抖阴社区

                                    

I can't even remember when was the last time I went to a church. Siguro noong binyag ko pa. Or nabinyagan kaya ako? Napatanong ako sa sarili. Paano pala kapag hindi? Kung oo naman, that was 20 years ago. I don't understand the need to go and attend a church on a Sunday. What for?


"One day, I know. Magsisimba ka din." Sabi niya with conviction. Baka iluhod pa niya ito sa altar with matching pa-dasal.


Nagkibit-balikat lang ako. Ganoon lang kami kapag walang klase. Kung hindi wattpader, gamer. Madalas nagpapalit kami ng cp.


Ako ang naglalaro sa ML account niya dahil siya ang may load. At siya naman, hinihiram ang phone ko. Tamang candy crush lang, 4 pics 1 word o yong may luto-luto yata.


Ewan. Siya ang nagdownload no'n. Pwede naman akong magload pero huwag na. Sayang kasi. Inactive ako sa mga social media accounts ko. Ewan ko ba kung bakit naisipan ko pang gumawa. Hindi ko naman pala gagamitin.


Minsan kapag pareho kaming walang load at biglang kailangan ng data connection, sa kapitbahay kami aasa. Pakapalan na lang ng mukhang magtanong ng wifi password.


Pero kadalasan wala. Wala din naman akong ia-update, walang ka-chat. At sinong itetext ko? Si Globe na siyang tanging nakakaalala at di nakakalimot?


Ewan ko din dito kay Goya. Nagdownload ng app for ML pero ayaw namang laruin. Di daw marunong. Para lang daw IN, kasi uso.
Patawa siya.


Oo nga, tawang-tawa ako noong one time na naglaro kami ng classic. 'Pag sinabi kong retreat, sumusugod mag-isa. Suicidal ang goal sa buhay. At 'pag sinabi kong pa-back up, tinatakbuhan at iniiwan akong mag-isa.


Di ko masakyan ang trip niya. Malabo.
Sabi niya, hindi lahat ay pinanganak na gamer. Yong iba, watcher. Kaya nagkakasya na lang siyang manood at magcheeer sa laro ko.


"Sino yong Johnson?"
Curious na tanong niya one time habang naglalaro ako at nanonood siya sa tabi ko. She really supports me when I'm playing a rank game and even cooked popcorn. Para hindi daw ako gutumin kakalaro.


See? She's my no. 1 supporter.
"'Yong nagtratransfrom na sasakyan." Sagot ko.

"Ah. Nagsasakay?"

"Oo."

"Paano? Pumapara kayo?"


Napasulyap ako sa kanya bago muling itinuon ang pansin sa laro. "Hindi, pupunta ka sa base tapos isasakay ka do'n." I patiently explained kahit gusto kong tumawa ng malakas.


"Parang terminal?" Napilitan akong tumango para di na humaba ang paliwanagan.

"Eh sino naman 'yan?" Tinuro niya y'ong isang hero na nagSS ng parang kalsada according to her term.


"Hylos. Half man, half horse."


"Ah. Sinasakyan niyo din?"


"Hindi."

"Bakit?"

"Kasi..." nagfofocus ako sa laro at the same time nag-iisip ng paliwanag sa tanong niya.

"Sarili nga niya, nabibigatan na siya, tapos magsasakay pa?"
Mabilis kong sagot.


Natawa siya at napatango-tango pa. "Ano pang ibang sinasakyan diyan?"


Napapikit ako. Curious siya sa maraming bagay tungkol dito pero pag ini-encourage kong maglaro at tuturuan ko siya, umuurong na. Napailing na lamang ako at nagpasyang bigyan siya ng kaunting overview sa mga heroes. 'Di na kasi talaga siya naglaro after ng dalawang beses niyang subok.


Sinusubuan pa niya ako ng popcorn kasi alam niyang 'di ko magamit ang mga kamay ko dahil abala sa pagpindot.

........

Napatakip ako ng mata nang ipatong ko ang isang braso sa mukha. Napangiti ako nang malungkot. We really did happy memories just like what she wished for.


Most of the time, nagkwewentuhan lang kami ng random things. Lagi niya akong pinagpapasensyahan. Never siyang nagtanim ng sama ng loob sa akin.


Never niyang sinukuan 'yong ugali kong kasuko-suko. Never siyang nang-iwan nang makita niya ang pagkatao kong kalayas-layas.


But there is this one and only thing na pinag-awayan namin na tumagal ng 2 weeks. That was during our third year in college. From inis, naging tampo, nagkasagutan at nauwi sa walang kibuan.


And that is the moment I realized how friendship should really work.


Unbinding Ties of SlothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon