抖阴社区

Chapter 10: Of Friends and Pain

4 1 0
                                    

Asteria Mauverine

"Fifteen years ago, isang malawakang digmaan ang yumanig at muntik sumira sa Enchantia" panimula ni Prof. Helena at sinimulan niyang paganahin ang gift niya. Ang gift niya ay kaya niyang lumikha ng mga tauhan at ano pa mang bagay mula sa kanyang mga sinasabi para maimagine namin ng maayos ang kasaysayan ng Enchantia. Sakto talaga ang subject na hinahawakan niya sa ability niya.

Pero anong sabi niya? Digmaan? Sinong mag-aakala na ang mukhang tahimik na Enchatia ay nakaranas din pala ng digmaan?

"Ang digmaan ay sa pagitan ni Queen Eclipse, Reyna ng pinakamakapangyarihang siyudad dito at ang namumuno sa Viserion na si Ysmael"

Isang babae at lalaking walang mukha ang lumabas out of nowhere. Bawat pagnanarrate ni Prof Helena ay lumalabas din na para bang totoo talaga. Sa isang iglap bigla na lang nasa isang digmaang senaryo kami at wala na sa classroom. Kita ko ang mga likha ni Prof Helena na mga kawal na nakikipaglaban sa mga taga Viserion. Kahit alam kong mga likha lang ito pero parang totoo ang pagsaksak at pagpaslang na ginagawa ng taga Viserion. Isa lang itong patunay na wala silang kasing sama.

Katana leaned forward. Magkakatabi kasi kaming apat. "Alam mo ba bago mangyari ang digmaan ay may kumalat na sa isang propesiya?"

"Propesiya?" I asked curiously

Gabby nod at me "Night will gave birth to a star. A war will immerge. Blood will be seen everywhere. Cries and wailing will be heard. The star will be slain since then darkness will fall upon us."

Napaisip ako sa sinabi ni Gabby kaya nag-taas ako ng kamay.

"Yes, Ms. Mauverine?" Prof. Helena called

"Pwede niyo po bang ipaliwanag yung kumalat na prophecy bago naganap yung digmaan." magalang kong sagot

"tss, pabibo" narinig kong sabi ni Blanche

"Umibig lang naman ang ating Reyna kay Ysmael. Night will gave birth to a star. Nag-bunga ang pag-mamahalan nila. Pero ginamit lang ni Ysmael si Queen Eclipse para mapasakanya ang Highsky City at ang iba pang cities ng Enchantia. Nang malaman ito ni Queen Eclipse dito na nag-simula ang digmaan. Maraming namatay, kasama na rito ang munting sanggol na prinsesa na pinatay sa harap mismo ng Reyna. Mas malakas ang reyna natin kaysa sa Viserion kaya nagapi niya ito pero dahil sa sobrang kalungkutan... hindi na muling sumilay ang araw sa Highsky City" paliwanag ni Prof Helena

My chest tightens. Who would've thought there's a tragic story behind the Highsky City. Sobrang lungkot siguro ng reyna sa nangyari. Nilinlang siya ng lalaking minahal niya, pinatay pa ang anak nila.

"Kaya dito ako sa Sehounite unang nakakita ng araw" bulong ni Gab

Oo nga pala, doon siya talaga nakatira. I can understand the queen's pain. Kasi kahit ako nasaksihan ko ang kawalang puso ng Viserion. We share the same pain, the losing of someone so dear to you.

* * * * * * *

"Asteria" humikab na tawag ni Peter "Pang limang libro ng halaman na yang binubuklat mo"

Napabuntong hininga ako at isinarado na ang pang-limang librong binuksan ko. Nasa library kaming tatlo ngayon dahil vacant time namin. Sinamantala ko iyon para makapag research dito sa library ng hinahanap ko. Sa gilid ko may pile ng sampu pang libro na puro tungkol sa mga halaman.

"Ano ba kasi talaga hinahanap mo?" tanong ni Gabby

Umayos ako ng upo at ikinuwento sa kanila yung pag-uusap na naganap sa amin ni Katana.

"Halaman na poison resistant?" pag-uulit ni Gabby sa sainabi ko

Tumango ako sa kanya "Gusto ko sanang bigyan ng flowering plant si Katana na pwede niyang mahawakan. Alam kong meron dito sa Enchantia kaya nag-research ako dito sa library"

"Bakit hindi ito ang unahin mong basahin" mula sa nakapile na libro sa gilid ko bumunot ng isang libro si Peter at iniabot sa akin.

"Book of Magical Rare Plants" pag-basa ko sa titulo ng libro. I flip the pages and started reading it "Syerin plant... NAHANAP KO NA!"

Iniharap ko sa kanila ang libro at tinuro ang isang larawan ng halamang may mala rosas na bulaklak at mahahabang dahoon.

"Iyan na nga yata ang hinahanap mo! Poison resistant at napakaganda ng bulaklak" tuwang sabi ni Gab

"Kaso..." malungkot kong itinuro yung nakasulat na lokasiyon ng halaman "sa malamig na lugar ito tumutubo at kadalasang may nag-babantay dito"

"Paano na yan? Eh matagal-tagal pa ang winter" sabi naman ni Peter "saka hindi nga natin alam saan talaga makikita yan eh"

"Alam mo bakla halatang hindi ka nakinig sa History class natin nung first year tayo" sabat ni Gab "Merong lugar na permanenteng may tag-lamig. At ditto mismo sa Strangeless Academy ito makikita"

Kaagad akong nabuhayan "Saan, Gab?"

"Sa Horae Forest" aniya

"Horae Forest?" kunot noo kong tanong

Peter snapped his fingers "Ah oo! Ang Horae Forest ay mukhang ordinary lang sa labas pero sa loob nito ay nahahati ito sa apat na season. Summer, spring, autumn at ang winter side"

"Sabi nila puno ito ng kakaibang mga halaman at nilalang kaya mahigpit na pinag-babawal ang pumunta doon" paliwanag ni Gab "Pwede nating subukan mag-hanap ng Syerin doon"

"And breaking the rules means expulsion here in this academy"

Sabay kaming napatalon sa gulat ng biglang lumitaw sa gilid naming si Atticus.

"Pwede bang huwag kag bigla-bigla na lang sumulpot?!" sigaw ko

"SSSHHH!" saway ng librarian kaya napatakip ako ng bibig kaagad

"Asteria, kung ano man ang pinaplano mo huwag mo ng ituloy" Atticus said

"But I am doing this for our friend" I replied

"YOUR friend. Don't ever think I'm part of your circle just because I've been nice by saving you" malamig na tugon ni Atticus

I clenched my fist. Oo nga, bakit ko ba ineexpect na ituturing niya akong kaibigan? We are just under the same Camp. Simula pa lang naman talaga ayaw na namin sa isa't-isa. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit naisip ko na may posibilidad na maging mag-kaibigan kami kasi nagiging mabait na siya sa akin. All this time niloloko ko lang pala sarili ko.

"I just want to make Katana happy" I said in a lowered voice

"That can lead you in expulsion. Sa tingin mo ba matutuwa si Katana kapag na expel ka dahil sa kanya? Mag-isip ka nga!" he said fiercely in a lowered voice

"Atticus tama na" tumayo na si Gab at hinila ako palapit sa kanya "Hindi mo kailangang mag-bitiw ng masasamang salita. Hindi ka namin inaalok na sumama kaya hayaan mo kami'

Atticus smirked at her "Yeah right. Good luck na lang sa so called adventure niyo"

Bigla na lang siya nag-laho at iniwan kaming tatlo dito sa tahimik na library.

Gab held my hand "Pagpasensyahan mo na yun. Ganun lang talaga si Atticus simula pa noon"

I turn my head to her while biting my lips to stop tears that are threatening to fall anytime "You're nice to me because I'm your friend right? Hindi dahil sa kailangan niyong maging mabuti sa akin di ba?"

Lumapit silang dalawa sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. Hindi ko na napigilan at tuluyan ng napaiyak. I don't want to be alone again. I want them to be my friends for a long time.

"You're not just a friend to us. You're our bestfriend" bulong ni Gabby

"Always our bestfriend at required tandaan yan" biro ni Peter dahilan para matawa kami ni Gab

Strangeless Academy: Strange HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon