Eris
"Super excited na ko ate buti naman naisipan mong isama ako" tuwang tuwa si Angelo dahil isasama ko sya sa bataan, yung sinasabi ni Thy na resort ay don din kami pupunta hindi ko nalang pinaalam kay Thy na dun din kami nagyaya kasi bigla si JC na mag beach sakto namang sumagi yun sa isip ko sa pagkakaalam ko ay nandon na sina Thy dahil friday night sila umalis ngayon ay sabado na ng umaga.
"Syempre kasama din natin si Joji at Martina" sumama din sila syempre hindi talaga papahuli
"Hun tara na?" saktong dumating na din si JC nag arkila pa sya ng sasakyan para samin dahil motor lang naman ang sasakyan nya alangang doon kaming lahat
May kasamang driver dahil hindi naman marunong magdrive si JC ng four wheelers na sasakyan
"Hi mga sis super excited na ko" dinumog pa ko ni Martina at Joji magkaklase kami nung college at hanggang ngayon ay close pa rin kaming tatlo
"Miss na kita sis bigla nalang kayong nawala ni Thy after nung last day" hay nako yung ate nya ay madaling araw palang ay hinatid na namin sa airport dun sa private plane nila puyat na puyat tuloy kaming parehas ni Thy lalo sya dahil naginom inom pa
"Nagmamadali kasi si Thania" pinaggitnaan nila ko sa upuan habang si Angelo ay nasa likuran nasa harapan naman si JC alam kong magdudumaldal na naman silang dalawa sakin
"Sino si Thania?" oo nga pala iba nga pala ang location ni Joji non
"Ate ni Thy grabe sobrang hot pero Thy is more than hotter nagbabaga" kita pa ang paghanga sa mata ni Martina samantalang nung nasa baguio kami ay wagas makakain pag libre
"Hoy hoy akin na si Thy" pagaawat ni Joji sa pagdday dream ni Martina
"Hindi ko naman inaagaw pero pwede din" at nagsimula na silang mag agawan
"Hun gusto mong magdrive thru muna?" pagsingit ni JC kaya natahimik ang dalawa
"Ako gusto ko jollibee kuya JC" natawa si JC dahil sa pagsingit ng kapatid ko mula sa likod
"Sige hun kahit ano" pagsagot ko sa kanya kahit kailan ay napakamaalalahanin nya kahit hindi kami gaano nagkikita ay lagi akong pinapaalalahanan sa lahat
After namin kumain ay pumwesto ako para matulog maaga kasi akong nagising para sa mga baon naming pagkain sa sunday ng gabi kasi kami uuwi naghanda ng pagkain ni Nanay para daw di na kami gagastos pa ng malaki.
"Hun dito na tayo" unti unti kong minulat ang mata ko at ang poging mukha ni JC ang sumalubong sakin kaya napangiti ako
"Baka matunaw naman ako nyan hun ano tara na? Nakalabas na sila" napansin kong kaming dalawa na nga lang ang tao dito pati gamit namin ay wala na din
"Dun tayo hun oh" turo ni JC sa isang parang room cottage pumasok ako sa isang room at nandon ang gamit ko pati ang gamit ni Martina at Joji masyadong conservative ang pamilya namin para makasama kong matulog si JC sa pitong taon naming magkarelasyon ay di pa namin naranasan ang matulog sa iisang higaan
"Hun baba muna ko ah I love you" paglalambing ni JC agad ko naman syang tinugunan naligo muna ako at nagbihis ng isang white shorts at black na sando bago sumunod bumaba para makapagayos na din.
Nasa hagdan ko ay naririnig ko na ang tawanan at ingay mula dito mukhang hindi lang si Joji at Martina ang tawang yon
"Oh nandito na pala si Eris eh" sabi ni Joji kaya napatingin ako sa gawi nila
Medyo nagulat ako ng salubungin ng mata ko ang mata ni Thy, si Thy na ngayon ay nakasmirk sakin
"Hun di mo naman sinabing nandito ang mga studyante mo sana dinamihan natin ang pagkain" sabi ni JC
