抖阴社区

                                    

"Eto na ang bag ni Ceilo!"

"Akala ko kay Brent ang bag na 'yan!"

"P*ta bilisan niyo nga!"

"Mauubusan na ng dugo si Rue!"

"Ahh. . . ganiyan pala ang ginagawa ng mga hindi concern?" I teasingly said.

Ganito na ang sitwasyon ko pero nakuha ko pang mangbuwisit sa kanila ha? Iba ka na talaga, Rue!

Pumasok na si Cielo at kunot-noong tinapunan ako ng tingin. Alam kong naistorbo ng mga loko ang magandang tulog niya ro'n sa second floor. Walang duda! Sapilitan siyang ibinaba rito. Nakatatawa kasi 'yong pagmumukha niya.

Parang hindi naplantsa ang uniform niya ng ilang buwan, gulo-gulo rin ang buhok at wala sa usual na ayos no'n. Siya kasi 'yong tipo na lalaki na kapag hindi maayos ang buhok ay hindi aalis sa harap ng salamin.

Parang babae lang!

"Tang*na napaano raw si Rue?" His expression change in just a snapped.

Nanlaki ang mata niya ng mapatingin sa kamay ko. Agad siyang kumilos at kinuha ang bag. Nilabas niya isa-isa ang mga laman no'n.

Martilyo, lubid, flashlight, kutsilyo, screwdriver, at iba pa. Sa huli ay nilabas niya ang cotton balls, betadine, alcohol at benda.

Kamag-anak nga niya talaga si Dora, walang duda.

"Oh diba kompleto!"

"Bilib na talaga ako sa 'yo pareng Cielo,"

"Life saver ang gago!"

"Dalian mo. Mauubusan ng dugo si Rue!"

"Ahh. . . halata nga 'no? Ganyan nga ang hindi concern 'no?" Napatawa ako dahil do'n.

"Asa!"

"Libreng mangarap, Rue!"

"Hindi kami concern ah!"

"Aray! Ang sakit!" I jokingly said.

Nagkagulo ulit sila at minamadali si Cielo. Ang weird talaga nung bag niya. Ewan ko ba bakit ganyan ang mga laman ng bag niyan. Nagkasya ba naman ang lahat?

"Akin na kamay mo," sino pa ba ang nagsabi no'n? Edi si Z. Pumunta si Zinnon sa harap ko at nilahad pa ang kamay.

"Ha?" sagot ko.

"Slow. Akin na kamay mo. Ako na ang gagamot," singhal niya.

Kita mo 'to. Tutulong na nga lang pagalit pa.

"Ayoko nga! Baka mas lalong lumala 'to at huwag gumaling! Gusto ko si Cielo ang gumamot nito." Nilayo ko ang braso sa kaniya.

"Tsk!" asik nito at umalis na lang ng walang pasabi. Ay agad?

Sungit nito?

Kunot-noo kong tiningnan ang pintong nilabasan niya. May lahi ring abnoy ang demonyong Zinnon na 'to.

Sinumulan nang linisin ni Cielo ang sugat ko. Ang oa nilang lahat, dalhin na raw ako sa hospital para matahi ang sugat ko, 3 inch lang naman ang sugat ah?Ang liit kaya. Nasa wrist ko lang naman 'yon.

Magmumukha akong si wonder woman nito kapag nabendahan na. Lagyan ko rin kaya sa kabila? Para karer na karer rawr!

"Dapat in-accept mo 'yong offer niya Rue." Biglang sabi ni Cielo habang binebendahan na ako.

"Ha? Eh? Ano?" para akong bangag sa sagot ko.

"Knowing, Z, once in a blue moon lang 'yon mag-alok ng tulong sa isang babae. You should accept his help a while ago," saad ni Hiro at umiling-iling pa habang tinitingnan ako.

"Yup, Rue, kaya dapat grab the oppurtunity kung ayaw mong magalit siya," wika ni Owen habang natatawa.

"Nga pala, bakit ka marunong nito, Cielo?" pag-iiba ko ng usapan.

"Ah ito?"

"Ay hindi. 'Yon," pabalang kong sagot pero tumawa lang siya.

Happy pill mo 'ko?

"Gusto ko kasing magdoctor." Lumungkot na lang ang ekspreyon niya ng ganoon kabilis ng mabanggit ang pangarap.

"E cdi 'yon ang kunin mo." Ngumiti ako sa kanya.

"But my parents want me to take business ads," tumigil siya sa pagsasalita, binebendahan pa rin nito ang kamay ko at patapos na 'yon. Kita sa mga mata nito na parang nag-aalinlangan kung sasabihin pa ang kasunod pero sinabi niya pa rin.

"Pinagtalunan namin 'yon nina Mom and Dad. So they cut my allowance para pumayag ako pero paninindigan ko ang napili kong propesyon."

"What the hell? So ikaw ang nag-papaaral sa sarili mo ngayon?" gulat kong tanong.

Gusto ko siyang kaawaan pero hindi ko 'yon ipinakita. You know boys, ayaw nilang kaawaan.

"Yup. May ipon naman ako but it's not enough, mauubos na 'yon dahil sa mahal ng tuition dito sa Hades Academy. But then, Z came in. Tinulungan niya ako. He pushed me to step forward kahit na ang ginagawa ko ay umatras. He saved me from the darkness full of agony. He's there when I've no one. . . together with this section," pagtatapos niya at tumayo na. Niligpit niya ang lahat ng gamit at isa-isang sinilid sa bag. Alam kong ayaw na niyang pag-usapan 'yon.

May taglay din palang kabutihan ang Z na 'yon.

Napaisip ako bigla sa sinabi ni Cielo. Am I wrong that I judge this section noong first day ko rito sa Hades?

I mean, makikita mo silang barunbado, nakikipag-away at napipikon, tumatawa sila pero sa likod pala no'n ay may sari-sarili silang kinakaharap at pinagdadaanang problema.

Lahat ay kinukutya sila dahil napapabilang sa Worst Section ng HA. Everyone was blind to the truth. Nabubulag sila dahil sa records ng Worst Section pero kung titingnan mong mabuti, kagaya rin sila ng isang ordinaryong estudyante.

Nakakahiya ka talaga Threze para husgahan sila ng gano'n! But because of this, they gained my respect.

Hands down for the Worst Section!








A S T A R F R O M A B O V E

Me and the Worst SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon