Kinabukasan ay maaga akong nagising, hindi ko na kailangan magmadali sa pag-gayak at pagpasok. Hindi naman kasi ako nagbasa ng wattpad kagabi, maaga akong nakatulog dahil nakipaglaro ako kay Queencess pagkauwi ko noong hapon.
Bumangon ako upang tingnan ang aso. Nang makitang mahimbing pa ang tulog ay nagsimula na akong maghanda ng aking susuotin. Puting blusa, kulay luntian na palda at itim na sapatos. Bumaba muna ako upang makakain ng agahan, naabutan ko ang aming kusina na walang katao-tao. Paniguradong nasa trabaho na ang aking mga magulang, samantalang si lola ay hindi ko alam kung nasaan.
May nakahanda ng pagkain sa lamesa kaya kumain na lang ako. Pagkatapos ay inihanda ko na din ang pagkain ni Queencess. Menudo na may kanin, kumuha din ako ng tubig. Umakyat na ako upang maisalin ito sa kanyang kainan at makapagbihis na.
Isinalin ko ito sa kanyang kainan pagkatapos ay naligo na. Dumiretso na ako sa aking kwarto pagkatapos maligo. Wala kasing sariling banyo ang aking kwarto. Dalawa ang banyo namin mayroon dito sa itaas at sa ibaba ngunit mas madalas gamitin ko ay ang nasa itaas dahil malapit sa aking kwarto.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbibihis ng maalala ang panyong ipinahiram sa akin ni Biggy. Ibabalik ko iyon sa kanya tutal ay nalabhan naman na kaya mabango na ito. Inilagay ko ang panyo sa bulsa ng aking palda. Nag-ayos lang ako ng bahagya at isinama ko pababa ang aso na nasa kulungan pa din pati na rin ang kanyang kainan upang mailagay sa labas ng bahay.
Laging ganoon ang senaryo kapag ako ay may pasok. Ilalabas ko ito at ilalagay sa ilalim ng mangga kung saan nasa harap ng aming bahay. At si lola na ang bahalang mag alaga.
Nadatnan ko si lola sa ilalim ng punong mangga, nagwawalis ng mga laglag na dahon. Inilapag ko doon ang aso at nagpaalam sa kanya pagkatapos ay umalis na para pumasok.
Nasa loob ako ng tricycle nang maalala ko si Eli. Inilabas ko ang cellphone ko at tinext ito.
Ako:
Hoy hintayin mo ko sa gate!
Naghintay ako ng ilang saglit at nagreply na ito.
Eliza:
Sige pag nauna ako. HAHAHAHAH!
Ako:
Ala ka pa ba sa school?
Eliza:
Ala pa.
Ako:
Sige pag nauna ako hinatayin kita pag ikaw ako hinatayin mo?
Malapit na ako sa school isang purok na lang. Medyo matagal bago nakapagreply ulit si Eli.
Eliza:
Sige BIGGY❤
Nanlaki ang mata ko sa reply niya. Seriously Biggy with red heart at capslock?!
Ako:
Bruha!
Malapit na ako at agad kong tinanaw ang waiting shed, walang Eli na naghihintay. Mabagal talaga.
Pagkarating ay nagbayad na ako pagkatapos ay bumaba. Dumiretso ako sa waiting shed para maghintay. Lumipas ang tantsa ko ay limang minuto at wala pa din si Eli. Tiningnan ko ang oras sa aking cellphone. Saktong alas syete na. Tinext ko ulit siya.
Ako:
San ka na?
Agad naman siyang nagreply.
Eliza:
Malapit na!
Hindi nga siya nagsisinungaling paglingon ko sa gawing kanan ay natanaw ko siya sa loob ng tricycle.
YOU ARE READING
When The Two Worlds Collide
Teen FictionLaziana Hope is a college girl who believes that she will never fall in love with a girl. Her life was at peace, but everything changed when Zaila came. Zaila, a girl who said not to love a girl either, Will they be meant to be to each other because...
