抖阴社区

                                    

Aly: Opo. Sa saturday po.

Dad: Diba may nililigawan yun na artista? Bakit makikipag date pa sayo?

Aly: Friendly date lang naman po yun.

Dad: Maski friendly o ano man yan, date pa rin yun. Ayaw ko lang na sa huli, eh ikaw yung madehado.

Aly: Dad hindi naman po mangyayari yun, magkaibigan lang naman po kami.

Dad: Mabuti na yung malinaw. Sya nga pala, bakit ba hindi kona nakikita si Axel? Taon na rin mula nung huli syang pumunta dito.

Aly: Busy lang po sya ngayon saka nagkasama po kami sa retreat.

Dad: Kamusta na sya?

Aly: Okay naman po.

Dad: Alam mo, gusto ko yung bata na yun para sayo. Mabait sya at may respeto sayo.

Aly: Uhm... Dad, sige po. Pupunta na po ako sa kwarto ko. (Pag-iiba ko ng usapan.)

Dad: Sige, at nang makapag pahinga kana rin. Siguradong napagod ka sa byahe. Tatawagin nalang kita kapag tapos ng magluto ang mommy mo.

Pagkasabi nya nun ay agad akong tumayo at pumunta sa kwarto ko.

Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin kay Dad yung tungkol kay Axel, lalo na yung tungkol kay Dennise.

Hindi naman sa takot ako kay daddy, sadyang mataas lang ang respeto ko sa kanya. Pero at the same time ay may takot din akong nararamdaman. Takot sa kung anong pwedeng mangyayari kapag nalaman nya na yung paborito nya'ng anak, yung unika ija nya ay na inlove sa hindi dapat.

Mga 30 minutes din akong lutang bago ako tawagin para kumain. 

< Dennise P.O.V >

Kakarating lang namin ni Luie dito sa tapat ng bahay namin, inihatid nya kasi ako. Sinabi ko na rin sa kanya na makikipaghiwalay na ako. Kasalukuyan kaming nasa tapat ng gate.

Luie: WHAT?! YOU'RE BREAKING UP WITH ME?!

Den: Luie low down your voice. ( Sabi ko sa kanya dahil nakakahiya sa mga kapit bahay.)

Luie: NO! Hindi ako papayag!

Den: Ako yung babae kaya ako ang masusunod, and besides maayos naman akong nakikipaghiwalay sayo ah...

Luie: Kapag sinabi kong ayaw ko, ayoko! Hindi ako papayag! Hindi ka makikipaghiwalay sa akin!.

Magsasalita na sana ako nung biglang bumukas yung gate namin at lumabas mula sa loob ng bahay yung parents ko.

Dad: Dennise?, Anung nangyayari dito?

Mom: Bakit ba dito kayo sa labas nag-aaway? Pumasok nga muna kayo sa loob, doon kayo mag usap. Nakakahiya sa mga kapitbahay.

Den: No need mum, tapos na po yung usapan namin.

Luie: What?! Sinabi ko na sayo na hindi ako pumapayag. (Hindi na masyadong malakas yung boses nya pero nandoon pa rin ang galit sa tano nya.)

Dad: Ano bang nangyayari? Ano ba yang pinag-aawayan nyo?

Den: I just tell him that we're over.

Luie: At hindi ako pumapayag don. (Galit nyang sabi.)

Dad: Luie, naiintindihan ko kung ayaw mong makipaghiwalay pero you should accept my daughter's decision.

Luie: Malamang kakampihan nyo sya. Anak nyo sya eh!.

Dad: Wag na wag mo akong pagtataasan ng boses sa sarili kong bahay. (Galit na sabi ni dad sa kanya.) You can leave now.

Tumingin muna sa akin si Luie bago sya maglakad pabalik sa kotse nya, nung makasakay na sya ay agad nya itong pinaandar.

I LOVED YOU FIRST by ColtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon