抖阴社区

                                    

Feeling strong independent woman, gano'n.
Napakamot ako sa ulo ko. At huminga ng malalim.


"Don't worry, pwede mong bayaran anytime. Installment basis. What are friends for?"


Napataas ang kilay ko. Dalawang kilay to be exact. Di ako marunong magtaas ng isang kilay lang.

"I don't make friends."

"You need one."

"I don't."

"You do."

"For what?"


"Uutangan, kakausapin, sasamahan, dadamayan-"

Umiling ako.
"I'm fine by myself." Giit ko. Pero mukhang kung madami akong rason, mas madami siyang baon. Ayaw paawat.


"Qoute unqoute John Donne: No man is an island. At dahil mukha kang loner, I volunteer myself to be your company."

"Ayoko sa maingay."

"Ayoko sa madaldal."

"Ayoko sa maarte."
Sunod-sunod kong iling.

"Hala. Ang harsh mo naman. Hindi ako maingay, no! Kaya ko din magpakapanis ng laway like you. Hindi ako madaldal. I only want to ask things about you. Make friends."


" Saka, lalong ;di ako maarte. Huwag mo lang akong pakainin ng okra at ampalaya."

Napatitig ako sa kanya. She spells "trouble". I mean, I have this feeling na 'di niya ako patatahimikin.


"From now on, we're friends. Give it a day or two, we're bestfriends na. So, call me Joya, with a J not G."

Napailing-iling ako. Unang araw pa lang ng school year at nambubulabog na siya sa akin. I want peace. And this Goya is far from being peaceful.


"I need to go." Aalis na ako nang pigilin niya ulitAno na naman?


"Bes! Wait!"
Self-proclaimed, huh.

"Uh. I need your number. Saka address ng bahay mo."


"Why?" Nahiya pa siya. Baka gusto din niyang itanong ang facebook account ko, instagram, twitter at email ad?

Unbinding Ties of SlothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon