Nakita kong paakyat pa siya sa building ng 3rd year. Dumila pa siya sa akin. Tsk childish.
"Pag ikaw naabutan ko yari ka sa'kin!" sigaw ko sa kanya. Pinagtinginan ako ng mga nakarinig dahil don. Bwisit na Eli. May mga nabunggo pa 'ko dahil sa pagtakbo. Nakita kong pababa na siya ngayon sa kabilang side ng building. Napahinto siya sa pagbaba ng tumilapon ang cellphone ko. Buong akala ko ay matutuluyan itong bumagsak pero may nakasalo roon.
"Thank God" nasabi ko na lamang. Nagmadali akong pumunta sa kinaroroonan ni Eli. Akmang tatakbo siya ng maabutan ko."Bruha ka talaga ba't mo tinakbo yung cellphone ko ha?Pano kung nabagsak yon? Bwisit ka!" kinurot ko siya sa braso.
"Burara ka kase HAHAHAHAHA!" tumatawang aniya. Hinampas ko siya sa braso.
"Excuse me is this yours?" nahinto ang pagtatalo namin ni Eli dahil sa nagsalita. Napalingon kami parehas. Napatitig kami sa aming kaharap, isang babae na nakangiti. Medyo matangkad siya sa amin na tansta ko ay hanggang tenga niya naman ako. Makapal ang kilay nito ngunit nakaayos, may mapulang labi at katamtamang tangos ng ilong, bagsak din ang kanyang mahabang buhok. At sakto lang din ang pangangatawan niya, hindi mapayat hindi rin mataba. Nakaangat ang kanyang kamay naghihintay na abutin ko ang cellphone. Napatulala ako ng ilang segundo bago ito kunin. Shet, nakakahiya.
"T-thank you po, ate." pasasalamat ko dito. Gagi, bakit nautal pa ako? Nakakahiya. Ngumiti lang ito at pumasok na sa room na nasa harapan namin kasama ang grupo niya.
Naramdaman kong may umalis sa tabi ko. Nakita kong pababa na si Eli.
"Hoy! Hindi pa tayo tapos bwisit kang bruha ka!" sigaw ko sa tumatakbong si Eli. Tumatawa pa rin siya ngunit huminto rin upang hintayin ako. Tiningnan ko siya ng masama, sabay hila ko sa buhok niya dahil sa inis.
"Ahh aray aray! Ano ba!"
"Bwisit ka talaga!"
"Oo na sorry na! HAHAHAHA! Sorry na nga! Ano ba tama na! HAHAHAHA!"
May lakas pa ng loob na tumawa. Bwisit. Naalala ko nanaman na muntik na mahulog yung cellphone ko, tapos natulala pa ako sa harap ni ateng nakasalo. Nakakahiya.
"Huwag mo na ulit gagawin 'yon nakakahiya!" nagpatuloy ako sa paglalakad matapos sabihin yon. Nakasunod lang siya sakin hanggang sa magpangabot na kami.
"Alin don? Yung nagtatakbo ka sa hallway ng 3rd Year? O yung natulala ka sa 3rd Year? HAHAHAHAH!" aniya, nangaasar dahil sa nagawa ko para sa cellphone ko.
"Pareho!" inis kong sagot habang nakatingin sa baba. Bakit ko ba kase tinitigan imbis na kuhanin yung cellphone ko. "Yah!" bigla ay siniko ako ni Eli.
"Ang ganda no?" nangaasar na aniya. Tiningnan ko siya ng masama ngunit tinawanan niya lamang ako.
"Huy gaga, bading ka na?" pang aasar ko sa kanya.
"Ew! May bf ano no!" arte nito.
"Laze ikaw ha, nakita ko 'yon" asar sa'kin ni Sed.
"Wow nandiyan ka pala, hindi mo man lang ako tinulungan kanina."
Inakbayan ako nito. "Uwi na lang tayo, baka nagutom ka kakatakbo." Tumawa silang dalawa. Mga bwisit talaga.
Nakalabas na kami ng gate ng mapansin may nagtitipong mga estudyante sa tapat, sa may bakanteng lote. Dala ng kyuryosidad pumunta kami don. Kinailangan pa namin makisingit upang makita ang nangyayari.
Yung sumapo ng cellphone ko kanina! Nakatayo siya sa harap ng babaeng nakaupo sa damuhan. Dumudugo ang labi niya at namumula ang kanang pisngi. Kasama niya ang kanyang grupo. Wala man lang ninais na lumapit sa kanila. Akmang pupuntahan na siya nung grupo nung babaeng nakaupo sa damuhan ng may biglang pumito dahilan para mataranta ang mga nandoon at nagkanya-kanya ng alis. Kung hindi pa ako hinila ni Eli at Sed ay hindi ako maaalis doon.
