"Wow naman kuya! Ang ganda ganda rito sa Thailand! Hala ang laki ng budha oh!" Nagtuturong sabi ni Buboy habang napalakpak. Napatawa naman kami ni nanay sa tinuran niya.
"Oo nga anlaki. Teka, ikaw ba yun Bunsoy? parang magkasize kasi kayo eh." Biro ko na ikinasimangot niya.
Nakababa na kami rito at sumakay ng bus papuntang Atsadang. Hindi pa man kami nakakapaglibot pero makikita mo kaagad ang kagandahan ng paligid. Nagmistulan narin itong Pilipinas dahil sandamakmak na tao ang nagkalat sa bawat sulok.
Kinuha ko ang cellphone sa bag para tawagan si Kuya Khalid.
"Ah K-kuya, si Win po ito. Ako po yung kaibigan ng kapatid niyo, si Rosa. Kahiya-hiya man po, puwede po bang pakisundo kami ngayon sa Atsadang? Nandito na po kasi kami eh. Sorry sa abala."
"No problem. Nasabi narin sa akin ni Rosa na darating kayo ngayon. San ba kayo banda jan? On the way nako eh."
Nagpalinga-linga ako at nakita ang karatula kung saan kami nakatigil.
"Sa 103 Road Avenue. Sa may waiting shed."
"Ah yah yah. I know that. Sige, hintay lang kayo ng 10 minutes."
"Sige po kuya, salamat po." Huling sabi ko bago binaba ang tawag.
Ilang minuto kaming naghintay at may humintong puting kotse sa aming harap. Bumaba ang lalaki na may kaputian ang balat sabay lapit sa amin.
"You must be Win right? I'm Khalid" sabi niya na nakalahad ng kamay sa akin.
Ilang segundo akong nakatunganga pero mabuti na lang ay kinurot ako sa tagiliran ni nanay.
"Win, umayos ka. Huwag ka nga munang kumerengkeng." Bulong niya sa akin dahilan para mapatikhim ako.
"A-ah yes. Ako po si Win. Nice to meet you po Kuya Khalid." Sabi ko naman at nakipagkamay na sa kaniya.
"By the way, ito nga po pala si Nanay Delia pati kapatid ko po, si Buboy."
"Nice to see you po tita, buboy. Oh pano? Let's go muna sa resto para kumain. Tanghali na and i'm sure hindi pa kayo nakain."
Tumango kaming tatlo bago sumakay sa kotse. Papasok na sana ako sa loob pero sinabi niyang sa harap na ako umupo. Shems, bakit parang kinikilig ako. Waahh!
Habang nasa biyahe, tuloy ang aming kuwentuhan. Mabuti't approachable din si Kuya katulad ng kapatid niyang si Rosa. Pero hindi naman siya katulad na kasing hype ng loka kong kaibigan. Kumbaga madalas siya ang nagtatanong sa amin then panay ang ngiti. I wondered kung model ba siya ng mga ngipin kasi amputi-puti tas pantay-pantay pa. Feeling ko ang bango ng hininga niya.
"Ikaw Win, bakit niyo naman napiling manirahan dito?"
"A-ah gusto kasi naming magmigrate from here. New surrounding kumbaga. Suffocate na kasi kami sa polusyon ng Pilipinas eh" tawa-tawa kong banggit sabay kinindatan si nanay para makisakay sa sinabi ko.
Ilang minutong pagbabiyahe ay tumigil kami para kumain. Katulad lang nang kanina, usap-usap lang ang naganap para magkakilanlan. Mahirap daw kasing gumalaw sa iisang bahay kung hindi mo kaclose ang kasama mo.
Tama nga si Rosa, masarapkasama yung kuya niya. Bukod kasi sa mabait, jolly, at palakwento, mapapatitig ka talaga sa kaniya kasi iba yung charismang dala niya. Para siyang all day fresh na masarap amoy-amoyin.
Hayy, eto na naman ako, nagiging pokopokera na naman. Napakalandi talaga ng cells ko!
Pero pass muna ako sa lovelife. Nirerespeto ko kasi yung anim na taon na pinagsamahan namin ni Bright. Hindi na naman ako yung dating sunggab nang sunggab kapag may lumapit. Nabawasan na ng kemerut ang aking kakatihan. HAHAHA
After kumain, bumiyahe ulit kami papunta ng bahay.
Inayos na namin ang aming gamit pagkababa at inalagay ang mga ito sa isang silid. Kasiya na nga kaming tatlo roon sa sobrang laki kaya napagdesisyunan naming hindi na magdalawang kwarto. Hindi pa naman umaabot sa langit ang kakapalan ng mukha ko kaya mahiya-hiya rin pag may time. I'm not abusive type of person noh!
Pagkalabas ko ng banyo, bumungad sa akin sina nanay na nakakangangang natutulog. Napailing ako kaya lumabas muna ng kwarto para hindi sila maistorbo. Nakakapagod din kasi yung mahaba-habang biyahe.
Nadatnan ko si kuya na umiinom ng tubig sa kusina. Linapitan ko ito bago nginitian.
"Ah kuya, salamat po ulit sa pagpapatira. Malaki po talaga yung tinulong niyo sa amin pati si Rosa."
"Nah, ok nga lang. Atsaka kanina ka pa nagpapasalamat, baka lumaki pa 'tong ulo ko sige ka?"
"L-lumaki? Ano pong ulo ang lalaki?"
Bigla akong napatakip ng bibig nang marealize kung ano ang sinabi ko.
Sheett ka Win! Dumali ang kalandian mo!
"Yung ulo ko HAHAHA. Ano bang gusto mong lumaki?"
"A-ah w-wala naman HEHEHE. By the way Kuya, baka naman pwedeng malaman kung may kumpanyang pwede kong pasukan. Kaiilangan ko po kasing magtrabaho eh."
"Yes, nasabi sakin ni Rosa na nagtatrabaho karin sa kumpanyangn pinapasukan niya. Unfortunately, nagresigned ka raw para magmigrate dito right? Don't worry, nang sabihin sakin ng kapatid ko na tulungan kitang maghanap ng trabaho, sinabihan ko kaagad yung boss ko na may ipapasok akong bagong applicant sa kompanya since kulang kami sa tao. So ano, call ka ba this saturday? Ihanda mo lang yung papers mo para wala tayong problema."
"Naku kuya opo! Salamat po talaga!" Hindi na ako nakapagpigil kaya naman niyakap ko siya ng mahigpit. Tuwang-tuwa ako dahil maswerte ako't may mga taong tumutulong sa akin para magkaroon ako ng trabaho.
Tumawa na lamang siya at niyakap narin ako pabalik.
Ito na ang simula.
Ito na ang simula ng pagbabago ko.
End of Chapter 13
_
Ang harot talaga kahit kailan! HAHAHAHAH

BINABASA MO ANG
Apart 2gether ? (UNDER REVISION SOON)
RomanceSabi nila, 'love is blind and one of a kind'. Kakayanin niyong dalawa ang mga pagsubok na darating sa inyong buhay dahil sa may pinanghahawakan kayo-ang pagmamahal. Susunurin ang lahat ng karagatan para mailigtas ka sa mapanlinlang at mapangkutyang...