"S-siya nalang ang kakausapin ko" tumayo ako at tumalikod sakaniya. Pinunasan ko ang nagilid na luha ko dahil sa sakit, sa sakit sa sobrang sakit at kirot na nalaman ko.
"Ella, I want to be honest with you. He really loves regene, so I hope you won't get mad at my nephew. Kasi mas ginusto niyang pakasalan si regene kesa sayo na siyang inalok ng kasal"
"I have not been able to process everything you say, uncle" nakatalikod kong sabi"Dahil kaba at nanghihinang tibok lang ng puso ko ang tanging naririnig ko. Pakisabi nalang sa pamangkin niyo na hindi ako papayag sa gusto niyang mangyare, at hindi bagay ang anak ko na kahit sino ay pwedi Siyang, angkinin"
"Pero, Inangkin mo din naman ang anak niyo, ng matagal na panahon hindi ba?" dahil sa sinabi niya, ay nagkalakas ako ng loob para harapin ulit siya.Kahit na basang basa ang mata ko.
"Paano niyo naiikukumpara ang nakaraan sa kasalukuyan? Kung ayang mali ko sa nakaraan ang nakikita niyo ay wala kayong alam."hindi ko alam kong saan ako nakakuha ng lakas ng loob para sabatin ng ganto si uncle nick, pero sadyang hindi ko maawat ang sarili ko.
"Sana mapaisip din kayo na kung anong hirap at dusa ko sa mga panahong hindi ko alam ang katotohanan. Kung paano ako gumising sa umaga at nangangarap na sana, na sana anduon si ash sa tabi ko, Na sana nong umere ako habang pinapanganak si blix, ay hawak ko ang kamay niya at duon kumapit para kumuha ng lakas. Na sana, nang unang beses ngumiti si blix ay ako at siya ang unang nakakita. Na sana, anduon siya nang mga panahong nagkasakit ang anak ko at hindi ako magkaundagaga sa kung anong dapat kong gawin. Na sana, sa apat na taong nabuhay sa mundong ibabaw ng anak ko ay anduon kami nakamasid at nakaantabay kay blix. Pero dahil puro ako SANA ay mananatili lang iyong isang pangarap. At ngayon nanaman na akala ko ayos na ang lahat. Na okay, na ang lahat, Na akala ko, makakasama ko na siya pero hindi pa pala" Kasabay ng pag pikit ko ay ang pagtulo ng mga naghahabuluhang luha ko. "Hindi niyo nararamdaman kung saan ko pinanghuhugutan ang mga sakit na ito dahil hindi pa kayo nagmamahal uncle. Hindi niyo pa naranasang magmahal""Dahil babaliwin ka ng pag-ibig Ella. Kaya sinabi ko sa sarili ko na isasarado ko ang puso ko kahit na anong mangyare, dahil ayaw kong maruyukan ang hulma nito"
"Kung ganuon, subukan niyong buksan ang puso niyo uncle, dahil kahit baliwin kayo ng pag-ibig ay masasabi mo naman sa sarili niyo, na kahit minsan sa buhay ko ay naranasan ko ang umibig at masaktan. Mahal ko ang pamangkin niyo, kaya kahit na ganto na ang nangyayare, kahit sobrang alanganin na kahit isang hakbang ko nalang ay mahuhulog na ako,ay hindi parin ako humahakbang dahil siya lang, ang nakaukit sa puso ko, tanging si Ash lang ang bumaliw saakin tanging ang pamangkin niyo lang ang lalaking mahal ko. Kaya sana maintindihan niyo ako na hindi ko matanggap sa sarili ko na Yong taong mahal ko ay hawak na ng iba. Na Yong matagal ko ng pinapangarap ay masaya na sa piling ng iba. Ito nga siguro ang sinasabi nilang karma. Nakarma ako dahil yong lalaking kaisa isang tumanggap saakin ay sinaktan ko" Huminga ako ng malalim, para mabawi ang lakas ko.
"Naiinis ako sa sarili ko uncle nick, dahil bakit hindi ko naalala Yong mga nangyare ng gabing iyon. Kung bakit pinagkamalan kong si Cole ang ama ng anak ko. Alam niyo ba na pinagsisihan ko kung bakit ininom ko pa ang huling alak na Ibinigay saakin nong waiter? At pinagsisihan ko na bakit pa ako, pumunta sa bar ng gabing iyon, dahil Yong gabing iyon ang naging dahilan kung bakit nawala sa buhay ko si Ash, kung bakit, Yong lalaking parte ng kaluluwa ko ay nakuha na ng iba. Ansakit sakit bumawi ng tadhana, ang akala ko ay galit lang siya saakin, ang akala ko ay natabunan lang ang pagmamahal niya saakin pero bakit may pilian na at ang masakit pa ay, wala pala ako sa pagpapapilian niya"Yumuko ako at hinayaang bumagsak lahat ng patak ng luha ko dahil alam ko pagkatapos nito ay magiging maayos ang pakiramdam ko, kahit panandalian lamang. Napa-angat ako ng tingin ng may kumatok. Sunod sunod na katok. Nangangatal ang paa ko sa paglalakad palapit sa pintuan. Pagbukas ko ay ako naman ang Naestatwa sa kinakatayuan ko.

BINABASA MO ANG
He's part of my soul (R-18)
RomanceTeaser: Lahat ng tao ay may halaga at misyon sa mundo, pero isa lang ang alam ko ang hindi mo mapredict sakung anong kaakibat nitong kaguluhan sa buhay mo. I imprisoned my self, to my freedom, to the truth that I want to feel, like other people but...
Chapter32
Magsimula sa umpisa