Dumiretso kami sa waiting shed sa labas ng school, kunwari naghihintay ng magdadaan na tricycle. Pinapasok ng guard ang apat na nasangkot sa gulo. Nakahawak pa sa pisngi ang lalaking nakasapo ng cellphone ko habang umiiling nakakunot nanaman ang kanyang noo. Napansin ko din ang dalawang lalaking nakauniporme na nakasunod sa kanya. Hindi ko inaasahan na magaangat siya ng tingin dahilan para magkatinginan kami. Agad akong nag iwas ng tingin dahil don. Nilingon ko si Eli na abala sa kanyang cellphone.
"Antagal naman ni Kuya Vic!" naiinip na aniya.
"Kawawa bebe mo gurl" say what? Tinaasan ko ng kilay si Sed dahil sa sinabi niya.
"Hindi mo man lang nilapitan anong klase kang girlfriend? Tsk!" disappointed niyang dugtong.
"The hell Sed! Gagi ka ba?" kinurot ko siya sa braso na agad niya namang naiiwas.
"The hell Sed! nyenyenye. " panggagaya niya pa.
"Ahh ginagaya mo pa ako ha? Bruha ka!"
"Joke lang peace tayo HAHAHAHA!"
"Pero aminin mo ang ganda?"
"Ano ba di ka ba titigil?"
Mabuti na lang ay may dumaan ng tricycle pinara ko ito at sumakay upang makauwi na. Iniwan ko na lang silang dalawa doon na halatang nangaasar pareho base sa mga ngiti nila. Mga bwisit talaga.
Medyo malayo ang bahay namin sa school, kinakailangan magtricycle dahil kapag nilakad mo ay yari na ang unang klase bago ka makarating.
Huminto na ang trycicle sa tapat ng aming bahay. Dalawang palapag ito. Kahoy ang itaas at semento naman ang ibaba. May mga bakod din na nakapalibot sa buong bahay, gawa sa semento. Nagbayad ako pagkatapos ay bumaba na upang makapasok na.
Pagkapasok ko ay naririnig ko ang masalita kong lola na kung ano ano ang mga sinasabi. Wala pa sila mama paniguradong nasa trabaho pa ito pati na rin si papa.
"Wala man lang napupundar puro pampapaarte sa katawan ang binibili imbis na gamit sa bahay!"
"Kaya hindi nakakaipon gastos nang gastos sa walang kwentang bagay!"
Dumiretso na ako sa kwarto upang makapagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng plain black short at puting shirt na may print na davao. Humiga ako para sana umidlip saglit. Napabangon ako ng may marinig na katok sa pinto.
"Hoy Laze? Bumangon ka nga muna at walisan mo yong harapan." si lola. Bumuntong hininga ako at tumulala sandali pagkatapos ay lumabas na ng kwarto, wala na si lola sa pinto. Nagtungo na ako sa harap ng bahay upang magwalis.
Mayroon kasing puno ng mangga sa harapan ng aming bahay at napapalibutan din ng mga halaman kaya maraming tuyong dahon na nakalaglag.
Habang nagwawalis ay biglang pumasok sa isip ko ang mukha ng babaeng nakasapo ng cellphone ko. Mukhang mahilig sa away. Nagpatuloy na lang ako sa pagwawalis. Saktong pagkayari ko ay dumating na sila mama at papa. Sabay sabay na kaming pumasok upang makakain ng hapunan.
"Nawalis mo ba lahat?" si lola. Kalmado na. Nakita kong inabutan siya ng pera ni papa kanina kaya ganiyan. "Yes, Inang. Simot na simo." sagot ko. Kumain na kami at ako na rin ang naghugas ng aming pinagkainan.
Naligo lang ako at nagsuot ng ternong pajamang kulay black. Papunta na ako sa aking kwarto ng nakasalubong ko si papa.
"Nak? May gusto ka bang bilin? Malapit na birthday mo" panimula niya. Alam ko na 'to. Bumabawi siya. Sigurado ako na wala ito sa birthday ko.
"Kahit ano na lang pa." nginitian ko siya pagkatapos ay nagpatuloy sa paglakad, dumiretso na ako sa aking silid at nahiga. Naisipan kong magcellphone bago matulog. Magbabasa muna ako ng wattpad.
Biglang pumasok sa isipan ko si ateng nakasalo ng cellphone ko. Mukhang hindi na siya papasukin dahil mawawarningan na siya. Napailing ako sa naisip ko, bakit iniisip ko yon eh hindi naman ako yung parents niya. Hinayaan ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa hanggang sa dalawin ako ng antok at makatulog.
🍁

YOU ARE READING
When The Two Worlds Collide
Teen FictionLaziana Hope is a college girl who believes that she will never fall in love with a girl. Her life was at peace, but everything changed when Zaila came. Zaila, a girl who said not to love a girl either, Will they be meant to be to each other because...
Uno-cellphone
Start from the beginning