaming mag jogging ay wala pa rin si Den.

Nagpahinga muna kami saglit sa may field.

Amy: Alyssa? Kaya pa?

Aly: What do you mean?

Amy: About Dennise.

Aeriel: Aly, High school days palang mahal mo na sya at since then, bina- basted kana nya. Alyssa naman, mahigit seven years na, hindi ka pa rin ba nagsasawa? Eh nasa uste palang tayo, bukang bibig mo na sya at higit sa lahat, palagi kang nagmamadali after training para pumunta sa Makati at makita sya.

Aly: *Sigh* Mahal ko eh...

Yun nalang ang nasabi ko, hindi na naman nagsalita ulit yung mga kasama ko. Hard lang sila sa akin pero marunong naman makiramdam yung mga yan lalo na kapag nasasaktan ako.

Pagbalik namin sa dorm ay nadatnan namin si Den na nagluluto ng breakfast.

Den: GOOD MORNING GUYS! (Masigla nyang bati sa amin.)

Ewan ko kung ilusyon ko lang ba to o talagang may something kay Dennise ngayon. Blooming kasi sya at napaka saya pa nya.

Kumain na kami dahil may training pa kami mamayang 8 am.

Bea: What's with ate Den? Bakit parang sobrang saya nya yata ngayon.

Bulong sa akin ni Bea habang kumakain kami.

Aly: Ewan. Baka na realize na nya na mahal nya ako. (Bulong ko din kay Bea.)

Bea: Weeh!?

Aly: Anung weh?!

Sabay suntok ko ng mahina sa taligiliran nya dahil magkatabi lang kami.

Den: Ang ligalig nyo. (Sabay kaming napatingin ni Bea kay Den.) Kumakain din ako.

Nasa right side ko kasi si Bea at nasa left ko naman si Den kaya nadali namin sya.

Nagkatinginan lang kami ni Bea. Tapos ay bigla syang bumulong sa akin.

Bea: Strike one.

Kinurot ko sya sa tagiliran saka umayos sa pagkain.

~~~~~~~

Papunta na kami ngayon sa gym para sa tranning, sabay sabay kaming naglalakad.

Den: ANO BA ALYSSA!? Kaya kong buhatin yung bag ko.

Galit na sabi nya sa tapos ay nauna ng naglakad. Kinukuha ko kasi yung sports bag nya para ako na ang magbuhat. Kaso, wrong move na naman.

"STRIKE TWO!"

Sabay sabay na sabi ng mga team mates ko. Naglakad nalang ako at sinundan si Den.

Buong training namin ay halatang badtrip sa akin si Den. Pero syempre, hindi nya ipinahalata kay commander.

Nung matapos na kaming magtraning ay ako ang pinakahuling natapos na mag shower.

Pagpasok ko sa locker room ay nakita ko si Aeriel na nakatayo at nakatitig sa tapat locker ko.

Nilapitan ko sya at tinapik sa balikat.

Aeriel: Aly! (Gulat nyang sabi nung humarap sya sa akin.)

Aly: Anung nangyari sayo? Bat para kang nakakita ng multo?

Aeriel: Ah... Eh... Wa- wala. (Utal nyang sabi.) Sige Aly, mauna na ako. May klase pa kasi ako.

Aly: Okay, bye.

Aeriel: Bye. (Tapos ay nagmamadali syang lumabas sa locker room.)

Lumapit na ako sa locker ko para buksan ito dahil iiwan ko muna yung iba kong gamit sa loob, pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang isang green rose na may kasamang post it. Nakadikit yun sa likod ng pinto ng locker ko. Inilagay ko muna sa loob yung mga gamit ko saka ko kinuha yung rose at post it.

"This rose, symbolized my love for you, co'z you are my life. Don't forget to smile even if you feel sad."

Napangiti naman ako nung mabasa ko iyon. Hindi ito ang unang beses na nakatanggap ako ng ganito, palagi akong nakakakita ng post it sa loob ng locker ko, minsan may kasamang rose at kung minsan naman ay wala.

Nung una, I found it creepy pero nung nagtagal ay nasanay na rin ako dahil napapangiti naman ako ng lahat ng nakasulat sa mga post it na natatanggap ko.

~~~~

Tapos na ang klase ng lahat at 5pm palang kaya nagdecide kami na pumunta sa mall para naman makapag relax.

Ang kukulit ng mga kasama ko, lalo na si Ella at Mae. Minsan talaga napapaisip ako kung si Ella ba talaga ang bully o si Mae.

Pagkatapos namin mag shopping ay kumain kami sa Burger King.

Tulad ng palagi kong ginagawa ay inasikaso ko na naman si Dennise habang kumakain. Huminto sya sa pagkain at tumingin sa akin na nakakunot ang noo.

Den: May kamay ako. (Inis nyang sabi pero mahina lang.)

Umayos nalang ako ng upo at kumain.

"Strike three." -Bulong sa akin ni Mae na nakaupo sa tabi ko.

Hindi ko nalang sya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain, minsan ay tumitingin tingin ako kay Den pero kapag nahuhuli nya ako na nakatingin sa kanya ay tataasan nya ako ng kilay.

Haaay naku Dennise! Noon mahal kita, ngayon ganoon pa rin.... Buhay nga naman.

~~~~

I LOVED YOU FIRST by ColtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon