抖阴社区

Kabanata 14: Ang Nag-iisang Dalaga

270 15 1
                                    

[Kabanata 14: Ang Nag-iisang Dalaga]


"Nakarating kaagad ang balita sa iyong ama na nakipag-laban ka sa mga sundalong español."

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ha? Paano nalaman?!"

Ngumiti siya ng pang-iinsulto.

"Amanda?!"

Napalingon ako kay Don Ernesto na nakasakay sa kabayo at bakas na galit na galit ito. Pagka-lapit nya sa amin agad siyang bumaba mula sa kabayo.

"Ano ang nangyari ha? Amanda?! Ano ang nakarating sa akin na nakipag-laban ka sa mga sundalong español?!"- pagalit nyang tanong

"First of all paano nyo nalaman na nakipag-bugbugan ako sa mga sundalong español?"

"Amanda."- saway na bulong sa akin ni Anton

Hindi na nagsalita si Don Ernesto at agad akong hinila.

"Habang tumatanda ka ay tumitigas ang ulo mo!"- sambit nya

Nanggigil ako kaya tinanggal ko ang kamay nya. Napatingin siya sa akin.

"Ano ba?! Wala kayong pakielam sa ginagawa ko! Hindi ko naman kayo tatay kaya wala kayong pakielam!"

*PAAAKKKK*

"Don Ernesto .."- dinig kong mahinang sambit ni Anton

Nabigla ako nang sampalin ako ng sobrang lakas ni Don Ernesto. Natapatigil at para akong naging istatwa habang nakahawak sa kaliwang pisnge ko. Napapikit ako at hindi ko alam pero bakit naaalala ko ngayon ang walang hiyang ama ko?!

"Uuwi na tayo!"- hinila ulit ako ni Don Ernesto pasakay sa kabayo. Wala na akong nagawa kundi mapaiyak nalang.

Pagka-uwi namin sa Hacienda ..

"Pumasok ka sa loob ng iyong silid! Simula ngayon hindi ka lalabas ng Hacienda!"

Napakunot ang noo ko.

"Ano ho bang problema nyo?! Ipinagtanggol ko ang sarili ko mula sa mga sundalong español na 'yon! Kung hindi ko 'yon ginawa sasaktan nila kami."

"Amanda! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na muntikan ka ng mawala sa amin?! Muntik ka ng mamatay at hindi ko mapapatawad ang aking sarili kung may mangyari pang masama muli sa'yo!"

Napatigil ako at napayuko, kusang nahulog ang mga luha sa pisnge ko.

"Iniingatan lang kita, Amanda. Pero kahit na ano ang aming gawin ay tumitigas lamang ang iyong ulo. Simula nang maaksidente ka sa dalampasigan parang hindi na ikaw ang aking nag-iisang anak. N-Nawala na ang A-Amanda na mabait , tahimik at sumusunod sa aming utos bilang kanyang mga magulang."

Napasara ang kamay ko ng mahigpit. Bakit ako tinatamaan sa mga sinasabi nya?! Bakit ako nasasaktan? Isa ka rin , Amanda! Hindi ka lumalabas sa oras na ganito ang sitwasyon!

Tumingin ako kay Don Ernesto ng mabuti sandali at pagkatapos nun pumasok na agad ako sa loob ng silid. Pagkapasok ko bigla na naman tumulo ang luha ko. Napaupo ako sa sahig at napasandal sa pintuan. Ang bigat ng pakiramdam ko. Ayoko siyang pakisamahan eh, ayokong magkaroon ng tatay. Sarili ko ngang ama itinakwil ko tapos sya pakikisamahan ko ng maayos? Ayoko!

A-Ayoko ng masaktan at maramdaman na iiwan lang rin ako pagkatapos ng lahat. Lalo na't hindi naman talaga ako ang anak nya. Ayoko ..

____________________________________

Huling GabiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon