Den: Kaya mo ba?
Aly: Oo naman. Saka para may silbi naman yung abs at muscles ko.
Binuhat na nga ako ni Ly, yung bridal style. Kumapit naman ako sa balikat nya at bahagyang inilapit yung mukha ko sa leeg nya. Syempre, pasimple lang ako para naman hindi nya mahalata.
Hanggang sa makarating kami sa kwarto ng group ko ay buhat pa rin nya ako, sinipa nalang nya yung pinto para maisara ito tapos ay maingat akong ibinaba sa kama na itinuro ko.
Kung siniswerte nga naman talaga ako, wala dito yung mga kagrupo ko at sigurado akong nag e-enjoy sa pagsi swimming yung mga yun kaya mamaya pa sila babalik dito.
Nung mailapag na ako ni Ly ay umupo muna sya sa gilid ng kama tapos ay hinaplos nya yung noo ko.
Aly: Magpahinga ka muna.
Nung tatayo na sana sya ay pinigilan ko sya at saka ako umupo sa kama.
Den: Uhm... Ly, thank you nga pala.
Aly: Basta para sayo.
Den: Dahil sa tinulungan mo ako, bibigyan kita ng prize bilang kapalit.
Kumunot naman ang noo nya dahil sa sinabi ko.
Aly: Prize? Hindi na kailangan yun.
Den: Dali na, alam mo naman na ayaw ko ng may utang na loob. (Pamimilit ko sa kanya.)
Aly: Sige na nga. Ano ba yun?
Den: Kiss mo ako sa cheeks.
Nakita ko naman na napalaki bigla yung mata nya, halatang nagulat sya sa sinabi ko.
Den: Ano Ly, ayaw mo ba?
Aly: Si... Sigurado ka?
Den: Oo naman. Dali na.
Medyo matagal bago nya inilapit yung mukha nya sa akin. Nung makita ko sa peripheral vision ko na malapit na yung lips nya sa pisngi ko ay nagsalita ako.
Den: Ang tagal naman.
Tapos ay agad akong humarap sa kanya, At...
*TSUP*
Nagdampi yung lips namin. Halatang nagulat sya sa nangyari kaya kunwari ay nagulat na rin ako.
Aly: Ah... Eh... So... Sorry. Si... Sige, alis na ako.
Utal-utal nyang sabi saka mabilis na tumayo at lumabas ng kwarto.
Pagkaalis na pagkaalis palang ni Ly ay agad na akong tumaob sa kama at isinubsob yung mukha ko sa unan sabay tili habang pumapadyak padyak pa yung mga paa ko.
Bumangon na agad ako at nagpalit ng shorts dahil nabasa ito ng juice kanina.
Kinuha ko yung dlsr ko na nakapatong sa kama at tiningnan yung picture ni Aly.
Grabeng kahihiyan ang inabot ko kanina pero okay lang dahil bawing bawi na. Sure naman ako na hindi ipagsasabi ni Aly yung about sa kiss dahil ayaw nun na pinag chi chismisan ako.
Medyo napagod din ako sa activity namin kanina kaya natulog muna ako.
~
Naramdaman ko na parang may nanggigising sa akin kaya napadilat ako. Si Ella lang pala.
Den: Besh? Bakit?
Ella: Besh, gabi na. Dinner time na, ikaw nalang ang hinihintay.
Bumangon na ako at napuna ko na wala pala dito yung groupmates namin.
Den: Nasaan yung iba?
Ella: Nasa resto na, ikaw nalang ang kulang.
Nag ayos na ako tapos ay sabay na kaming lumabas ni Ella sa kwarto.

BINABASA MO ANG
I LOVED YOU FIRST by Colt
FanfictionRe-publishing this story due to the request of the previous owner's followers
Chapter 9
Magsimula sa umpisa