Acceptance..
Nagising ako isang umaga na sinisikmura ang lalamunan ko na pati ang paningin ko ay umiikot. Nahihilo man ay minadali kong pumunta sa banyo.
Nasusuka ako pero duwal at pulos tubig lang ang lumabas.
Hinawakan ko ang sink sa lababo at kinontrol ang pagkakatayo ko duon, para hindi tuluyang matumba. dahil sa tindi ng pagkahilo ko.Tinitigan ko ang mukha ko sa salaming nakakalawang na. Simula ng umalis si Ash at blix ay para akong bangkay na namumuhay sa sarili kong puntod na walang ibang tao kundi ako lamang.
Ayon nanaman ang sakit na nararamdaman ko, dalawang buwan na ang nakalipas pero heto ako't umaasa parin na sana bumalik siya, sila ng anak ko,pero ang pag-asang nararamdaman ko ay unti unting natutunaw sa pagdaan ng mga araw. Dahil kong gusto niya akong makita ay babalik siya, babalikan niya ako.
"Whoa! Bakit kapa ba umaasa Ella, na babalik siya? Eh ikaw naman itong gumawa ng dahilan para umalis siya at iwanan ka" Pinunasan ko ang luha ko "Tama na Ella, masyado mo ng nasaktan, yong tao" patuloy parin ako sa pagkumbinsi sa sarili ko na hindi na kami pwedi, na wala na.
Pumasok nanaman sa isipan ko ang mga litratong Ipinakita saakin ni uncle nick ng gabing hinarap ko sila tito lorentz at Paul.
Nang gabing sanang iyon ay susundan ko na sila pero ako din ang umatras sa sarili kong desisyon. Dahil ng makita ko ang mga litratong, ipinakita saakin ni uncle nick, ay nanlumo ako, nakita kong masaya ang mag ama ko habang kasama si regene. Kung hindi ko lang sana alam na ako ang ina ni blix ay iisipin kong isa silang perpektong pamilya.
Masaya sila kahit hindi ako Yong kasama nila...
Ikinalma ko ang pakiramdam ko bago ako lumabas sa inuupahan kong apartment dito sa bakulod. Hindi man ako natuloy na sundan sila ay mas pinili ko nalang na puntahan ang huling destinasyong pinuntahan nila kahit sa ganuong paraan ay para ko na rin silang kasama.
Inayos ko ang jacket na suot ko at nagsimulang maglakad lakad. Maganda ang simoy ng panahon, may mga ilang tao na akong nakikita at abala sa kanilang mga paninda kahit ala-singko palang ng umaga. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa natagpuan ko ang sarili ko sa ilog.
Maingat akong umakyat sa mataas na hagdan para makababa sa mismong ilog. May nakita akong isang malaking tipak ng bato kaya duon nalang ako naupo. Tumingala ako sa langit at duon nakita ko ang anino ng buwan na unti unting naglalaho at ang mata ng araw na unti unting bumubungad.
Ganun nga talaga umiikot ang buhay ng isang tao, mahahalintulad lang sa buwan at araw. Ang dilim na binibigyan ng liwanag ng buwan, kahit gaano man kalayo ang distansiya ay hindi siya nagpapabayang hindi masundan ang taong nagdadala ng mabigat na problema kahit wala ka ng makapang paraan para masolusyunan ito. Pero lilitaw ang buwan para bigya ka ng liwanag. Nang makita ang daaang tinatahak mo at ayan naman ang araw na, siyang papalit at gagabay sayo para masilayan mo ang umagang puno ng pag asa.
Gayong sobrang linis na ng utak ko, ay kulang parin ang katauhan ko. Inilibot ko pa ang paningin ko at nasilayan ko ang nagliparang mga kumpol ng ibon na animo'y sobrang saya dahil nakawala sa kanilang mga hawla.
Nakakatawa mang isipin ay gusto kong maranasang lumipad sa himpapawid, dahil sa paglipad ko ay walang sasara o haharang sa kung saang destinasyon ko man gustong pumunta.
Buti pa ang mga ibon, nakakamit nila ang totoong saya at ang kalayaang gustong makamit ng sinuman.Ang tao'y parang ibon lang din dahil ang sarili mo ang tunay mong kalaban, kailangan mong maghinay hinay sa paglipad sa ere dahil hindi mo alam kung kailan ka mapapagod.
Parang ako hindi ko muna naisip na huminto muna sa isang tabi at isipin kung tama ba ang daang tinatahak ko,
patuloy parin ako sa pagtakbo hangga g sa napagod na ako sa dulo. Ngunit dahil sa determinasyong meron ako ay nag patuloy parin ako kahit na sobrang hina na ng mga tuhod ko. Gaya ng ibon wala Siyang ibang pagpipilian kundi magpatuloy sa paghampas ng kaniyang mga pakpak upang hindi siya tuluyang bumagsak.

BINABASA MO ANG
He's part of my soul (R-18)
RomanceTeaser: Lahat ng tao ay may halaga at misyon sa mundo, pero isa lang ang alam ko ang hindi mo mapredict sakung anong kaakibat nitong kaguluhan sa buhay mo. I imprisoned my self, to my freedom, to the truth that I want to feel, like other people but...