Dedicated to:
manunulatjpeg1.) Ipakilala o magsabi tungkol sa iyong sarili:
- Underated writer lang ako na mahilig magsulat ng kung ano-ano.
2.) Kailan ka nagsimulang sumulat o kailan mo nadiskurbre ang iyong talento?
- Nagsimula ako noong June 2017
3.) Saan universe mo napulot ang pen name mo at bakit?
-Diego Manunulat kasi wala lang naisip ko lang 'yon.
4.) Ano ang naramdaman mo noong may magbasa, bumoto o nagkomento sa kwento mo?
- First, masaya kasi kahit hindi naman ako magaling magsulat naglalaan sila ng oras sa mga akda ko. Second, appreciated. And lastly, thankful.
5.) Sino ang pinaghuhugutan o inspirasyon mo sa pagsusulat?
- Pinaghuhugutan ko ay ang mga naging karanasan ko buhay at mga gusto ko sanang mangyari sa akin.
6.) Ano ang ritwal o proseso na ginagawa mo bago magsulat?
- Nag-iisip lang ako ng content, tapos isusulat ko na.
7.) Naranasan mo na ba ang makatanggap ng masasakit na salita o negative comments sa iyong mga kwento?
- Madalas. Part din naman 'yon ng buhay manunulat at paraan din para mas matuto tayo.
8.) Maliban sa pagiging aspiring writer, ano ang pinagkakaabalahan mo o gusto mong maging balang araw?
- Bukod sa pagsusulat, mahilig ako magluto lalo na kapag panghimagas kaya nga pangarap ko balang araw magkaroon ng restaurant.
9.) Sino ang mga idolo mong writers at bakit?
- Ang mga iniidolo kong writers ay mga kapwa ko manunulat sa facebook. Sa kanila kasi ako natuto, nagkaroon ng inspiration na magiging katulad din nila ako.
10.) Kung sakaling mabigyan ka ng pagkakataon (which is posible naman talaga) na ma-publish ang iyong kwento. Alin sa mga kwento mo at bakit?
- Kung titignan niyo ay puro spg stories ang laman ng wp account ko, sa totoo lang wala rin sa isip ko na may maipublish ako.
11.) Listahan ng mga iyong natapos o kasalukuyan pa lamang na sinusulat:
- Puro lang ako one shot, tamad kasi ako kung by chapters. Sa facebook account ko rin puro one shot lang.
12.) Tips/mensahe sa mga kagaya mong aspiring writer o gusto din sumulat.
- Sabi nga nila, write to express not to impress. Mas mapupukaw mo atensyon ng mambabasa kung isusulat mo ang mga bagay na gusto mo talagang ibahagi sa kanila hindi para maimpress mo sila. Don't look for readers, let readers discover you.

YOU ARE READING
Interview With The Aspiring 抖阴社区rs
HumorDo you have a favorite Aspiring author? or are you one of the ultimate fans or readers of an Aspiring writers? If YES...then this is your chance to know your favorite Aspiring writer :)