抖阴社区

                                    

Gretch: ly hindi ka manhid. Nakakaramdam ka rin...

Jem: Wag ka ngang nagpapaniwala sa kasabihan na kapag paulit ulit mo ng mararamdaman ay hindi kana masasaktan. Dahil ikaw mismo, alam mong hindi yun totoo.

Aly: Wala eh... Mahal ko sya...

A: Ang tanong... mahal kaba?

Napabuntong hininga nalang ako saka yumuko at ininom yung shake ko.

A: ly, minsan mas tamang bumitaw ka kapag alam mong hindi ka pinapahalagahan... malay mo sa pagbitaw mo, mahulog ka sa tamang pwesto at masalo ka ng tamang tao.

Gretch: Since nung unang dating mo sa Ateneo. Mainit na agad ang dugo sayo ni Den. Hindi ka paba napapaso?

Aly: Pero mga ate.

Fille: Wag mo ng ituloy yang sasabihin mo ly. (Pagpipigil nya sa sasabihin ko.) Dahil alam naman namin na ang isasagot mo lang ah "Mahal ko sya."

Ange: Alam mo kasi ly, yung pagmamahal mo sa kanya, parang umaapaw na BEER sa BASO. NASASAYANG!!

Jem: Lasinggera ka talaga!. (Sabi nya kay Ange.)

Ange: Aba! Nagsalita ang hindi. (Sabi nya kay Jem saka tumingin sa akin.) Ano bang gusto mo, Aly? Makatanggap ng MVP award?

Jem: Most Valuable Paramour.

Aly: Paramour talaga?

Gretch: Malamang! May boyfriend kaya yung tao eh... Edi kabit ang kalalabasan mo.

Jem: Move on na girl! Hindi ka mahal nun.

Aly: Move on? Agad agad?! Nasa chapter five palang tayo ate. Nagmamadali!?

Fille: Ilang masasaklap na chapter pa ba ang gusto mong pagdaanan para lang matauhan ka.

Aly: Eh ano bang kailangan kong gawin?

Gretch: Mag move on ka.

A: Move on talaga? Eh hindi naman naging sila.

Jem: Marami ka namang pwedeng gawin ly, maliban sa pagtatyaga kay Den. Why don't you just enjoy your life.

A: Enjoy your life in a good way ha... Hindi yung "enjoy your life" na iniisip ni Jem, iba meaning nun eh.

Asaran, kulitan at kwentuhan ng mga throwback stories lang ang ginawa namin. Nung mga bandang 2pm ay nakatanggap ako ng message mula kay ate Charo.

From; Coach Charo

Meeting at blue eagle gym. NOW NA!

Nung mabasa ko iyon ay agad na akong nagpaalam sa kanila dahil kailangan ko ng pumunta sa gym.

~~~~

< Dennise P.O.V >

Saktong nasa pintuan na ako ng dorm namin nung maka recieve ako ng text mula kay ate Charo.

From; Charo Soriano

Meeting at blue eagle gym. NOW NA!

Nung mabasa ko iyon ay agad na akong pumasok sa loob, nadatnan ko naman yung team mates ko na nagre- ready na. Mukhang nai- text din sila ni ate Charo.

Halos nandito ang lahat, maliban lang sa isa na hindi matanaw ng paningan ko.

Den: Si ly? (Tanong ko sa kanila.)

Ang epic nilang lahat dahil nung tinanong ko iyon ay sabay sabay silang nagtinginan sa akin.

Marge: Uy! Hinahanap!

I LOVED YOU FIRST by ColtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon