抖阴社区

CHAPTER 17

25.3K 1.1K 251
                                    

Chapter 17: Truth

Rue



NAPATIGIL ang lahat ng makita kaming dalawa ni Gavin. Sino ba naman ang hindi magtataka? Inis na inis siya sa 'kin na ayaw ngang maski mapalapit man lang tapos ito. He's carrying me in a bridal's way while I'm holding my bleeding hand.

Tang na juice! Hindi ako handa! Hindi ko naman kasi inasahan na tatabigin niya ako ng gano'n ka lakas. Kapag-anak niya 'ata si Superman at Hulk.

Pinaupo niya ako sa teacher's table. Nagtalo pa kami kung saan niya ako iuupo. Baliw rin 'tong si Gavin. Kanina inis na inis ngayon sobrang nag-aalala na ewan. Hindi ko siya ma gets. Punyeta!

"Anong nangyari kay Rue?"

"Bakit dumudugo ang kamay niya?"

"May nakaaway kayo?"

"Star section ba?"

Mabilis akong napailing nang binanggit nila ang Star Section. Nagsilapitan silang lahat at hindi maipinta ang mukha. Seryoso lang silang nakatitig sa kamay kong dumudugo pa rin.

"Nag-aalala kayo noh?" Pinataas-baba ko ang dalawang kilay at ngumisi sa kanilang lahat. Pati si Hiro at Zinnon at nakiusyoso na rin.

"Hindi ah!"

"Asa ka!"

"Libreng managinip Rue,"

Marami pa silang pinagsasabi at hindi ko na 'yon narinig pa. Pagkasabi nilang 'yon ay agad na pumunta sila sa sari-sarili nilang upuan.

Ah gano'n ah? Let's see kung nag-aalala nga talaga kayo.

"Arayyyyyy! Ang sakit! Grabe! Mauubusan na ata ako ng dugo!" Umiiyak ako habang nagdadrama sa ibabaw ng teacher's table.

Bakit ko nagagawa 'tong kalokohang 'to sa harap nilang lahat para lang mapatunayan na concern sila sa 'kin? Ibang klase ka, Rue!

"Tang*na na saan si Chielo?"

"Nandoon sa second floor, natutulog,"

"Na saan ang bag no'n? Boyscout 'yon!"

"Oo nga pala! Kompleto 'yung gunggong na iyon. Halos lahat ng gamit dala niya."

"Gago! Kamag*anak kasi 'yon ni Dora!"

Ewan ko ba pero natatawa ako sa mga reaksiyon at pinag-uusapan nila tungkol kay Cielo. Nagkakagulo na sila kahahanap ng bag ni Cielo. 'Yong iba pinuntahan siya roon sa second floor.

Nagulat ako ng sumulpot si Zinnon dala ang isang palanggana. Sa likod niya ay naroon si Hiro, may dala-dalang tubig. Kunot-noo ko silang sinundan ng tingin nang ilapag nila ang hawak sa inuupuan ko.

"What's that?" Tinuro ko gamit ang dumudugong kamay ang palanggana at tubig at taka silang tiningnan.

"Ano bang nakikita mo?" seryoso man ang pagkakasabi ni Zinnon no'n ay parang pabalang ang pamamaraan.

Nagsalubong ang kilay ko sa nakuhang sagot mula sa kanya kaya nilingon ko si Hiro, naghahanap ng sagot.

"Rue, isn't it obvious?" inosenteng wika ni Hiro at tinuro ang palanggana't tubig.

"Ewan ko sa inyo! Nagtatanong nga ang tao. Kausapin niyo 'yung white board diyan!" inis kong sagot sa kanila.

"Correction. You are not a human. You're a monkey!" Sino pa nga ba ang nagsabi no'n? E 'di ang demonyong Z.

Babatuhin ko sana siya ng palangganang nasa tabi ko kaso nag-iba ang isip ko. Huwag na lang pala. Halos patayin na ako ng tingin e. Baka biglang resbakan ng ibang mga alagad niya. Palibhasa kasi kampon ni satanas.

Me and the Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon