Pagdating namin sa resto ay agad na nahagip ng mata ko si Alyssa. Nakaramdam na naman ako ng inis dahil katabi nanaman nya si Axel tapos ay nagkukulitan at nagtatawanan pa sila habang kumain.
Adik ba tong Axel nato!? Hindi man lang na nya naisip na pwedeng mabulunan si Ly dahil sa ginagawa nya.
Ayaw ko ng mas maasar pa kaya hinila ko na si Ella para kumuha ng pagkain. Habang kumukuha ako ng food ay napuna ko na nakatayo lang si Ella sa tabi ko at ni walang hawak na plato.
Den: Besh, hindi kaba kakain? Bakit hindi ka kumukuhan ng food?
Ella: Uhm... Meron na kasi ako. Nasa table na natin, kinuhaan na ako ni Mae.
Nginitian ko naman sya ng nakakaloko dahil sa sinabi nya.
Ella: What's with that creepy smile of yours?
Den: Ikaw ha. Napupuna ko na sobrang attached na kayo ni Mae sa isa't isa.
Ella: Ano bang pinagsasabi mo? Purket close, may something na agad?
Den: Eh hindi naman kasi kayo ganyan dati.
Ella: Wala naman sigurong masama kung ceasefire muna, diba?
Den: Ceasefire lang ba talaga?... Baka naman may hindi ka sinasabi sa akin about sa inyo ni Mae.
Ella: Wala no... Tama na nga tong usapan nato. Bilisan mo ng kumuha ng pagkain dahil nagugutom na ako.
Hindi na ako sumagot at kumuha nalang ako ng pagkain tapos ay pumunta na kami sa table kung nasaan yung mga kagrupo namin. Agad namang tumabi si Ella kay Mae, ako naman ay umupo sa tabi ni Amy, bale napapagitnaan nila ako ni Ella.
Habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang mapatingin kay Mae at Ella. Paano ba naman, nag-uusap sila habang kumain at para silang may sariling mundo.
Pati si Amy ay napapailing nalang din kapag nakikita nya kung paano mag-usap at mag ngitian yung dalawa.
Gusto ko sanang tingnan si Aly kaso nasa bandang likuran ko yung table nila. At dahil wala naman kaming ibang pwedeng gawin ay nag focus nalang ako sa pagkain.
After nung dinner ay nagsibalikan na agad kaming lahat sa mga kwarto namin.
< Alyssa's P.O.V >
Cyd: Akala ko pa naman, tapos na. Yun pala, tayo rin ang maghuhugas ng pinggan.
Nandito kami ngayon sa kitchen, at nililinis yung mga pinagkainan namin kanina. Nasa labas naman yung mga boys at nagliligpit ng mga kalat.
Ang akala namin ay tapos na yung consequence pero kami din pala ang maghuhugas ng pinggan.
Ara: Okay lang yan. Ngayon lang naman to, bukas naman hindi na natin to gagawin.
Aeriel: Basta, gagalingan ko na sa activity natin bukas para wala ng parusa.
Justine: Dapat lang talagang bumawi tayo sa next activity. Baka sa susunod, hindi lang ito yung maisip na consequence ng mga coaches natin.
Cienne: Talagang nagkakaisa kayo para makaligtas sa parusa? Ayos ah...
Marge: Unity in diversity lang ang peg?
Aly: Basta ako, ayaw ko na rin maglinis bukas kaya dapat galingan natin sa activity.
Mich: Sana naman hindi na ganun kahirap yung activity natin bukas.
"Haaaay....." -Sabay sabay na singhal naming lahat.
Nung matapos kami sa mga gawain namin ay nagsibalikan na rin kami sa kwarto namin.

BINABASA MO ANG
I LOVED YOU FIRST by Colt
FanfictionRe-publishing this story due to the request of the previous owner's followers
Chapter 9
Magsimula sa umpisa