Micco's p.o.v
nasa ospital parin ako ngayon habang tinitignan si celestine na parang mahimbing lang na natutulog..
dalawang araw na ang nakalilipas pero ito parin sya..
walang malay..hinawakan ko yung kamay nya na halos walang kabuhay buhay..
naaawa ako habang tinititigan ko sya..
ako yung nasasaktan sa mga tubong nakakabit sakanya..s-sana ako nalang..
sana sakin nalang nangyari lahat nang to..naluha nanaman ako habang pinagmamasdan sya..
pinauwi ko muna yung maid para makapagpahinga rin..
ayaw nya nga sana , pero pinilit ko lang sya..kahapon naman , si christian nag 50/50..
pero ngayon okay na sya..
stable na yung kalagayan nya..
may sapat narin na dugo yung katawan nya kaya hindi kampante na kong makakaligtas sya..
naniniwala ako ...
naniniwala akong mabubuhay at magigising din silang dalawa..si mika naman..
hanggang ngayon pinaghahahanap parin..
pumunta dito kahapon sila tito at daddy para ibalita sakin na umamin na yung mga lalaking nahuli namin..nag file na kami nang kaso sakanila at inaantay nalang namin yung magiging desisyon nang korte kung anong mangyayari sa mga lalaking yon..
si mika naman , pinaghahahanap parin hanggang ngayon ..
hindi na kailangan nang warrant of arrest kapag nahuli sya..makukulong sya at sinisigurado ko yon.
hinding hindi ko sya mapapatawad sa ginawa nya.." c-celestine.. gising ka na.. gusto ko nang makita na nakangiti ka.. "
nakangiti kong sabi sakanya habang tumutulo yung luha ko..
alam kong naririnig nya ko kahit wala syang malay.." eto oh , nagluto ako nang pasta kagabi .. d-diba paborito mo to? "
naiiyak ko pang sabi at saka ko kinuha yung nakalagay sa lunch box na pastang niluto ko kagabi..
kumuha ako nang tinidor at saka ko binuksan yon at sinimulan kong kainin..
" m-medyo matabang nga lang nang konti.. k-kasi kagabi hindi ako m-makapag focus sa pagluluto.. h-hindi ko kayang magtagal sa bahay natin kaya minadali ko to.. "
" mas l-lalo lang akong nalulungkot doon.. "
" bawat parte kasi nang bahay natin lagi kitang nakikita tapos bigla rin mawawala.. "
" hindi ko kayang mawala ka sakin .. "
sabi ko pa bago ko ibaba yung kinakain ko..
halos hindi ko yun malunok..
hinawakan ko yung kamay nya at saka ko sya tinignan..hindi ko alam kung pano ko sasabihin sakanyang wala na yung baby namin pagkagising nya..
kahapon din ay ibinigay na sakin yung jar nang abo nang baby naming dalawa..nanginginig ko lang na kinuha yon at niyakap nang mahigpit..
hindi ko inakalang hahantong sa ganito yung kwento naming dalawa..hindi ko alam kung kaya pa nya kong tanggapin kapag nagising na sya..
napapikit naman ako saglit habang hawak ko yung kamay nya...pagdilat ko..
agad agad kong tinawag yung mga nurse sa labas at nagsisigaw na ko ...
" tulungan nyo ko! yung asawa ko. "
sabi ko sakanila..
dali dali naman silang pumasok sa loob at sinimulang i check si celestine...nag flat line sya..
hindi ko alam kung anong gagawin ko...
pinapanood ko lang sila habang sinasalba yung buhay nya..

BINABASA MO ANG
My Student Teacher is My Accidental Fiancé ( Completed/Book One )
RomanceAng pag-ibig ay dumadating ng hindi inaashan.. Sasaya ka ng Panandalian.. At masasaktan ka ng pang-matagalan. Pipiliin ko na sanang masaktan ng kasama ka.. Pero bakit parang hindi ko ata kaya?