May open hall sa right-wing ng church kung saan ginaganap ang mga outdoor gatherings. Sa kabilang wing naman ang parking area. May mga member kasi sa church na ito na may dalang sasakyan. But most of them were just typical and ordinary people.
Nasa labas na kami ngayon. Hindi ako nakahindi nang hilain ako ni Shaza doon kasama si Emilia at ang ilang mga kabataang babae.
Samantalang si Kuya Saul ay naiwan sa loob, kasama ang ilang kalalakihan na tila may pinag-uusapan together with their church pastor. While Paco was with the boys or rather with the music team, as Shaza informed me.
They seem to have different roles or designated areas of work. I just realized it upon observing everyone's actions. Ministry ang tawag ni Shaza doon.
And there are different organizations in their church according to age. Like the men, the women, the young people, and the kids na nakita kong tinuturuan nila to sing and dance kanina. It's like everyone has parts to play but acted as one. That's something remarkable, I admit.
"Si Paco lang pala ang makakapagdala sa'yo dito. Kung alam ko lang. Kayo na ba?" Tanong ni Shaza nang medyo naging abala ang mga kasama namin sa pakikipagkwentuhan sa iba.
"Huh? Di naman siya nanliligaw."
"So, 'pag nanligaw ba may chance?" Usisa niya. For a pregnant, she's nosy.
"Ewan." Wala naman akong feelings para sa kanya. Right?
Tinaasan niya ako ng kilay sa sagot ko. Hindi ko talaga alam. Pag may nanligaw ba, kailangan magustuhan mo din? Pag may crush, kailangan magcrushback? Ganoon ba dapat 'yon?
I notice how the girls with me entertain and ushers the guests and newcomers like me. May tatlo pang baguhang kabataang kagaya ko. I think this is their ministry too.
"He didn't tell me he'll bring me here." Saad ko para may mapag-usapan. It's the first time I initiated to open up a topic.
"For a reason, I guess. See? You're here!" She's genuinely happy about this. Para 'yon lang? Mukha namang naintindihan niya ang kalituhan sa mukha ko.
"Either way or another, God will send you someone He can use so you'll get to know Him." Saad niya.
"As for me, God sent you to give that card to me where I can find help. Hindi lang ako nakatagpo ng solusyon sa problema ko. I came to know more about Him and my purpose in this lifetime. Bonus na lang yong ganitong family. And of course, special bonus yong gwapo at caring kong asawa." Mahaba niyang paliwanag.
Hindi ko na maalala kung sino ang nagbigay ng card na iyon sa akin o kung paano iyon napunta sa akin. I just wanted to disregard it kaya ibinigay ko sa kanya since nakatabi ko siya that day.
Then, I've read her mind about her problems. Hindi lang pala nagkataon iyon, maybe God has really made it that way for His greater purpose.
Nagsisimula na akong makumbinsi nang maalala ko ang aking sitwasyon simula pagkabata lalong-lalo na sa nangyari kay Joya. Hindi ko pa rin iyon matatanggap at mauunawaan.
"Next Sunday, ulit?"
"I'll think about it." Bukod sa tinatamad ako, hindi ako sigurado. What for?
Kinukumbinsi niya ako pero panay "titignan ko" ang sagot ko sa kanya. Maya-maya pa ay lumabas na si Paco sa church. Namataan niya agad kami kaya dumiretso siya sa pwesto namin. I can hear a lot of chattering and some giggles around.
"Matagal na daw siyang nagchu-church dito pero nawala daw ng 2 years. Ngayon lang bumalik-"
"One-fourth Thai-Chinese daw 'yan sabi ni ate Emilia."
"Kaya pala ang gwapo ni koya." Pabebeng saad pa no'ng isang kabataang katorse anyos yata. Marami akong naririnig sa paligid ngunit naagaw na niya ang buong atensiyon ko nang makalapit siya sa akin.
"Sorry, natagalan. Okay ka pa?"
Tumango ako. "Uwi na tayo?"
"Gusto mo nang umuwi?"
"Sus! Dito na kayo maglunch. Wala pang uuwi. Ipapasara ko 'yong gate." Pasaring ni Shaza. Napakamot tuloy si Paco sa noo at nahihiyang tumingin sa akin.
"Lunch muna tayo tapos, tuloy na tayo sa lakad natin."
"May date kayo? Saan 'yan?" Interesadong tanong ni Shaza. Hindi tuloy ako nakasagot kay Paco.
♥

BINABASA MO ANG
Unbinding Ties of Sloth
General FictionMETANOIA SERIES 2 [COMPLETED] "No. It's the other way around. Because when God made you, He must have been thinking about me." -Ladyma I am Lady Marionette Romero, as sinful as a sloth. But He unbinds me from the ties of the enemy. DATE STARTED: Jun...
Kabanata 44
Magsimula sa umpisa