Chapter 25:
MeddlingIZEN CARAMEL
"ICE"Isang suntok..
Pangalawa..
Pangatlo..
Pang-apat..
Pang-lima..
Sipa pakanan.. Sipa pakaliwa..
Magtambling gamit ang isang kamay lamang..
"Yaaahh!" Sigaw ko sa huli kong pinakawalang suntok. Tumilapon ang dummy na kinakalaban ko dahil sa pwersang pinakawalan ko.
"What a stubborn kid."
Hingal na hingal akong bumaling sa kung sino mang nagsalita. Narito ako sa silid ensayuhan dito sa mansyon at nagpasyang mag-ensayo kahit pa hindi pa tuluyang gumagaling ang aking kanang kamay.
"Shut up and get out." Wika ko sa asungot na bigla na lamang sumulpot dito sa silid. Malalim na ang gabi kaya bakit buhay pa ito, este bakit gising pa ang asungot na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan.
"Aw.. lagi na lang bang ang mga katagang iyan ang maririnig ko sayo, Prinsesa?"
Isa pang tawag niya sakin ng prinsesa ay babatuhin ko na siya ng dagger ko! Ugh.
"Kung gusto mong makalabas pa ng buhay dito ay tumigil ka sa kakadada at umalis na. Leave me alone!" Singhal ko't sabay suntok sa isang dummy na malapit sa akin.
"Woah. Ang haba ng sinabi mo pero pareho lang ang gustong iparating. Ngunit paumanhin, hindi ko masusunod ang iyong hiling dahil inutusan ako ng iyong ama na huwag kang lubayan tuwing lumalabas ka ng kwarto mo."
Napapikit na lang ako ng mariin dahil sa sobrang inis. Damn.. Mas mahihirapan pala ako dito sa Mansyon na ito. Dapat pala ay nanatili na lang ako kay Mama.
Dahil sa naisip ay naalala ko si Mama. Ano na kayang ginagawa niya?
Lalapit sana sa akin ang asungot ngunit natigil siya't napahawak sa kanyang tainga. Siguradong may nagbibigay ng utos sa kanya. Walang ibang nagbibigay utos sa lalaking ito ay si Trevor lamang kaya napaisip ako kung bakit gising pa ang magaling kong ama.
"Masusunod, master."
Napa-taas ang isa kong kilay.. Master? At kailan pa nagkaroon ng estudyante si Trevor?
Bumaling sa akin ang asungot.
"I have to go. 'Wag kang aalis dito, babalikan kita." Aniya sabay kindat pa sa akin.
I rolled my eyes at sinuntok muli ang dummy.
"Get out." Wika ko na lamang ulit.
Naramdaman ko ang pag-bukas at sarado ng pinto, hudyat na lumabas na siya ng silid. Napahinga ako ng maluwag at napatigil sa pagsuntok sa dummy.
Autotrophs ang lalaking iyon, sigurado ako doon.
Agad akong nagbihis at sinundan ng palihim ang asungot. Nakita ko syang pumasok sa loob ng opisina ni Trevor kaya pumasok ako sa isang pinto na maliit kung saan dumadaan ang mga tagapagsilbi rito. Binuksan ko bahagya ang pintong kumukonekta sa opisina at sa kung na saan man ako kaya narinig ako kanilang pag-uusap.
"Sigurado po ba kayong si Snow Harris iyon, Master?" Tanong ng asungot kay Trevor. Nasa harap siya ni Trevor habang ang ama ko'y nakatalikod sa kanya. Nakaharap siya sa malaking bintana, tinatanaw ang mga bitwin sa langit habang umiinom ng wine.
Teka nga, Sino daw?
"Nakita mismo ng dalawa kong mata ang palatandaan na iyon sa anak ng commander ng Solar, noon. Kaya nakasisiguro akong isang Harris nga ang babaeng iyon."

BINABASA MO ANG
Code: ICE (Code Series #1)
Mystery / Thriller[COMPLETED] "MPWF JT OPU BO JDF UIBU DBO CF NFMUFE" ~ICE Numbers.. Symbols.. Codes.. That's what she always face everyday. Being a member of an organization who did so many crimes on their city isn't a joke. A hacker, and a spy. That's her mission...