抖阴社区

                                    


"Yong utang mo-"


"Mukha ba akong di nagbabayad ng utang?" The last time I checked my face in the mirror, mukhang katiwa-tiwala pa rin naman ako.


Ngumiti siya nang maluwang.
"Siyempre kailangang manigurado. Sa panahon ngayon, 'pag di ka sigurado, talo ka." Madramang saad niya.


Inilahad ko ang palad ko para hingiin ang cellphone niya. Ibinigay naman niya sa akin. I saved my number then handed it back to her.


"Okay na?" Tinatamad kung tanong. Wala talaga akong tiyaga sa pakikipag-usap sa ibang tao.

"Di pa. May fb ka?"

"Wala." Kako para di na siya mag-usisa pa.

"Weh? Lahat ng tao meron no'n."


"Nagtanong ka pa?" Naiiling na lamang ako. Tatalikod na ako nang muli siyang magsalita.

"Selfie tayo. Pruweba."
Ni-ready na niya ang camera sa harap namin. Tinabihan niya ako at ngumiti na siya.

"For?" Kunot-noong tanong ko. Kaya iyon ang nakuha ng camera. Nakatingin at nakaharap ako sa kanya.

Tinawanan niya iyon.
"Para 'pag di ka nagpakita at nagparamdam, maipapahanap kita sa mga pulis."


Baka gusto din niyang humingi ng collateral, ano? Umalis na lang ako. Baka kung ano-ano na naman ang gawin niya. Napahinto ako nang marinig kong magring ang cellphone ko.


Unregisteted number calling...
09451938826


Napalingon ako sa likuran ko. And I saw her with her phone on her right ear, smiling widely. Aba, segurista!


"Just making sure." Sigaw niya sa akin habang nagwe-wave ng kamay.


"See you tomorrow. Ingat ka!" Dagdag pa niya.


Napailing akong muli pero may kaunting ngiti sa mga labi nang nakatalikod na at magsimulang maglakad papunta sa office ng dean of student's affair para mag-inquire ng available student's assistance program.


I never knew meeting her would change a lot of things about me.

.........

Napangiti ako nang maalala ang araw na iyon sa food Court ng BCA.
Sa lugar kung saan kami unang nagkausap pagkatapos naming mag-enroll. Simula noon ay napadalas na ang pagtambay namin sa lugar na iyon para kumain at magpalipas ng oras sa part niya. Ako, para matulog.


Nilisan ko ang lugar na iyon at dumiretso sa faculty room kung saan ako magrereport. Hindi pa kami tapos sa internship namin. One week pa bago matapos at makompleto ang required hour for our OJT.


Two weeks na lang, graduation na ng batch namin. Makakamit na namin ang diplomang pinaghirapan at pinagpuyatan sa loob ng apat na taon. Ipapasa ang BAR exam at magiging ganap na guro.

Sabay kaming mag-aapply sa BCA. Magtuturo ng weekdays at mag-aaral ng weekend for masteral.

I know, Joya's very happy. I just really hope, we graduated earlier and celebrated earlier. Para kahit papaano, kasama ko siyang aakyat sa stage, make some selfies and thank her for everything she had done for me.

Pero lahat ng iyon, mananatiling "sana" na lang.


Unbinding Ties of SlothTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon