抖阴社区

Chapter 17: Asul na Rosas

Magsimula sa umpisa
                                    

"And like them, may mga estudyante rin na nawawala."

Agad akong napakunot sa sinabi niya.

"Hindi sila sa dorm umuuwi.."

"W-Who are they?" Kinabahan ako sa posible kong marinig na mga pangalan.. Oh no.. Not that kid..

"Amelia Cortes, Nathalie Ramos, Yassi Dizon, Arrien Syedel Austero, and Laynah Hudson."

Nanigas ako sa aking kinauupuan. Arrien Syedel Austero.. Si Asy.. At Laynah Hudson.. Maging si Laynah ay nawawala rin?

Oh hell..

Hindi pa man ako nakakapagreact sa mga nalaman ay biglang bumukas ang pinto at isang hinihingal na estudyante ang may gawa non.

"Sir! Natagpuan na si Amelia!" Wika ng humahangos na babae. Nanginginig pa ito at parang naiiyak. Agad akong napatayo maging si Sir.. Ngunit natigilan kami ulit ng magsalitang muli ang estudyante. "P-Pinatay po siya.. Sir.."

Nagkatinginan kami ni Sir dahil sa narinig. Mas lalo akong kinabahan.

Nagmadali naming pinuntahan kung saan natagpuan ang sinasabi nilang Amelia Cortes at sa lilim ito ng isang puno sa likod ng isang building ng Ertha Academy. Wala na itong buhay at makikita ang sakit nitong nadama sa kanyang mukha.

May malaki itong sugat sa may dibdib kung saan matatagpuan ang puso niya. Lumapit kami ni Sir at sinuri ang bangkay.

Halos masuka ako ng makita ito sa malapitan. Kitang kita ko kasi ang bawat laman nito sa kanyang dibdib. Para siyang sinaksak ng isang dagger at tila pinilipit pa ito ng may gawa nito sa kanya. Brutal.

Isa lang ang sumagi sa isip ko.

Autotrophs.

Pinagmasdan ko na lamang ang paligid habang hindi naman ako mapakali. Laging sumasagi sa isip ko sina Asy, Laynah, Izen at pati na rin si Desire.

Damn that Autotrophs! 'Wag na wag nilang gagalawin ang mga kaibigan ko!

Napatingin ako sa aking inaapakan ng may mapansin akong papel. Isang pamilyar na papel..

"D-Dorn.." Basa ko sa isang printed text na nakasulat sa maliit na pirasong papel na ito.

Agad kong napatingin sa bangkay ng biktima at ng magawi ang tingin ko sa kamay nito, I saw what I was looking for.

A Blue Rose petal.

"Blue Rose. Siya ang may gawa nito.." 'Yon ang naibulalas ko.

Tumango naman si Sir.

"We have to capture that blue rose as soon as possible." Nakita kong napakuyom ang kamao ni Sir Harris.

Ganon rin ang gusto kong gawin.. Ang malaman kung sino si Blue Rose bago pa man niya magalaw ang iba pang nawawalang estudyante.

"Sir." Biglang may nagsalita sa walkie talkie ni Sir Harris. "Natagpuan na namin si Nathalie Ramos."

Again, muling nanumbalik ang kaba sa aking dibdib. Don't tell me..

"She was stabbed on her chest. And she's no longer breathing."

Damn.

❄❄❄

Muli kong natagpuan ang sarili sa lilim ng isang puno. This time, sa may tabi ito ng gymnasium. Medyo gilid na rin ng school campus at bihira ang tao rito. There's a corpes again lying on the ground with a stabbed wounds on her chest.

This time, It was Yassi Dizon. The first corpes was Amelia's. Sa likod iyon ng Grade 10 building. The second was Nathalie Ramos. Sa lilim ng isang kahoy namin siya muling natagpuan, sa tabi ng Auditorium.

Lahat ng estudyante ay pinapasok sa loob ng kani-kanilang silid, pwera sa akin. Kasama ko lamang lagi si Sir Harris.

"Puntahan niyo lahat ng mga kahoy sa buong Ertha." Utos ni Sir Harris.

Iyon rin ang napansin ko, sa lilim ng kahoy namin nakikita ang mga bangkay.

"It was nine in the morning when we saw Amelia's corpes. Mainit pa ang bangkay niya at hindi pa nagsisimula ang rigor mortis." Bulalas ni Sir habang isinusulat iyon sa isang maliot na kwaderno. Ako nama'y pinagtabi-tabi ko ang mga petal ng rosas na kulay asul pati na rin ang tatlong kapiraso ng papel.

"9:15 natin natagpuan ang bangkay ni Nathalie Sir. Gaya ni Amelia, mainit pa ang katawan niya." Wika ko naman.

Sana mahanap na sila Asy.. Na humihinga pa. Damn. Kailangan ko ng clue kung sino si Blue Rose.

Biglang humangin ng malakas kaya biglang nailipad ang isa sa mga piraso ng papel. Agad ko yong inagapang kunin at dahil sa nangyari, napansin kong may mga nakaprint pa na letra sa likod nito.

XT

Agad na kumunot ang noo ko. Ano naman ang ibig sabihin ng XT?

Tiningnan ko pa ang likod ng dalawa pang papel at tiningnan ko ang likod nito.

IS

Iyon ang letra sa isa habang sa isa naman ay..

NE

Ano ang nais mong sabihin, Blue Rose?

"9:35 am ng matagpuan natin si Yassi Dizon. 15 minutes after natin makita si Amelia, natagpuan natin ang bangkay ni Nathalie. After 20 minutes ng makita natin si Nathalie, si Yassi naman ang nahanap natin. May sinusunod na patern ang blue rose na'to bago niya patayin ang mga nawawalang estudyante. Kung tama ang hinala ko, 25 minutes from now, papatay na naman siya. We have to corner that Autotrophs." Wika ni Sir.

Kung tama nga si Sir, at exact 10 in the morning, may papatayin na naman ang blue rose na 'yon.

Amelia, Nathalie, and Yassi. Natagpuan na namin ang tatlo sa mga nawawalang estudyante. Apat na lamang ang hindi pa namin natatagpuan..

Si Asy, Laynah, Izen, at Desire.

Damn. Kailangan na kitang macorner Blue Rose bago mo pa sila masaktan.

"Sir.. We have a situation here."

Agad akong napabaling sa walkie talkie ni Sir ng may magsalita na naman mula roon. Kaba ang nanaig sakin. May nakita na naman ba silang bangkay? Pero tatlong minuto pa lang ang nakalipas mula ng matagpuan namin ang bangkay ni Yassi. Kung ganon ay mali si Sir?

"Your Daughter.."

Halos atakihin ako sa puso dahil sa Narinig..

Si Desire??

We last saw her with Izen! Damn! Don't tell me, natagpuan na rin siya at wala ng buhay?!

❄❄❄

Code: ICE (Code Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon